Dear Boy Lapot,
Tawagin mo na lang po akong si Boy Kipot. Hihingi po sana
ako ng payo sa iyo tungkol sa panliligaw. Hindi naman po ako pangit at may
maganda naman po akong trabaho pero parang kulang. Hindi pa rin po ako
sinsasagot ng nililigawan ko. Can you teach me how to dougie, este hihingi po
sana ako ng pogi tips at mga da-moves sa chikas?
Salamat,
Boy Kipot
Magandang umaga kung umaga mo itong mababasa Boy Kipot. Una
sa lahat, hindi ko akalain na may mas sasagawa pa sa pangalang Boy Lapot.
Pogi tips at da-moves ba kamo? Lumapit ka sa tamang tao,
maliban kay Bravo Dakila. May kwaderno at Mongol 1 na lapis ka na ba? Pwes
ilista mo ang mga tips na ito:
1.
Noong nagseminar
ako sa lolo ko, hindi mo naman talaga kailangang maging kamukha sa Tom
Cruise o si Aga Muhlach para mapasagot ang isang dilag. Ang tunay na kailangan mo ay ang wastong hygiene. Ano ang ibig kong sabihin? Ang totoong pogi ay malinis sa
katawan, magaling magdala ng damit at may malusog na pangangatawan. Totoo na
madali makapick-up ng chiks kung pogi ka pero hindi pangmatagalan iyon. Kapag
nalaman ng chiks na may anghit ka pala e parang sinapawan ng anghit ang pogi
mong mukha. At sa tuwing makikita ka ng babae, eh anghit ang una niyang naaalala
nila at hindi kung gaano ka blue ang mata mo.
2.
Isaipuso mo ito: Hindi mo kailangang maging pogi
para maging pogi. Kahit simpleng puting damit lang kung malinis at plantsado
naman ito ay magdadala ito ng magandang mensahe sa dalaga. Aanhin mo yung lalaking
madaming bling-bling sa katawan kung mukha naman siyang sako ng semento sa
kanyang damit.
3.
Boy Kipot (natatawa talaga ako sa pangalan mo)
alam mo, gawing mong pabor sa iyo ang maganda mong trabaho. Ang nais kong
sabihin ay mag-ipon ka at i-surprise mo siya. Hindi lahat ng babae ay gusto ang
surprise pero maniwala ka sa akin, mahalaga sa kanila ang effort. Halimbawa,
mahilig siya sa mga banda. E di surprise mo siya ng libreng ticket sa concert
ng Parokya Ni Edgar o kaya ng Kamikaze. Siguradong riot sa saya yung date niyo.
4.
At ito ay pinakatatagong resipe sa panliligaw na
pinagpasa-pasa ng mga ninuno namin hanggang sa napasakamay ko. At ngayon ay
ibabahagi ko sa iyo. Huwag kang manligaw. Malabo? Ganito yun. Naniniwala kasi
kami na kapag nanliligaw ka ay parang nag-iibang tao ka na. Ang dating ikaw na
simpleng pumorma ay paconyo-conyo na ngayon para lang mapansin.
Nagtatag-english ka na rin para sosyal daw. At nakiki-ipad ka na rin para
maging in. Ang punto ko ay dapat maging totoo ka sa sarili mo. Ang side effect
kasi ng panliligaw ay parang nagpapa-impress ka lang para makuha ang matamis
niyang “Oo” at tapos ano? Balik sa dating mga pangit na gawi? Tsaka ilarawan mo
ito:
Boy Lapot: Petra, pwede ba kitang
ligawan?
Petra: (parang hindi alam ang
sagot). Hmmm, tingnan natin.
Sa puntong ito, parang direkta mo siyang inaatake at parang
alam na agad ng girl ang patutunguhan ng saranggolang pinalipad mo. Subukan mo kaya ang ganitong hirit:
Boy Lapot: Petra, alam mo mukha kang nurse?
Petra: Bakit?
Boy Lapot: Kasi parang ang galing
mong mag-alaga ng puso. Biro lang. Kasi
parang ang linis mo manamit. May lakad ka ba mamaya? Kain tayo ng isaw sa
kanto.
Petra: Boom. Tara. Libre mo ko ha.
O di ba, may pick-up line ka na, hindi pa nakakailang
sabihin na gusto mo makasama yung babae. At parang natural ang dating. Hindi
nanliligaw. Hindi rin nagpapa-impress.
Hanggang dito na lang. Tsaka palitan mo na yang Boy Kipot
mo. Hayaan mo na lang ako ang may masagwang pangalan. Sana sa mga da-moves na
binigay ko ay maliwanagan ka na. At yung super secret recipe ng mga ninuno namin
ay pwede mo nang ibahagi sa mga apo mo. Sigurado akong pagkatapos mong mabasa
ito, ay kayo na ng sinusuyo mo.
-Boy Lapot-