Monday, September 17, 2012

Unica Hija


Siyam na oras sa trabaho at ang lahat ay para na sa kanya. Kaya naman pagkagaling dito, agad siyang umuuwi ng bahay. Sa duyan, taimtim nyang minamasdan ang hugis ng mukha, ang kulay ng mata, ang tangos ng ilong at ang pula ng labi ng isang babae na tila bang pintor at saka pininta sa kanyang alaala. Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi sa sobrang pananabik. Kahit hindi niya forte ang musika ay tinuring niyang entablado ang sala para siya ay kantahan. Kalong-kalong sa kanyang mga braso ay dinuyan niya sa hangin hanggang sa makatulog. Ang panandaliang sandaling iyon ay kanyang lunas sa buong araw na pagod. Ang pagmamahal niya sa kanya ay parang ilog, hindi napapagod sa pagdaloy.

Kapag siya ay umiiyak, hindi rin siya mapakali. Inaalok niya ito ng maiinum, tinatanong kung ano ang gusto niyang kainin, at kulang na lang ay pigain niya ito para malaman lang kung saan niya gustong pumunta. Ngunit hindi ito sumasagot kaya binabasa niya na lang sa kanyang kilos at galaw.  At kung magigising man ito sa madaling-araw at bubulabugin ang kanyang mahimbing na tulog ay pinapangako niyang hindi magrereklamo. Titiisin niya ito dahil ang pagmamahal niya sa kanya ay walang hanggan.

At tinuring niyang prinsesa, araw-araw siyang pinaghahandaan ng masarap at masustansiyang pagkain. Maingat niya ring pinapaliguan at nililinisan ang mga maseselang bahagi ng katawan nito. Sinisugarado niya ring hindi ito dadapuan ng lamok, langaw at kung ano pa mang mga insekto.  Ang kanyang higaan ay kasing lambot ng bulak at kasing linis ng ulap sa puti. Habang mahimbing itong natutulog sa tanghali, siya naman ay gising na para bang isang sundalong nakabantay. Dahil ganoon siya kahalaga sa kanya. Hindi masukat at hindi mabilang ang kanyang pagmamahal.

Gusto niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Gagawin niya ang lahat kahit na alam niyang mapait, masakit, at mahirap ang landas na kanyang tatahakin. Nais niyang ibahagi sa kanya ang anuman naging kulang sa kanyang buhay. Dahil mahal na mahal niya, ganoon lang kasimple. At ang tanging hangad niya lamang ang maging isang mabuting ama.


Siya si Renato habang nakaupo sa kama, tinititigan ang pitong-buwan na babaeng anghel sa sinapupunan ng kanyang asawa at sabik na sabik na itong makita.

Monday, April 02, 2012

Mga Pogi Tips at Da-moves sa Panliligaw



Dear Boy Lapot,

Tawagin mo na lang po akong si Boy Kipot. Hihingi po sana ako ng payo sa iyo tungkol sa panliligaw. Hindi naman po ako pangit at may maganda naman po akong trabaho pero parang kulang. Hindi pa rin po ako sinsasagot ng nililigawan ko. Can you teach me how to dougie, este hihingi po sana ako ng pogi tips at mga da-moves sa chikas?

Salamat,

Boy Kipot

Magandang umaga kung umaga mo itong mababasa Boy Kipot. Una sa lahat, hindi ko akalain na may  mas  sasagawa pa sa pangalang Boy Lapot.
Pogi tips at da-moves ba kamo? Lumapit ka sa tamang tao, maliban kay Bravo Dakila. May kwaderno at Mongol 1 na lapis ka na ba? Pwes ilista mo ang mga tips na ito:

