Monday, March 12, 2012

Suma Cum Laude

Habang naglalakad pauwi ay sinusulat na ng utak ko ang mga nilalaman nito tungkol sa nangyari mga apat na oras ang nakalipas. Nag-uunahan ang aking paa at isipan papunta sa bahay dahil baka bago pa ako makarating ay makatakas pa ang sama ng loob.

Noong nasa departamento ka namin ay hangang-hanga ang mga bago sa lalim ng boses mo, sa mga mabulaklak mong pangungusap at sa iyong malinis na pananamit. Maliban sa akin. Noon pa man ay wala talaga akong bilib sa iyo.

Sa tuwing pinagbubunyi mo ang pinagdaanan mo sa iyong OJT ay parang mahuhulog na ang panga nila sa pagkamangha. Naubos ang salitang “Wow, ang galing mo naman”, kapag kinukwento mo ang pagiging honor student mo.

Dahil sa katangiang ito, alam ko na madali mong makuha ang gusto mo. At na-promote ka nga bilang bisor. Pero salamat at ‘di sa departamento natin. Namin na ngayon.

Masaya ako kapag nakakakita ng mga taong umaakyat ng isang hakbang sa hagdan ng tagumpay.  Tulad mo.

Pero pusang-gala, hindi ibig sabihin noon na kalimutan mo na kung saang departamento ka galing. ‘Di ka marunong lumingon. Parang hindi ka naging isa sa amin. Magkastiff-neck ka sana. Hiniwalay mo na ang sarili sa dating gubat na humasa sa iyo para maging isang mabangis na leon. Tulad ko.

Okey lang na pagsabihan mo ako sa isang bagay na hindi ko pa nababasa o nalaman dahil nauna ka lang nakabasa, pero ang taasan ng boses at hiyain ako sa harap ng departamento, aba anak ng tupa, ibang usapan na yan. Pwede mo naman ibahagi yung nabasa mo diba sa paraang hindi pasigaw na para bang gusto mong malaman ng lahat na magaling ka.

Ang sa akin lang naman ay parang hindi tayo magkakilala dati. Parang hindi magkasama dati. Ano ba naman ang kausapin mo ako ng mahinahon at talakayin kung ano ang mabuting gawin sa isyu ng bata mo? Di ba mas madaling gawin at kaunting lakas lang ang mababawas sa payat mong katawan? Ganyan kasi ang natutunan ko sa departamento na ito. Ang gawin ang payak pero mabisang paraan. At siyempre ang gawin kung ano ang kayang gawin. 

Sa wakas, nailatag ko na din sa blog na 'to ang mga hinuha na kanina pa naglalaro sa utak ko. Okey na ako. Siyangapala, hindi ako nakikinig sa mga kwentong OJT mong kabaduyan. At kung Magna Cum Laude ang yabang mo, Suma Cum Laude ako.

2 comments:

¸.·´¯`·.¸♥pammy♥ said...

“I have three precious things which I hold fast and prize. The first is gentleness; the second is frugality; the third is humility, which keeps me from putting myself before others. Be gentle and you can be bold; be frugal and you can be liberal; avoid putting yourself before others and you can become a leader among men.” ― Lao Tzu

Ako si Diosa said...

OMG, hahaha, ngayon ko lang nabasa to. We had an encounter sa first day na bumalik din ako dahil sa katangahan ng agent nya, sya ang pinahiya ko. I have nothing against this person pero nakakatawa lang.