Siya ang Joewa ng lahat sa dahilang...
Ang kanyang mukha ay mukha ng kasiyahan. Ang kanyang ngiti
ay walang kasing-liwanag. Sa boses niya maririnig ang mga kanta ng ibon. Makikita
mo sa kanyang mata ang busilak ng kabaitan. Sa malikot niyang galaw ay
napapabilis nito ang ikot ng iyong mundo. Ang bawat kataga na lumalabas sa
kanyang bibig ay mistulang mahalimuyak na hardin na nang-aakit. At mahahalina ka sa kanyang kaharian kapag nasimulang magkaugnay
ang inyong mga puso.
Oo kung naging diwata siya kaso isa lang siyang hamak ng mortal. Siya si Joewary Calimlim.
Pero kahit siya si Joewary diwata siya
kung ituring ng kanyang mga kaibigan. At kung naging ganap siyang diwata,
sigurado akong Joewa siya ng lahat.
Si Joewa (naka-black) at 1/4 sa mga nasakop niyang kaibigan |
Hindi ko alam kung lubos ko siyang kilala. Pero parang matagal ko na siyang nakasama. Panatag ang kalooban ko. Sa ganoong paraan ko nakita ang kahalagahan ng isang pagkakaibigan.
Nalaman ko na malawak pala ang nasakop niya sa pagiging isang tunay na kaibigan. Kung naging mananakop siya, siguro si Napoleon
Bonaparte ang ka-level niya. Pwede kayong maging mag-kaibigan sa isang iglap lang.
Ganyan katindi ang PR niya.
Kung kaibigan mo si Joewa, alam mo ang tunay na depinisyon
ng pulitika sa industriya ng mga callboy at callgirl. Noong una ay pikit-mata kong tiningnan ang mga
pangyayari sa apat na sulok ng mga computer at telepono. Ang buong-akala ko
bahagi ito ng isang malaking proseso. Pero marami pang mga naging kaibigan ko ang may
parehong kwento. Ang nasa taas. Sila-sila. Walang TAYO.
Ang dating tao na mahalaga sa kanya ay kanyang nabitawan dahil sa paghila ng kamay ng pulitika. Ang dating trabahong gamay na niya ay nawala na parang incentive
kapag may pay-out ka. Nawala kasama ng taong parati niyang kinukuwento sa akin. Kapag may avail o kaya kapag may laklakan.
Pati si Joewa nawala sa eksena kung kelan dapat ay moment
niya na‘to.
Subalit ganoon pa man, ang mahalaga ay kung ano ang ginawa
mo para sa mga kaibigan hindi kung ano ang kasarian mo o kung ano ka man.
At dahil sa taglay mong kagandahan, ikaw na ang Joewa ng
lahat.
PS. Walang hiya ka Joewa nasa Ortigas ka lang pala. Diyan ka
na naman maghasik ng lagim.
2 comments:
hayyy, kamiss tlga si joewa.. hindi ko man lng xa nakita.. wla lxe naka alala sakin ng mga panahong pasugod na kau sa inuman. ang tawag sakin "others" .. kxe di na belong, di pa naalala isama. >.<
@pammy: ano ka ba? niyaya kita. ikaw tong busy. sabihin mo nag-jogging kayo. anyway, salamat.
Post a Comment