1.       Noong nagseminar  ako sa lolo ko, hindi mo naman talaga kailangang maging kamukha sa Tom Cruise o si Aga Muhlach para mapasagot ang isang dilag. Ang tunay na kailangan mo ay ang wastong hygiene. Ano ang ibig kong sabihin? Ang totoong pogi ay malinis sa katawan, magaling magdala ng damit at may malusog na pangangatawan. Totoo na madali makapick-up ng chiks kung pogi ka pero hindi pangmatagalan iyon. Kapag nalaman ng chiks na may anghit ka pala e parang sinapawan ng anghit ang pogi mong mukha. At sa tuwing makikita ka ng babae, eh anghit ang una niyang naaalala nila at hindi kung gaano ka blue ang mata mo.
2.       Isaipuso mo ito: Hindi mo kailangang maging pogi para maging pogi. Kahit simpleng puting damit lang kung malinis at plantsado naman ito ay magdadala ito ng magandang mensahe sa dalaga. Aanhin mo yung lalaking madaming bling-bling sa katawan kung mukha naman siyang sako ng semento sa kanyang damit.
3.       Boy Kipot (natatawa talaga ako sa pangalan mo) alam mo, gawing mong pabor sa iyo ang maganda mong trabaho. Ang nais kong sabihin ay mag-ipon ka at i-surprise mo siya. Hindi lahat ng babae ay gusto ang surprise pero maniwala ka sa akin, mahalaga sa kanila ang effort. Halimbawa, mahilig siya sa mga banda. E di surprise mo siya ng libreng ticket sa concert ng Parokya Ni Edgar o kaya ng Kamikaze. Siguradong riot sa saya yung date niyo.
4.       At ito ay pinakatatagong resipe sa panliligaw na pinagpasa-pasa ng mga ninuno namin hanggang sa napasakamay ko. At ngayon ay ibabahagi ko sa iyo. Huwag kang manligaw. Malabo? Ganito yun. Naniniwala kasi kami na kapag nanliligaw ka ay parang nag-iibang tao ka na. Ang dating ikaw na simpleng pumorma ay paconyo-conyo na ngayon para lang mapansin. Nagtatag-english ka na rin para sosyal daw. At nakiki-ipad ka na rin para maging in. Ang punto ko ay dapat maging totoo ka sa sarili mo. Ang side effect kasi ng panliligaw ay parang nagpapa-impress ka lang para makuha ang matamis niyang “Oo” at tapos ano? Balik sa dating mga pangit na gawi? Tsaka ilarawan mo ito:

Boy Lapot: Petra, pwede ba kitang ligawan?
Petra: (parang hindi alam ang sagot). Hmmm, tingnan natin.

Sa puntong ito, parang direkta mo siyang inaatake at parang alam na agad ng girl ang patutunguhan ng saranggolang pinalipad mo.  Subukan mo kaya ang ganitong hirit:

Boy Lapot:  Petra, alam mo mukha kang nurse?
Petra: Bakit?
Boy Lapot: Kasi parang ang galing mong  mag-alaga ng puso. Biro lang. Kasi parang ang linis mo manamit. May lakad ka ba mamaya? Kain tayo ng isaw sa kanto.
Petra: Boom. Tara. Libre mo ko ha.

O di ba, may pick-up line ka na, hindi pa nakakailang sabihin na gusto mo makasama yung babae. At parang natural ang dating. Hindi nanliligaw. Hindi rin nagpapa-impress.

Hanggang dito na lang. Tsaka palitan mo na yang Boy Kipot mo. Hayaan mo na lang ako ang may masagwang pangalan. Sana sa mga da-moves na binigay ko ay maliwanagan ka na. At yung super secret recipe ng mga ninuno namin ay pwede mo nang ibahagi sa mga apo mo. Sigurado akong pagkatapos mong mabasa ito, ay kayo na ng sinusuyo mo.

-Boy Lapot-



Thursday, March 22, 2012

Easy Steps on How To Eat Magnum


Hindi ako nagmumura pero tang-ina naman oh, kailan pa at pati ba naman ang pagkain ng Magnum, status symbol na.  Sino nagsabing nagmumura ako, king-ina tusok-tusokin ko. Chismis lang yun. Sang-gala, balita ko kapag kumain ka daw ng ice-cream na yan eh feeling royalty ka daw. Kung hindi ka pa nakatikim, eto ang tamang paraan ng pagkain nito.



1.       Una, may pambili ka ba? Kung wala huwag mo na basahin ito. Kasi sosyal daw ang kumain nito. Maghanda ka ng 55-60 pesos. Kasi ang presyo nito ay depende kung saang 7-11 ka bibili.

