Monday, January 31, 2011

Ang Lasing at Yoga


Ayon sa matinding pananaliksik ni Boy Lapot at batay na rin sa kanyang mga nakasagupa sa inuman, napag-alaman niya na ang pag-iinum ay may mabuting naidudulot sa katawan ng tao. Napagtanto niya rin na ang yoga at ang taong-lasing ay may pagkakatulad. Husgahan natin sila sa mga nakalap na ebidensiya ni Boy Lapot kasama ang SOCO.

Heto 'yong tinatawag nilang Savasana. Ito ang paboritong position ni Boy Lapot at ang tropang lasing. Total relaxation ang ibang tawag dito. In short, bagsak. Walang pakialam kung saan man lalapag ang mukha. Tulad na lang ng isang ito sa baba, na hindi alam kung sa kubeta o sa loob ng tren natagpuan.


Pinangalanan naman itong posisyon ni Boy Lapot na Balasana. Tunog parang magsusugal ah. "Sige pare balasa na". Pero ito daw ay pinaniwalaan na nagbibigay nang kapayapaan sa ating isip at kaluluwa. Ito iyong Bagsak part two.




Scientific name: Setu Bandha Sarvangasana. Parang hindi scientific eh, parang Indian eh. Try niyo na lang para magkaalaman na kung ano ang naidulot ng posisyon na 'to. Hindi pa daw na try ni Boy Lapot ito eh.

Marjayasana ang tawag sa move na ito. Tunog ng rootword nito ay parang inexport pa ng Thailand. Pero mabisa daw ito kung masakit ang likod mo at spinal column. Si tatang sa larawan sa baba naman ay walang pakilam kung sasakit ba ang likod o spinal column.

Halasana naman ang tinuturing na pinakamatinding moves na nadiskubre ni Boy Lapot. Tingnan na lang natin ang ebidensiya niya sa baba. One time, subukan niyo. 

Dolphin. Hindi na siguro kailangang explain 'to di ba. 

Salambhasana ay ang kabaligtaran posisyon ng Savasana. Pareho lang din naman daw 'yong benefits ang makukuha. Suggestion ni Boy Lapot na pagsamahin ang dalawang posisyon. Trip lang.

Ananda Balasana ay kapatid ng Savasana dahil sa parehong posisyon nito nakataas lamang ang iyong paa. Napagdesisyonan nila Boy Lapot at ng mga ekspyerto na mainam daw ito bago gawin ang missionary posisyon.

Pigeon o parang natatae lang ang tawag sa posisyon na ito. Pero para sa mga curios, epektibo daw ito para mahasa ang flexibility ng katawan. 





Dahil sa maaring kontrobersyang maidulot, napadesisyonan ng SOCO at ni Boy Lapot na itago ang mga pagkakilanlan ng mga taong-lasing sa mga larawan. 

Sabi sa inyo hindi lahat ng bisyo ay masama kaya tagay na.



P.S. at Disclaimer: Hindi po pino-promote ni Boy Lapot ang paglaklak ha at ang post na ito ay hango sa email na pinadala ng isang katrabaho. 

No comments: