Isang Probinsyano ang
nasa loob ng resto sa Makati. Nakabarong- tagalog,
hati ang peluka ng buhok at may dalang bayong. Parang sa mga pelikula ni Andrew
E.
May isang Conyo din
sa parehong loob ng resto. Nakaputi na polo shirt, nakashorts,
at espadrille. May dalang laptop at Iphone. Yung tipong Luis Manzano ang
dating.
Pagkatapos makahanap ng pwesto ay tumawag ng waiter ang
Conyo. At pagkatapos tumambay ng 30 minutes ay saka pa lang umorder ang Probinsyano at tumawag din ng waiter.
“Excuse me, can I have a steak and mushroom soup please?”, sabi ng
Conyo.
Pagkatapos ilista ng waiter ang order ay tinawag din ng
Probinsiyano ang parehong waiter.
“Psst, pssssst, oo ikaw, halika ka dito”, ang sabi niya. At
dahil hindi niya alam kung ano ang nasa menu, dugtong niya. “Bigyan mo ako nang
katulad ng order niya”, sabay turo kay Conyo. Napatingin ang waiter sa Conyo at
umalis.
Dumating ang order pagkatapos ng 25 minutes. Samantala,
surf lang sa laptop si Conyo at buraot naman sa kahihintay si Probinsyano habang inaabangan ang susunod na galaw ni Conyo.
Kinuha ni Conyo ang table napkin at nilagay sa kandungan niya. Sa kabilang table, ay kinuha din ni Probinsyano ang table napkin at
ginaya ang galaw ni Conyo.
Inabot ng kanang kamay ng Conyo ang bread knife at tinidor
sa kaliwa. Hiniwa ang steak at dahan-dahang nginuya. Masusing nagmasid si
Probinsyano kung paano ginawa ito at saka ginaya.
Sa lahat ng ito ay civil lang si Conyo habang at home na at
home si Probinsiyano. Kulang na lang ay itaas niya ang dalawang-paa sa upuan at parang bahay na niya ang resto.
At sa pangdesert, habang nag-post ng status sa Facebook, ay
umorder ng cheesecake si Conyo na sinabayan din ni Probinsyano.
Sa huli, ay kumuha ng "kung-ano" si Conyo sa isang maliit na dispenser sa taas ng table at
bahagyang tumalikod habang tinatakpan ang bandang bungaga.
Dahil doon, hindi makita ni Probinsiyano kung ano na ang nangyari at
hindi alam kung anong kinuha at ginagawa ni Conyo. Pero dahil sosyal siya, para hindi mahalata na walang alam
sa dining manners at dapat cool pa rin ay kinuha rin niya yung "kung-ano", tumalikod at tinakpan
ang mukha.
Pagharap ni Conyo ay binalot niya sa tissue ang something at
tinapon sa malapit na basurahan.
Pagharap naman Probinsiyano ay bumulaga sa kanya ang dugo na
galing sa bunganga. Ang something ay sumabit sa kanyang ipin. Dahilan na mapunta sa kanya ang attensiyon ng
lahat. Sa halip na ibalot ng tissue ang something, binalot niya ang kanyang mukha sa hiya.
Kawawang Probinsyano hindi pala alam kung paano gamitin ang
toothpick. Hindi rin niya alam kung para saan ito.
Sosyal nga si Conyo pero sosyal din si Probinsiyano. Ngayon,
sino ang totoong sosyal?
No comments:
Post a Comment