2.       Tapos i-take home. Dahan-dahan lang sa paghawak para hindi masira ang foil or kung ano man ang tawag sa tang-inang cover nito for picture-taking for purposes. At siyempre bilisan ang paglalakad para hindi agad matunaw. Tapos take a bite. Take note: one bite lang ha para magandang tingnan sa picture.

3.       At ito na nga ang pinaka-highlight, ang picture-taking. Kung my iphone 4s ka, mas maganda. Kunan ang sarili na kinakagat ang Magnum at ipikit ang mata kunyari masarap na masarap kahit niloloko mo lang ang sarili mo. Para mas mataas ang pixels, mas maganda kung DSLR ang gamit mo.

4.       Mag-online. Facebook o Twitter. I-upload ang pix at lagyan ng caption: “My Magnum Experience”. Tapos post mo sa status mo: “Magnum anyone? Omg, Nakakaadik talaga siya. Super sarap”.  Opps, wag mahiya.  Pwede mo ring palitan ang OMG ng WOW o ano pang keme-keme.  Tang-ina this. 

5.       At wag nang mag-atubili. Ano pa ang inaantay mo? Bili na ng Magnum para isa ka maging ganap na miyembro  ng asosasyong sunod-sunod sa uso. “Bigyan ng jacket yan at Willy’s phone”.

Hindi ko lang talaga maunawaan. Para sa ilan achievement na sa buhay ang makabili ka ng Magnum. Pero 60 pesos para sa ice cream stick, eh maghalo-halo na lang ako. Pero tang-ina talaga ang  nagkakalat na nagmumura ako, umayos ka na. Patira kita kay Boy Hagdan. King-ina niyo ah, bibili nga ako mamaya. Ma-try nga ang Magnum na yan. Pero bago yan, tanongin ko muna si SimSimi.

Ako: Masarap ba ang Magnum?
Simsimi: Yuck, sosyalera ang mga kumakain niyon.
Ako: Talaga. Bakit?
Simsimi: Mahal kasi yun. Pero masarap yung classic.
Ako: Talaga!
Simsimi: Vice Ganda, ikaw ba ito? Pauli-ulit ka kasi. Unlimited.

Monday, March 12, 2012

Suma Cum Laude

Habang naglalakad pauwi ay sinusulat na ng utak ko ang mga nilalaman nito tungkol sa nangyari mga apat na oras ang nakalipas. Nag-uunahan ang aking paa at isipan papunta sa bahay dahil baka bago pa ako makarating ay makatakas pa ang sama ng loob.

Noong nasa departamento ka namin ay hangang-hanga ang mga bago sa lalim ng boses mo, sa mga mabulaklak mong pangungusap at sa iyong malinis na pananamit. Maliban sa akin. Noon pa man ay wala talaga akong bilib sa iyo.

Sa tuwing pinagbubunyi mo ang pinagdaanan mo sa iyong OJT ay parang mahuhulog na ang panga nila sa pagkamangha. Naubos ang salitang “Wow, ang galing mo naman”, kapag kinukwento mo ang pagiging honor student mo.

Dahil sa katangiang ito, alam ko na madali mong makuha ang gusto mo. At na-promote ka nga bilang bisor. Pero salamat at ‘di sa departamento natin. Namin na ngayon.

Masaya ako kapag nakakakita ng mga taong umaakyat ng isang hakbang sa hagdan ng tagumpay.  Tulad mo.

Pero pusang-gala, hindi ibig sabihin noon na kalimutan mo na kung saang departamento ka galing. ‘Di ka marunong lumingon. Parang hindi ka naging isa sa amin. Magkastiff-neck ka sana. Hiniwalay mo na ang sarili sa dating gubat na humasa sa iyo para maging isang mabangis na leon. Tulad ko.

Okey lang na pagsabihan mo ako sa isang bagay na hindi ko pa nababasa o nalaman dahil nauna ka lang nakabasa, pero ang taasan ng boses at hiyain ako sa harap ng departamento, aba anak ng tupa, ibang usapan na yan. Pwede mo naman ibahagi yung nabasa mo diba sa paraang hindi pasigaw na para bang gusto mong malaman ng lahat na magaling ka.

