Isa sa the best na eksena sa movie.
Si Virus (teacher na malupit, bookish at may bigote pero may
sexy na anak) ay nagbibigay ng kanyang pang 32 beses na speech sa mga bagong
Engineering student. Sa ending ng speech, pinakita niya ang isang ballpen.
“Bigay sa akin ito ng lolo ko. Ito ay isang espesyal na
ballpen na ginawa ng mga matatalinong mechanical engineer natin. Sadya itong ginawa
para sa mga astronaut upang sila ay makapagsulat ng walang hassle sa space sa paraang hindi natutulo, kumakalat o matapon man ang ink. Ilang years, ang ginugol nila para ito ay
malikha. Kaya ang sabi ng lolo ko, ipapasa ko lang daw ito kapag nahanap ko na
ang taong karapat-dapat na gumamit dito.”
Pero Hindi ang lengwahe na ginamit ni Virus. Indian movie
kasi ito. Pero wala kayong makikitang
5-6 sa movie. O kaya may maamoy na di kanais-nais. Oo, tama may subtitle ito. Baka isipin mo na...Hindi nga ako Bombay, sigurado ako.
“Ngayon, gusto mo ba na mapasaiyo ito?” tanong ni Virus. Lahat
nagtaasan ng kamay. Maliban kay Rancho, isa sa tatlong idiots. “Okey, hands down”, dugtong ni propesor. Lahat
nagbaba ng kamay. Maliban kay Rancho.
“Sir, tanong ko lang”, bungad ni Rancho. “Kung nababahala
ang mga engineer doon sa astronaut pen na matapon ang ink o kumalat, sa tingin
niyo, bakit hindi na lang kaya sila gumamit ng lapis? Nakatipid pa sila ng ilang milyones at iwas kurapsiyon”,
ang genius na banat ni Rancho na para bang may umilaw na bombilya sa ulohan
niya.
Speechless si Sir Virus. Hindi siya naisalba ng kanyang mga libro.
Ang Tatlong Itlog ng India. (picture downloaded from google.com) |
Kaya kung curios ka kung sino si Sir Virus? Bakit tinaguriang
Indian Henyo si Rancho? Kung idiot si Rancho, sino pa ang dalawang idiot? At
sino itong seksing anak ni Sir Virus?
P. S. Ang 3 Idiots pala ay ang Top-grossing film of all time
ng India. At kahapon ko lang napanood.
1 comment:
all is well.... :-)
Post a Comment