Yung kaklase mong naka-graduate ng walang dalang notebook at
papel since 1st year. Eto ang isa sa mga shining, shimmering, splendid moments niya.
“Okey, class we will have a quiz today. Get your ¼ sheet of
paper and number it 1 to 10.”
“Tol, may papel ka ba diyan? Pahiram naman muna, balik ko
bukas.”
“Ay tol, sorry ha last piece na to.”
“Grabe, ang damot mo naman.”
Ganito lagi ang eksena araw-araw kapag may surprise exam sa
klase. Ikaw pa ang kontrabida. Ikaw pa ngayon ang may masamang ugali. Kung
hindi papel ang wala, minsan ballpen. At ang matindi pa, pati notebook di
nag-eexist sa kanya.
Sana makarelate ang mga bata ngayon, pero noong kapanahunan ko,
which is 10 years ago, kinokopya namin yung sinusulat ng guro sa pisara. Yung
mga nakasulat doon ay parang pilak, may halaga tuwing exam. Yung ilan kasi sa
mga ito, di nakalimbag sa mga aklat na pinamamahagi ng paaralan. So ang stategy
niya, hihiramin niya ang kwaderno mo at papa-xerox simula page 1 hanggang last
page kung saan nakasulat ang pangalan ng crush mo. Copy-Paste. Hassle-free.
Buhay hayahay.
Bestfriend sila nitong kaklase mong may papel at notebook
nga, pang-championship level naman kung mangopya. May sharingan ang mata.
Kayang basahin kahit bakal na yung nakatakip sa papel mo. Sila yung nalimutang
ihanay sa listahan ng mga super heroes. Bilis kasi ng reflexes at pang-amoy kapag
nakitang padating na si titser. At ang mala-Game of Thrones na ending eh, mas
mataas pa yung grades niya sayo. Kapag natiyempuhan kong mag-isa to sa bahay
nila, kukulotan ko to at pagbubunutin ang kilay niya.
Masusubukan ang Sharingan mo dito. |
Kung wala kang ganyang kaklase, bumalik ka ulit sa skwelahan
tapos kwentuhan tayo kasama ang pagong ko.