Tuesday, February 22, 2011

Si Maingay at Maarte

Simulan natin ang kwento sa magandang mood.

Alas otso ng umaga. Walang trapik sa Ayala. Katamtaman lang ang init ng araw. Magagandang makati office girls ang nakakasalubong mo sa pagtawid sa kanto ng Buendia at Ayala. At dahil dito hanggang tenga ang ngiting-aso ni Boy Lapot.

Kailangang ang kaunting paunawa para sa susunod na kabanata.

Heto na nga. Pormadong nakaabang ng bus si Boy Lapot. Naka-stripe Folded and Hung light purple na long-sleeve pero three-fourths fold, navy blue na maong at Adidas superstar na sneakers. Pero hindi ang porma ni Boy Lapot tungkol ang kwento natin. At sa tono ng sulat na ito, ay hindi rin siya nagmamayabang.

Kaya heto na nga. Nakasakay na siya sa bus. Nakita niya na medyo masikip sa una hangang pangatlong hanay ng upuan kaya dumerecho siya sa bandang likod kung saan solo-flight niya ang upuan. Pero bago pa umupo si Boy Lapot ay parang pahapyaw na dinaanan ng tenga niya ang ingay mula sa pangalawang hanay ng mga upuan. Nang makapwesto na ay agad niyang sinipat ang damuhong  iyon. 


Isang lalaki at may katabing dalawang chicks kapag nakatalikod.  Si lalaki ang bangka sa usapan. Mga apat na row ang agwat ni Boy Lapot sa kanila pero maririnig niya ng malinaw kung ano ang topic nila. Kung baga sa sinehan, 3D ito. At kung sound quality, naka-Dolby ito.  Lagyan natin ng subtitle ang palabas:

Lalaki: “Nabuwisit ako doon sa customer. Todo assist na nga ako, minura pa ako. Sabi daw dapat may discount siya kasi matagal na siyang client”. (Malakas pa kay Mike Enriquez ang delivery niya nito ha.)

Tapos bigla siyang nage-english. Ang naiintindihan lang doon sa sinabi niya ay “whatever”. Walang duda, call center agent ‘to, ang naisip ni Boy Lapot. Habang si babae:

Babae1:  “Oo nga. As if parang, you know, like as in sila pa yung galit”. (Kulang na lang lahat ng simile at metaphor lagay niya para may tula na siya. Mas maarte pa kay Kris Aquino).

 Eto pa mas matindi:

Babae2: “Wa ko kebers sa mga pax (customer) na  yan”. (Ay sorry, hindi pala siya babae. Nakatalikod kasi eh).

Nang may bumaba sa LRT Buendia, lumipat ng pwesto si Boy Lapot dahil nahihiwagaan siya sa mama sa kabilang upuan. Para kasing may maitim na balak. Pero para lang pala. Dami kasing laman ang bag niya eh. Nang bumaba sa bandang DFA ay nalaman ni Boy Lapot na construction worker pala siya doon sa ginagawang condo malapit sa MOA.


Mabalik tayo sa usapan. Noong lumipat na si Boy Lapot, pumuwesto siya doon sa kabilang upuan same row ng mga kontrabida.  Tuloy pa rin sa kwento si Maingay pero same topic pa rin at this time medyo dumetalye siya nang konti. Naisip ni Boy Lapot, di siguro maka-move on ang damuho.
 
Pero kung isa ka sa mga pasahero ng bus, iinit talaga ang ulo mo. Kasi feeling talaga nila, sila lang ang tao doon. At hindi pa nakuntento ang Lalaki at Babae1 (OP na kasi si Babae2, a hindi pala babae) kahit nakakasugat na sa talim ang tingin ng ibang pasahero. Nagharutan pa ang mga walang hiya. Ang haliparot naman na babae, tumitili pa. Okey sana kung shooting ni John Loyd at Toni ito sa MRT pero hindi eh. Mukhang baso yung lalaki eh. Yung girl naman, hindi naman mataba, chubby lang.

Sa sobrang init ng ulo ni Boy Lapot, bumaba siya. At habang papalayo, mga 10 steps away ay biglang...

BOOOMMMM. KABLAAMM.

Patuloy lang sa paglakad si Boy Lapot na parang walang nangyari sabay tingin sa hawak niyang detonator.

Monday, February 14, 2011

Ang Alamat ng Away (Break-up)


 
Disclaimer: Ito ay second-hand na kwento lang. Narinig lang ito ni Boy Lapot sa maingay na feeling pogi pa na pasaherong kasabay niya sa bus. Pero hindi siya ang bida natin. Ito ay ang love story ni Iskaw at Iskay. Huwag nating gawing real time. Ibabalik natin sa panahon ng mga taong-kweba. Trip lang.

Noong panahon ng mga taong-kweba, tuwing Araw ng mga Puso ay nakaugalian na ng mga mag-iirog na lumabas naman ng bahay para mamasyal. Oo, tama ka. May Valentine’s Day na noon. Yung iba umaakyat ng bundok at doon sabay panoorin ang paglubog ng araw. May pumupunta sa ilog, sa lawa, sa kapatagan , at pag sobrang boring yung iba nagmo-mall na lang. Pero naisip naman ni Iskaw at Iskay   na pumunta sa gubat at sabay na manghuli ng baboy ramo, baboy-maitim at baboy-bulaklak. Mamaya ko na explain kung nagtataka ka kung ano ang baboy-bulaklak. 

Lumipas ang mga sumunod na Araw ng mga Puso, parang nag-sawa na ang mga taong-kweba sa ganitong lifestyle. Dahil bored na, nagtry mag-gym ni Iskaw at dito niya nakilala ang dilag na si Barbastra na may 300 followers (populasyon sa barangay ng mga taong-kweba) sa Twitter. Sa sobrang masayahin ni Barbastra ay nahulog ang loob ni Iskaw sa kanya. Dahilan kung bakit bihira na lang sila magkita ni Iskay.

Sa di kalayuan, mga tatlong kweba lang ang pagitan, ay busy rin pala si Iskay sa kaka-Facebook.  Doon ay nakilala niya si Petrovovino (Vino na lang, mahaba i-type eh). Si Vino ay cute, mabait, at cute ulit. Siya din ang dahilan kung bakit okey lang na bihira i-eyeball si Iskaw. 

Sumapit na naman ang Araw ng mga Puso. Niyaya ni Iskaw si Iskay na i-celebrate ang araw sa kuwebatel. Kweba nga noon di ba, kaya tawag nila sa hotel ay kuwebatel.

“Para maiba naman, punta tayo doon”, anyaya niya sabay turo  sa may kweba na may poster ng Haponesang sumensenyas na “Huwag kang maingay”.


Pero ang hindi alam ni Iskaw na nauna na pa lang umimbinta si Vino dahil member pala siya doon at naka-avail na ng previlige card. Kaya nagdahilan si Iskay. 

“Ah, yoko doon. Gusto ko pa rin yung dati”, paliwanag niya.

 “Ah ganoon ba, sige next time na lang, may lakad din ako eh”, sagot ni Iskaw.

 “Okey”, may timpla ng galak na tugon ni Iskay.

Ganoon sila kadaling kausap.

Dahil sa kaganapan,natuwa tuloy si Iskaw. Pabor daw sa kanya. Alam niya kasi na medyo conservative ang shota niya (Damuho ka, yun ang alam mo). At dahil na rin sa nauna niyang niyaya si Barbastra pumunta doon.

Kinagabihan. Todo-bihis ang dalawa na ngayon first time hindi magkasama sa espesyal na araw. Si Iskaw kasama si Barbastra. Si Iskay ka-date si Vino. Parehong tutungo ng kuwebatel.

(Kapit. Dito na ang climax.)

Saktong pagdating sa entrance ay parang may namukhaan agad si Iskay habang mahigpit na pumupulopot sa braso ni Vino.

“Iskaw?”. Malakas na sigaw ni Iskay na na magkaholding hands na ngayon kay Vino.

“Iskay?” Mas malakas na sigaw pero patanong na sagot ni Iskaw na kunyari ay hindi siya guilty at parang siya daw pa ang galit.

Doon na lalong nagsimulang tumaas  ang kanilang boses at nagkasakitan. Habang ang dalawang kasama nila ay walang kaalam alam sa mga nangyayari. Nakiusyoso tuloy ang mga madlang people. Napatanong tuloy si Aling Ikang, “Sino iyang mga batang yan?”

“Sila Iskaw at Iskay po”.

Simula noon, ang tawag sa mga taong tumataas ang boses at nagkakasakitan ay Iskawiskay. Pero dahil masyadong mahaba nag-meeting ang madlang people na ito’y gawing Kawkay. Lumipas ang isang taon, parang baduy at mahaba pa rin daw. Kaya inakyat na ang hearing sa barangay general assembly at napagdesisyonan na gawin na lang Aw-ay. At kinalaunan naging Away. 


(Siguradong may matamaan, kaya tabi-tabi po. Baka rin may maka-relate, atin atin lang 'to ha.)

Sunday, February 13, 2011

Boy Lapot at si Justin Bieber

Isang malaking tanong ang bumabagabag ngayon kay Boy Lapot.

Bukod sa hairstyle niya, anong meron si Justin Bieber at parang lahat ng mga kabataan pati si Lola Barbastra ay laglag panty sa kanya?

Eto yung mukha kung saan mainit ang ulo ni Boy Lapot dahil lahat na lang ng attensiyon at lente ng camera ay nakamasid sa kanya.


Sige, ikaw na. Ikaw na ang sikat.

Hmmm...saglit lang makilatis nga. Maputi pala siya hindi katulad ni Boy Lapot na moreno. Ganito pala ang pinasikat niyang hairstyle, parang hindi nagsuklay lang ah. Yung parang nagshampoo at pinatuyo, yun na yun. Kabaligtaran naman ang buhok ni Boy Lapot. Military cut. White side wall. Pinaghirapan talaga at inahit pa sa barberya ni Lolo Barbers. Kumbaga, may effort.

Dahil sa natamong katanyagan, marami tuloy ang gumaya. Tulad na lang ng wannabe number 1 natin na nagbayad pa ng 750 pesos sa salon na itatago natin sa pangalang "Salon Paz".


Di nga? P750 na yan?. Weh.

Mantakin niyo yan mga Kapuso, Justin Bieber nga buhok mo kung hindi naman bagay sa iyo ay mag-wig ka na lang. Sabihin na lang natin na hindi naman pangit ang modelo natin. Parang nakakasakit naman tayo ng damdamin. May hitsura naman siya, wala nga lang sa ayos.

At dahil sa sobrang dami na nilang mga wannabe, naisipan tuloy ni utol JB na magpakalbo. Eto siya.


In fairview, bagay sa iyo dude. Maintain lang ang ganyang look ha, give chance to others naman. Pero sa kabilang banda, hindi rin makaila ni Boy Lapot na may talent naman talaga siya. May boses naman ang bata. May moves din pero pwede pang magseminar nang konti sa Streetboys, siguro kahit mga two-days okey na.

Sabi nga ni Lola Barbastra noong nanood siya ng concert, (saglit Lola, live ba ito?) ah, sa DVD lang pala, na sobrang lamig daw ng boses nito. Para bagang si Victor Wood noong kabataan niya. Pero opinyon lang ito ni Lola ha. Kung gusto niyo, gumawa rin kayo ng sarili niyong opinyon.

Kahapon lang pala may isa pang wannabe na humabol sa listahan.

Oo, si idol Manny yan. Dati daw almost achieve niya na ang buhok ni JB kaso nga lang kailangan niya daw magbawas ng bangs para kaaya-aya sa Kongreso. You know, Congressman na siya, you know. Ngayon lang daw talaga siya nabigyan ng chance para hindi magpagupit. Kakantahin niya daw yung "Baby" sa concert niya pagkatapos ng laban nila ni Mosley.

Pero ano man sabihin ng lahat at ano mang papuri ang ibato sa pinakasikat na binata sa mundo ay hindi ito tumatalab kay Boy Lapot. Kaya magpapa-uso rin daw siya ng sarili niyang hairstyle.


WAZZUP FOR DAT.

Wednesday, February 09, 2011

Ligaya ang Kanyang Pangalan

May dahilan kung bakit ang isang babae ay sumasayaw ng hubo't hubad sa isang bahay-aliwan. Sa parehong dahilan na hubad din sa ilalim ng araw at nagbubungkal ng lupa si Lito.

Kung para kay Ligaya, ito ang paraan niya para madugtungan kahit isang araw man lang ang buhay ng kanyang Lola na kinamulatan na niya. Siya kasi ang nagpalaki sa kanya. Pumanaw agad ang ina niya pagkatapos na siya ay isilang. Itinakwil siya ng kanyang ama at sumama sa ibang babae.

Sa kabila ng mga mapanghusgang mga mata ng mga kapit-bahay, patuloy lang si Ligaya at ikinukubli ang pighati sa kolorete ng pinapahid niya sa mukha pagkagat ng dilim. Ang hiya sa bawat paggiling niya at pagtabi sa mga estrangherong customer ay nilulunok niya kasama sa pag-inum ng malamig na alak o beer.
Basta para sa kanyang Lola, gagawin niya nang papikit.

Isang pambihirang gabi, nakilala niya ang pinakamaginoong lalaki na pumasok sa bahay-aliwan. Si Lito. Sa katangiang ito, nahulog si Ligaya nang hindi pa natapos ang gabi.

Patuloy sila nagkita sa club at nasundan ito ng pagnuod ng sine at pagkain sa labas.

"Ano ba ang nakita mo sa akin? Isang akong maruming babae, Lito"

"Hindi kailangan ng dahilan para mahalin ang isang tao. Hindi ka marumi, Ligaya. Ang totoo niyan, malinis ang puso mo".

Hindi na kumibo si Ligaya at niyapos ang lalaki ng buong hingpit at tila ba isang prinsepe ang nakikita ng kanyang mata. Sa mga oras na iyon, natanim sa isip ni Ligaya na minsan sa isang punto, mayroon talagang wagas na pag-ibig.

May dahilan kung bakit ang isang babae ay sumasayaw ng hubo't hubad sa isang bahay-aliwan. Ligaya ang pangalan niya. Ngayon, kasama na niyang sumasayaw sa ilalim ng asul na buwan ang lalaking na dati'y hubad din sa ilalim ng araw at nagbubungkal ng lupa, si Lito.

Tuesday, February 08, 2011

Modernong Makata

Noong hindi pa uso ang tsismis sa Barangay Chuva, ang mga naging libangan ng mga taong-kweba ay pagbe-beyk para sa mga kababaihan o kaya paglililok ng kahoy para gawing furnitures sa mga kalalakihan. O kung masyadong boring naman ay ginawa nilang past time ang mag-roller skates pababa ng bundok. Pero ang paboritong gawin ng lahat ay ang pagsulat ng tula lalo na sa mga kabataan. Isa na diyan si Boy Lapot.

Sa isang pool party, nakilala ni Boy Lapot sina Ngata at Ngakshu. Napag-alaman niya na matindi ring sumulat ng tula ang bagong kakilalang taong-kweba. Sa sobrang galing nila ay nakakagawa sila ng tula kahit tulog samantalang hirap na hirap si Boy Lapot ng isa kahit siya  pa ay gising. Kumbaga partida pa.

Sa umaapaw na paghanga ng bida natin ay nagpraktis siya. Dumayo siya sa ibayong barangay na kailangan mo pang tumawid ng dalawang ilog at isang kanal para sumali sa mga essay-writing contest at poem-writing pati. Doon ay nakilala niya sina Zaito, Loonie, Delo at Target. Na-weirdohan siya dahil nilalapatan nila ang kanilang tula ng beat at melody. Napa-bounce tuloy si Boy Lapot.

Pero one-time nahuli sa beat si Zaito kaya napagdesisyonan ng punong-lupon na tanggalin na lang ang beat. Isa pang napansin ni Boy Lapot sa style ng kanilang tula ay ang tema. Para kasing nilalait niya ang kalaban. Sa di sinasadyang pagkakataon ay nadala ni Boy Lapot ang kanyang camcorder at narecord nang minsan magharap sina Loonie at Zaito. Ito ang mga eksena:

Loonie VS Zaito part 1

Loonie VS Zaito part 2

Nasundan pa ang mga pangyayari dahil gusto ng mga taong-kuweba ang video. Sawa na daw sila sa baking at sculpting. Tungyahan natin ang laban ni Delo at Target.

Delo VS Target part 1

Delo VS Target part 2

Kaya simula noon, bumaba daw ang rate ng tsismisan sa Barangay Chuva.

Mahalin si o magalit kay Boy Lapot sa...

Thursday, February 03, 2011

Nang Umibig Si Boy Lapot


Nagkataon lang siguro na Buwan ng mga Puso kaya inspired sumulat si Boy Lapot. Dinalubhasa niya ang panitikang Pilipino pero sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang kanyang komposisyon ay tinitik niya pa sa English. Maiba lang daw. In fact, tinuring niya itong oda na orihinal at bukal sa puso taliwas sa bintang ng iba na baduy at kinopya. Basahin nga natin kung baduy nga.

Ode to the Other Half of My Life.

The moment I stare in your eyes, I knew I was looking at the future.
 Probably, the next lines were written somewhere in books but I would call it original.
Strange, but you are so powerful that can make my heart beat faster and slower at the same time.
 I thank God that you were here.
 I thank God that I haven't look down to tie my shoes when you cross my way.
They say that people get tired of doing the same thing every day.
 But I will be the exemption.
 I will not get tired.
 Of telling how beautiful you are.
 Of how your smile makes my day.
 Of how delicious your dishes are.
 I will never get tired of saying "I Love You".

-Boy Lapot-

Pinaniwalaan na ang odang ito ay sinulat sa kaarawan na kanyang sinisinta. Sinasabi nila na ang babaeng ito ang naging sanhi ng pagkaromantiko ni Boy Lapot na sa kalaonan ay naging kabiyak niya.
Matapos basahin ang oda, napagdesisyonan nang general assembly sa barangay na hindi naman pala masyadong baduy. Slight lang daw.