Nakita mo yung pangarap mong sapatos na naka-50% discount sa
isang mall. Pinag-ipunan mo ng isang linggo. Walang kain-kain. Walang gimik-gimik.
Pagbalik mo, sold out na. Shetness to the maximum level, nakakadurog ng puso. Sayang.
Meron kayong high school reunion pagkatapos ng labinlimang
taon. Di ka pumunta kasi sabi mo “Gastos lang yan!” Di ka sumipot kasi nga baka di
ka naman mag-eenjoy. Kinabukasan nakita mo sa Facebook, nandoon pala yung crush
mo. Napangiti ka na lang. Sayang naman.
May nagsabing magaling kang magsulat. Naging taga-hanga mo
siya at gusto nyang suportahan ang mga gusto mong gawin sa buhay. Nagrequest
siya na kunin yung libro na sinulat nya at basahin kaso tinamad ka. Nalaman mo
marami pala siyang pinapaaral sa US. Sayang nasa US ka na sana.
Nagplano kayo na abangan ang meteor shower na once in 100
years lang lumalabas. Nagset-up na kayo ng camp. May nagdala na rin ng pagkain.
Kaso biglang sumakit ang tyan mo at chumurvaks muna. Pagbalik mo, nagliligpit
na mga kasama mo. Namiss mo yung palabas. Naikwento na nila yung pangyayari sa
pagong. Sayang na sayang talaga.
Nag-apply ka sa isang malaki at kilalang kumpanya.
Pagkatapos ng interview, tatawagan ka daw. Akala mo hindi ka natanggap kaya
naghanap ka ng ibang kumpanya at doon nakapasa ka. Sa unang araw ng trabaho mo
ay tinawagan ka ng nag-interview sayo at bibigay daw sayo ang mataas na posisyon. Napatambling ka na lang
sabay sayaw ng Chopeta sa sobrang panglulumo. Deym, sayang Manager ka na sana.
Pero ok lang yan. Kung tatanawin mo pabalik ang mga
bagay-bagay na ito, malalaman mo kung bakit ito nangyari at ikaw lang may alam
ng sagot. Life started billions years ago. Look, where we are at now! Naks,
English yun ah. Ang ibig kong sabihin ay kung hindi man para sa iyo ang isang
bagay, tanggapin mo at mag-move on. Ang kalaban mo ay oras. Di yan titigil para
umiyak sa yo. Eto ang isipin mo: May laging nakalaan sa’ yo.
Teka…Tumigil muna ako at nag-isip. Kaya pala...Alam ko na kung bakit di
kami nagkatuluyan ng high school crush ko. Kasi may nakalaan na para sa akin.
No comments:
Post a Comment