Tuesday, March 08, 2011

BUSPHOBIA


10 Dahilan Kung Bakit Nakakatakot Sumakay ng Bus

Maliban sa MRT at LRT, ang bus ang isa sa mga pangunahing transportasyon dito sa Pinas. Sila rin daw ang makabagong hari ng kalsada bago tinurn-over ng kalabaw ang trono.

MALAKI, MABILIS AT MAGINHAWA. Mga dahilan kung bakit na-enganyo ding sumakay si BOY LAPOT. Simula kasi noong nagtrabaho siya sa Makati, ito na ang kanyang  sinasakyan.





At dahil may IPAD 2 na, siyempre aircon na rin ang bus at yung iba may free wi-fi access pa. Dahil sa laki rin nito, marami ang pwede niyang isakay. At sa gabi-gabi (graveyard shift siya eh) ba naman nitong pagsakay ay nakasalamuha na ni Boy Lapot ang ibat-ibang nilalang kung saan hahantong ang kwento natin sa sampung listahan kung bakit may BUSPHOBIA kahit wala naman ito sa dictionary.
10. Palabas sa bus.
'Pag mga isang oras ang biyahe mo pauwi, sigurado akong wala ka ng ganang kumain kapag ang palabas sa bus ay mga katulad ng Chainsaw Massacre, Saw, at ang paborito ni Boy Berde (teammate ni Boy Lapot) ang Wrong Turn. Sino ba naman ang ganado sa pagkain kung hinihiwa na utak, tinutusok na mata at tinatanggal ng kuko ang ulam mo. Ang hindi ko maintindihan kung bakit nakayan ni Mang Driver at Kuya Kundoktor na ipalabas ang mga pelikula tulad ng Sariwa, Pitas, Kainan sa Highway, Patikim ng Pinya, at Torotot tapos may bata sa loob. 

9.Taong hindi marunong  umusog.
Pusang-gala naman oh, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa taong feeling niya sa kanila ang upuan? Ano to bahay mo? Tusok-tusokin kita diyan eh. Yung tipong siksikan na, ayaw pang umusog. Yung alam niyang pu-puwede pang umupo si Lolo Barbers ay ayaw pang umusog. Kahapon sa sobrang init ng ulo ng kundoktor, sabi niya habang nakatingin sa damuhong ayaw umusog, “Wag niyong pansinin niyan, hindi yan Pilipino. Di yata nakakaintindi ng usog. Pagpasensiyahan niyo na bisita natin yan”.

8. Buwisit na kundoktor.
Speaking of kundoktor, minsan nakakainit din sila ng ulo eh. Yung kundoktor na isang-libong beses maningil. Pagsakay mo maniningil. Pag may bagong sumakay, maniningil ulit. Pag may bumaba at may sumakay, ayan na naman siya. Naintindihan ko na trabaho niya yan pero yung paulit-ulit, ay hindi na makatarungan yun. Mas imortal ka pa sa unlimited na load. Isa pang kundoktor ay si MAYANASUKLI. 15 pesos pera mo, 12 ang pamasahe tapos wala siyang tres na panukli, sabihin niya sa iyo, “Maya na sukli”, hanggang sa makalimutan niya na ito dahil busy-bisihan siya sa kakapaningil. Hanggang sa ikaw na nahiyang hingin ang sukli mo. Sarap sampalin ng alpombra amp!
7. Natutulog.
Oo, yung may laway pang tumutulo. O kaya yung humuhilik pa. Ang mas masama pa, kung katabi mo ang damuhong katulad nila. Tapos yung ulo niya la-landing sa balikat mo. Swerte mo pag chiks yun. Pero hindi rin, kasi kahit bebot e kung tulo-laway naman...Yuck. Kadeers!

6. Maingay na pasahero.
Pero mild lang yan ang natutulog kasi hindi naman sila nanakit. Mas nakakabadtrip ay kung kasabay mo yung mas maingay pa sa makina at sound o palabas ng bus. Yung kahit sa front row ka at nasa pinakalikuran siya ay dinig mo pa rin ang chismis na ang supervisor nila ay may karelasyon na agent. Kulang na lang kwento niya kung ilang beses siya umutot araw-araw.

5. Maraming dala.
Mapagpasensiyahan natin yung maiingay pero yung maraming dala na parang buong bahay bitbit niya ay hindi na dapat pinapasakay sa bus. Mag-taxi ka na please! 

4. Mabaho na katabi.
Sa lahat ng uri ng pasahero, walang kapatawaran ang sumakay na may BO lalo na pag siksikan at aircon. Naku, walang kawala ang amoy. Ang only option ay pagtulungan ng lahat ng pasahero na singhutin ang halimuyak na hatid ng taong mas madalas pang mag-bertdey kesa maligo. Anak ng kili-kili naman!

3. Snatcher
Okey lang kay Boy Lapot katabi ang may BO, wag lang yung snatcher, magnanakaw, at salisi gang. Naranasan niya daw kasi ang mahold-up na. Pero hindi sa bus. Kinuwento niya sa akin ng detalyado kung anong nangyari at promise, ayaw niyo itong marinig. Hinubuan lang naman daw siya. Kaya ang mga pasikat diyan ng 3310 na cellphone, alam mo na ang gagawin. Itago. Mag-ingat. Mapanuri. Mapagmatyag. Matang-lawin.

2. Driver mabilis magpatakbo.
“Manong drayber maawa ka, maghunos-dili ka”. Tinawag mo na lahat ng santo para hindi madisgrasya ang bus kasi si Manong Drayber ay hindi sweet lover. May lakad siya. Nagmamadali baka maubusan ng pasahero. Ang biyahe niya at Trip to Hell and back. Bukas nuod ka ng balita, siguradong may banggaan na naman ng bus at ng dyip, bus-kotse, bus-tricycle, at (bus versus pedicab?).
1. Bomba.
Hindi ito ang nababasa mo sa Bandera o sa Toro na tabloid. Oo, heto yung sumasabog. Pati daw si Boss Noynoy ay nagimbal sa mga nagaganap na pambobomba. Hamakin mo sa administrasyon niya naitala ang mga sunod-sunod na mga pangyayari patungkol sa bus. Sa Quirino Grandstand. Sa Buendia. Sabi nga ni Boy Berde, lahat daw na may kahina-hinalang bitbit at pagmumukha ay dapat pinababa na sa bus, kahit di na magbayad. At dapat daw may security guard din daw sa loob ng bus para inspeksiyonin ang mga bag ng bawat sumasakay tulad ng sa mga mall.
 Ikaw, alin dito ang nakatabi mo?

1 comment:

Anonymous said...

di ko naman paborito yung Wrong Turn...