Hindi ako nagmumura pero tang-ina naman oh, kailan pa at pati
ba naman ang pagkain ng Magnum, status symbol na. Sino nagsabing nagmumura ako, king-ina
tusok-tusokin ko. Chismis lang yun. Sang-gala, balita ko kapag kumain ka daw ng
ice-cream na yan eh feeling royalty ka daw. Kung hindi ka pa nakatikim, eto ang
tamang paraan ng pagkain nito.
1.
Una, may pambili ka ba? Kung wala huwag mo na
basahin ito. Kasi sosyal daw ang kumain nito. Maghanda ka ng 55-60 pesos. Kasi
ang presyo nito ay depende kung saang 7-11 ka bibili.
2.
Tapos i-take home. Dahan-dahan lang sa paghawak
para hindi masira ang foil or kung ano man ang tawag sa tang-inang cover nito
for picture-taking for purposes. At siyempre bilisan ang paglalakad para hindi
agad matunaw. Tapos take a bite. Take note: one bite lang ha para magandang
tingnan sa picture.
3.
At ito na nga ang pinaka-highlight, ang picture-taking.
Kung my iphone 4s ka, mas maganda. Kunan ang sarili na kinakagat ang Magnum at ipikit ang mata kunyari masarap na masarap kahit niloloko mo lang ang sarili mo. Para mas
mataas ang pixels, mas maganda kung DSLR ang gamit mo.
4.
Mag-online. Facebook o Twitter. I-upload ang pix
at lagyan ng caption: “My Magnum Experience”. Tapos post mo sa status mo: “Magnum
anyone? Omg, Nakakaadik talaga siya. Super sarap”. Opps, wag mahiya. Pwede mo ring palitan ang OMG ng WOW o ano
pang keme-keme. Tang-ina this.
5.
At wag nang mag-atubili. Ano pa ang inaantay mo? Bili na ng Magnum para isa ka maging ganap na miyembro ng asosasyong sunod-sunod sa uso. “Bigyan ng
jacket yan at Willy’s phone”.
Hindi ko lang talaga maunawaan. Para sa ilan achievement na
sa buhay ang makabili ka ng Magnum. Pero 60 pesos para sa ice cream stick,
eh maghalo-halo na lang ako. Pero tang-ina talaga ang nagkakalat na nagmumura ako, umayos ka na.
Patira kita kay Boy Hagdan. King-ina niyo ah, bibili nga ako mamaya. Ma-try nga
ang Magnum na yan. Pero bago yan, tanongin ko muna si SimSimi.
Ako: Masarap ba ang Magnum?
Simsimi: Yuck, sosyalera ang mga kumakain niyon.
Ako: Talaga. Bakit?
Simsimi: Mahal kasi yun. Pero masarap yung classic.
Ako: Talaga!
Simsimi: Vice Ganda, ikaw ba ito? Pauli-ulit ka kasi. Unlimited.
No comments:
Post a Comment