Ang sa akin lang naman ay parang hindi tayo magkakilala dati. Parang hindi magkasama dati. Ano ba naman ang kausapin mo ako ng mahinahon at talakayin kung ano ang mabuting gawin sa isyu ng bata mo? Di ba mas madaling gawin at kaunting lakas lang ang mababawas sa payat mong katawan? Ganyan kasi ang natutunan ko sa departamento na ito. Ang gawin ang payak pero mabisang paraan. At siyempre ang gawin kung ano ang kayang gawin. 

Sa wakas, nailatag ko na din sa blog na 'to ang mga hinuha na kanina pa naglalaro sa utak ko. Okey na ako. Siyangapala, hindi ako nakikinig sa mga kwentong OJT mong kabaduyan. At kung Magna Cum Laude ang yabang mo, Suma Cum Laude ako.

Thursday, March 08, 2012

Man in the Mirror


I can feel love in your eyes. I can see sadness in your heart. I see love in your hate. I see all the truth in your lies. I see your weakness in your strength.  I see your success in your failures. I see your sorrow from your smile. I see you want to be superman but you don’t have a cape to carry them all.

I can see, you look like your mom. I can see your future in her past. I see all her sufferings in your clothes. I see your dad’s sweat in your tuition fee. I see your brother’s jealousy. I can see their bags were smaller than yours.

I see you have a job now.  But I can still see the pain hidden in your pride. I see where you stand now from where you fall. I see your plenty table in their none. I can see you’re sleeping in soft mattress I see them in banig (woven mat commonly made of dried coconut leaves). I see your burgers in their dried fish. I see your blame in yourself.

I can see your mom smiling to you. I can see your dad drinking beer with you. I can see your brothers sharing stories about their first crushes. I see your family in eating a bountiful table. I see them all with you together.

But then I close my eyes, I see it was you all the way. Through my rise and fall, I see you’ve been my only friend. I see they will understand me someday. 

And I see nobody else but myself.

I stand up and I still look fucking gorgeous in front of this broken mirror. And I was just talking to the man in mirror.                                            

Monday, January 16, 2012

Reality Show


Parang newspaper, Facebook agad ang unang binuklat ni Petra pagkagising sa umaga kahit hindi pa nagmumog o naghilamos. Nasasabik siyang malaman kung ilan ang nag-like at nag-comment sa post niya kahapon.

Pagkatapos kasi magwithdraw ng sahod, bumili siya ng isang paris ng Fitflop at dalawang Lacoste na bag at agad niya itong kinuhanan ng litrato, siyempre kasama siya with matching Korean peace sign pose. Umorder ng Mocha Latte sa Starbucks para tumambay baka sakaling makita siya ng mga friends niya atleast andoon siya at, of course, makiwi-fi na rin. Konting cropping at edit, ready to post na tsaka dinagdag niya sa album na “My Branded Collections”.
Yan si Petra. Mayaman. Glamorosa. Magara.  Sa Facebook.

Newspaper ang kinuyukot ni Aling Loling para pasigahin ang mga kahoy. Nilagay sa kalan ang takuring uling uling na sa luma para makapag-init ng tubig para sa kanyang kape na gawa sa sunog na bigas. Ito ang hudyat ng umaga ng nanay ni Petra. Tumatambay sa kapitbahay para kamustahin ang anak dahil friends daw sila ni Petra sa Facebook. Hindi pa rin daw nagreply sa message niya. Humihingi pala ito ng pambili ng gamot ng kaniyang ama na kasing mahal ng kanyang Fitflop. Umaasa din sana siya sa pangdagdag sa tuition ng kapatid niya na kasing-presyo ng kahit sa isa niyang Lacoste na bag. Dahil sahod pala ng anak nito kahapon.

Ito pala si Petra. Sa Totoong Buhay.

(Si Petra ay likhang-isip lamang ni Boy Lapot at hindi totoo. Kung pangalan mo ay Petra, pwes palitan mo na.)