Hindi ako si John Lloyd. Kamukha ko lang. Pero ako ang dream
guy mo.
Pangarap ko ang bilhan ka ng kariton. Dito ilalagay natin
ang lahat ng bote, diaryo at kung ano pa na ating naipon maghapon. Iikotin
natin lahat ng mga basurahan sa Ayala at Ortigas para sosyal. Tapos ibebenta natin sa junkshop. Ganyan kasosi ang job
description ko at ang pagmamahal sa iyo. Masuwerte ka sa akin kasi buhay-kalye ay matatamasa mo. Pero hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi ako ang dream guy mo.
Pangarap ko ang bigyan ka ng maraming bobong anak. Gustong
kong lumaki silang baluga. Hindi natin sila paaaralin at kahit lapis at papel, hindi natin sila bibilhan. Sa halip, pagbebentahin natin sila ng mga chichiria
o yosi sa La Salle o Ateneo. For more income, yung iba magmamalimos. At
sisiguraduhin ko na may branch tayo sa lahat ng area ng mga top notch schools. Ganyan kataas ang pamantayan
ko sa edukasyon at ang pagmamahal ko sa iyo. Pero hindi ka pwedeng magreklamo.
Kasi ako ang dream guy mo.
Pangarap ko rin na magtayo ng bahay na walang bubong at
walang kuryente. Ang tubig natin ay ang pinakamalasa sa lahat: ang tubig-ulan. 'Wag ka ng mag-alala sa aircon, ako na bahala doon. Mahangin naman sa ilalim ng
overpass eh. Tsaka may instant garden at backyard na rin tayo. Ganyan ako ka-elegante
at ang pagmamahal ko sa iyo. Ako kasi
ang dream guy mo.
Katuparan din ng panaginip ko ang bilhan ang buong family ng hi-tech gadget tulad ng internet plasma TV at Ipad . Para makaipon, manghohold-up ako ng bangko at magsusugal magdamag. Huwag kang mag-alala, tinuruan ako ng salisi gang kung paano ang swabeng pang-snatch ng bag at celpon. Magbebenta din ako ng droga at wag mo ako smolin, sina mayor at kongressman ang client ko. Ganyan kaluho ang buhay na tinatanaw ko. Pero hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi ako ang dream guy mo.
Gusto rin kitang i-treat sa mamahaling restaurant. As a
matter of fact, dadalhin ko kayo sa Jollibee o Mcdo at doon magkakalkal tayo ng mga tira-tira sa basurahan. Kapag may natira pa, iinitin na lang natin ulit para germ-free. Naisip ko rin na siguro mas masaya kapag salo-salo tayo at nagdildil ng asin at least
twice a week man lang. At kapag wala na talaga itutulog na lang natin. Ganyan
ka tiba-tiba ang buhay na pangarap ko. Isipin mo yun kahirapan araw-araw. Pero
dahil dream guy mo ako, hindi ka pwedeng magreklamo.
Ambisyon ko rin na buntisin ka kaagad. Kukunin kita sa
pamilya mo na inalagaan ka katulad ng sa itlog na hindi mabasag. Pagkatapos, pina-aral
ka nila sa catholic school. Pinapangako ko sa kanila na tayo’y walang
kinabukasan. In fact, igigive-up ko ang pagiging magbabakal para sa iyo. At sa
wakas naisakatuparan na rin ang pangarap kong may katabi matulog sa estero at
sa ilalim ng tulay. Promise ko sa iyo, habang buhay kang iiyak at walang humpay
na pagdurusa. Siyempre, ako ang dream
guy mo eh.
Sapagkat ang totoo niyan, ako ay naging mabuting anak. Nag-aral ng
mabuti. Naging skolar. Nagkaroon ng magandang trabaho. Pinapangako ko na lahat
ng nabanggit sa taas ay hindi mo mararanasan. Ibibigay ko ang lahat ng hiling
mo hangga’t kaya ko. Sapagkat sa tuwing ikaw ay nasa tabi ko ay parang isang
kapiraso ng langit sa lupa. At ako ang tunay na dream guy mo.
No comments:
Post a Comment