Monday, January 16, 2012

Reality Show


Parang newspaper, Facebook agad ang unang binuklat ni Petra pagkagising sa umaga kahit hindi pa nagmumog o naghilamos. Nasasabik siyang malaman kung ilan ang nag-like at nag-comment sa post niya kahapon.

Pagkatapos kasi magwithdraw ng sahod, bumili siya ng isang paris ng Fitflop at dalawang Lacoste na bag at agad niya itong kinuhanan ng litrato, siyempre kasama siya with matching Korean peace sign pose. Umorder ng Mocha Latte sa Starbucks para tumambay baka sakaling makita siya ng mga friends niya atleast andoon siya at, of course, makiwi-fi na rin. Konting cropping at edit, ready to post na tsaka dinagdag niya sa album na “My Branded Collections”.
Yan si Petra. Mayaman. Glamorosa. Magara.  Sa Facebook.

Newspaper ang kinuyukot ni Aling Loling para pasigahin ang mga kahoy. Nilagay sa kalan ang takuring uling uling na sa luma para makapag-init ng tubig para sa kanyang kape na gawa sa sunog na bigas. Ito ang hudyat ng umaga ng nanay ni Petra. Tumatambay sa kapitbahay para kamustahin ang anak dahil friends daw sila ni Petra sa Facebook. Hindi pa rin daw nagreply sa message niya. Humihingi pala ito ng pambili ng gamot ng kaniyang ama na kasing mahal ng kanyang Fitflop. Umaasa din sana siya sa pangdagdag sa tuition ng kapatid niya na kasing-presyo ng kahit sa isa niyang Lacoste na bag. Dahil sahod pala ng anak nito kahapon.

Ito pala si Petra. Sa Totoong Buhay.

(Si Petra ay likhang-isip lamang ni Boy Lapot at hindi totoo. Kung pangalan mo ay Petra, pwes palitan mo na.)

No comments: