ni Ron Henley ng Stick Figgas
Ang pawis koy tumatagaktak sa bilis. May pumalakpak. Abutin
natin ang langit. Ibuka ang pakpak. Langhapin ang halimuyak ng mga bulaklak. Akoy
paru-paro. Nakadapo sa’yong damo. Sa liwanag ng ganda mo, andaming
nabibighaning gamogamo. Yakapin mo ako habang atin ang gabi kasi ang mundo natin ay
laging salisi. ‘Pag ika'y nasa baba ako ay nasa itaas. Tuwing ikaw ay darating
ako ay lalabas. ‘Wag ka masyado marahas. Sige lang isigaw mo pa ng malakas. Ilagay
mo sa tono. Di kita tinatanong pero sagot mo'y “Oh, oh, oo, oo.
Hintayin mo ko. Malapit na ko. Sabay na tayo. Papunta na ko. Nasaan ka na ba? Kung ako sayo sumama ka na. Tara!
Hintayin mo ko. Malapit na ko. Sabay na tayo. Papunta na ko. Nasaan ka na ba? Kung ako sayo sumama ka na. Tara!
Tara! Tara sumama ka sakin. Hawakan ang aking
kamay. Tayo ay maglalakbay patungo sa lugar kung saan tayo lang
ang may alam. Tutungo sa lugar na tayo lamang ang laman.
Pintua'y isarado. Buksan ang kandado. Talian na ang aso. Papasukin mo na ako. Meron akong regalo, ‘di mo to malilimutan. Matagal ko na ‘tong pinag-ipunan. Pahiram ng upuan para aking patungan. Ang akin dala-dala ng aking makunan. Para may alaala ka sa pag alis mo. Panoorin kung sakaling ako ay mamimis mo. Tayo na at sabay magkamay. Kahit ang pagkain ay hindi sa plato nakalagay. Masarap ba? Diyan ako sanay! Kaya pala sagot mo sa kin ay panay “Oh, oo, oo.
Nilambing mo ng maghapon at ‘di nila alam. Mukha mo nangangahulugang hindi lahat ng hinihimas ay umaamo. Aso't pusa nagkalmutan. Nagaway. Nagkauntugan. Bagong taon ba ngayon? Ba't ganon, may nagkakaputukan? Sumibak ng kahoy para panggatong. Para may apoy tayo maghapon. Sakto. May sweldo pa ako. Magwi-withdraw muna ko. Sa bangko
Kaya hintayin mo ako kasi malapit na ako.
Kung curios ka, eto yun. Basta derecho lang: click here.
1 comment:
kung ano ako ay naghahanap para sa, salamat
Post a Comment