Wednesday, May 11, 2011

Musika ang Buhay



May tao talagang binubuhay ng kanilang alab ng damdamin lamang. Kinakantwayan na nga ay patuloy pa rin. Wala na ngang nakikinig ay tumututog pa rin. Bino-boo na, nagra-rap pa rin. Wala na ngang nagbabasa, sumusulat pa rin.

Nakilala ko Sir Joy na hawak-hawak parati ang gitara sa ofis. Pero hindi talaga siya totoong gitara. Gawa daw iyon sa chopping board na hinugis gitara at nilagyan ng strings. Huli ko na lang nalaman na pampraktis lang pala niya ito. “Pang-strumming, ripping lang yan”, sabi ni Pareng Duane.

Wala akong paki-alam noon. Ang buong akala ko trip trip lang nila ito. Nakikinig lang ako. Pero nabuo na sa isip ko “may talent at magaling ang taong ito”.

Hindi ko alam kung may background siya sa music dahil hindi ko pa naman ito natanong bagama’t nakita ko ang studio niya sa Facebook. Two years niya daw pinundar yun. Lahat yata ng sahod niya dumerecho doon. Balita ko hindi na rin siya naglu-lunch para lang makaipon.

Dahil dito, lalo tumaas ang respeto ko kay Sir Joy. Kaya hayaan mo si Boy Lapot na maging taga-hanga mo. Bago ka pa man sumikat sa buong mundo, dito ka unang kumalat este sumikat pala. Mabuhay ka Sir. Ipagpatuloy lang ang alab ng musika.

At saka hayaan ko na rin ang post na ito na kumakanta sa tugtog ng “May Pag-asa Pa?”

Heto na ang obra maestra ni Sir Joy featuring the two-second appearance ni Boy Lapot. Dalawang araw din niyang pinraktisan ang eksenang yonPindotin ito.

2 comments:

Ako si Diosa said...

Totoo, kahit nga sinisita na sila, sige pa din..ahahaha.. Totoo magaling si Sir Joy. Idol..

adventuresofboylapot said...

hi diosa salamat talaga sa support mo..hehehe..wala pa rin sinai ang blog ko..dumadami na ang followers mo..good job.