Monday, October 31, 2011

Kumikitang Kabuhayan sa Undas


Ngayong Undas, pupunta ka sa sementeryo at dadalaw ka sa mga kamag-anak mong pumanaw na.  Ganito ang eksena para sa iyo, pero sa ibang kababayan natin ito ang perfect timing para sa kumikitang kabuhayan ngayong Araw ng mga Patay.
Lolo Barbers: Ang inyong friendly sepulturero. (from google images)
  1. Maging instant sepulturero. Sa ganitong kapanahonan, tiyak na maraming gustong magpalinis ng mga nitso. Kaya tiba-tiba ka rito. Wala kang puhunan, basta may pala ka o anumang advance tools na panghukay, you are fit for the job. At ang pinakamahalaga sa lahat, kelangan mo rin ng lakas ng loob para harapin ang mga smiling faces na mga kalansay.                                                            
  2. Maging isang candle collector. Yung taga-ipon ng mga tunaw at tira-tirang mga kandila para i-recycle at “taraan” may brand new kandila ka na. Pero para hindi halata kelangan lagyan mo rin ng design at dapat it comes in different colors.
  3. Maging isang walking flower shop. Dapat tapatan mo yung candle collector dahil kung magkapares ang tokwa’t baboy at si Porky at Choppy, may bulaklak kapag may kandila. Ang pinakamagandang shop location ay doon mismo sa bungad ng sementeryo.
  4. Maging vendor ng pamatay-uhaw. Wala man itong kinalaman sa patay pero in pa rin ang mga pamatid-uhaw tulad ng ice-tubig, ice candy, ice pop at ice mismo. Kung gusto mo nang mabilisang kita, magbenta ng juice. Secret ingredients: maraming tubig, maraming asukal, maraming ice at tatlong kutsarang concentrated ng orange juice. Ibenta mo sa dalawang piso, patok na patok sa takilya yun. Ingat lang kay Mike Enriquez.
  5. Kung magbenta ka ng alak, sigarilyo at baraha, dapat pa-sekreto lang. Kung ito ang pinili mong business, kelangan mo ng matinding training. Sales talk pa lang matindi na. Kelangan may kapit ka din kina chip at sarhento. Dahil ang mga ito ay ipinagbabawal na sa loob ng sementeryo kasama ng mga matutulis at matatalim na bagay.
Maliban sa taas, pwedeng na ring rumaket in advance.
  1. Sumali sa o mag-organize ng custome-making contest.  Kung kinakatakutan ka sa inyong barangay o kung kamukha mo si Diego, malaki ang tsansa na mananalo ka.
  2. Kung miyembro ka ng beki society, sumali sa mga gay contest. Ewan ko kung nagkataon lang at wala akong hinanakit sa mga katropa nating beki pero doon sa amin marami ang gay contest tuwing Halloween. Siguro katuwaan lang para mawala ang takutan. Balita ko sold out daw ang mga tickets.
  3. At siympre ang walang kamatayan business kapag Halloween ang mga maskara, kalabasa o pumpkins, at mga candies para sa mga kids. Minsan sumama ako sa mga kids sa Alabang para mag-trick or treat. Walang-hiya puro treat, sumakit lang ang ipin ko sa kakain ng mga kendi na hugis uod.
Kung wala ka namang gagawin, tumambay ka na lang sa bahay at manood ng The Ring mag-isa. Pero kung gusto mo talagang matakot, bumili ng piratang CD sa Recto at panoorin ang Maguindanao Massacre starring the Ampatuans.

Sunday, October 16, 2011

Mukha Libro 3


Hindi ko naatim na aabot sa part 3 ang paksang ito (Part1 at Part 2) at ang lahat ng taong may kinalaman sa nabanggit sa baba ay bagsak sa GMRC o Values kung nasa high school ka o di kaya Etiquitte kung sa kolehiyo ka naman. Pero kung hindi mo napag-aralan ang kahit na isa diyan, sige common sense na lang.

Ang Facebook ay isang paraan para makipagsalamuha.  Ibig sabihin parang isang malaking pamayanan lang siya na nilagay sa Internet. Tulad sa isang pamayanan, nakikipagkapwa-tao tayo. Kinakausap natin ang ating mga kakilala. Binabati natin ang mga kaibigan sa birthday nila at siyempre hindi mawawala ang picture-picture sa mga okasyon na tulad nito. Ganoon din sa Facebook. Tulad din ng  isang pamayanan, may sinusunod din tayong tamang asal sa pakikipagkapwa-tao.
http://www.google.com.ph/imgres
Kaya mag-review muna tayo.

1. Ang Facebook ay hindi diary. Hangga’t maari i-post lang ang mga pinakamahalagang pangyayari sa araw-araw na buhay mo. Lalo’t na kung wala naman itong kinalaman sa pagtaas ng ekonomiya.  Kaya kung 99 ang marka mo sa GMRC, di mo ipo-post ang bawat paghakbang mo papunta ng paaralan, opisina o maging sa Bora. Paano pala kung serial killer ako?

2.  Ang Facebook ay hindi photo album. Pwede kang gumawa ng album doon pero huwag naman pati yung tumatae ka at naka “peace sign”. O kaya yung lumalabas na ang mga hindi dapat lumabas lalo’t na kung maitim yun. Huwag din po basta na mag-tag ng tag. Paano kung ayaw ng taong iyon na i-tag siya kasi malaki pala ang tiyan niya sa picture na yun? At please upload lang ang mga picture na pogi at maganda kayo lalo na kung naka-Beats kang headset o kaya G-shock na relo.

3.  Ang Facebook ay hindi tungkol sa paramihan ng friends. Huwag basta-basta i-accept ang mga friend request. Suriin muna ang taong nagpadala. Kakilala ko ba ito o isang poser lang? Yung iba diyan isang-daang libo ang friends pero 100 and ½ lang ang kilala niya doon.

4. Hindi nobela ang sinusulat sa Facebook comment page.  Kung mag-comment man sa isang post ng kaibigan o isang fan page, panatilihin itong short and simple. Maliban na lang kung malalim at makabuluhan ang comment mo. At please hindi ito text messaging, mas nakabubuti kung buo ang mga salita at tama ang spelling. Exercise po natin ang ating kalayaan sa pagsusulat. 

5. Ang pag-like sa status ay hindi dapat hinihingi. Dapat kusa ito at bukal sa loob. Huwag mong pilitin ang tao na i-like ang status mo lalo’t lalo kung hindi mo naman siya friend sa FB o kung hindi mo naman siya ka-close.  O kaya mo ni-like ang status niya para i-like din ang status mo? Tsaka ano ba makukuha namin kapag nilike namin ang post mo na may bago kang sapatos? Luluwag ba ang trapik kapag ni-like namin na kumain ka ice cream? Huwag kang mag-alala wala pang yumaman dahil marami ang nag-like sa status niya. Si Boss Mark Zuckerberg lang.

At higit sa lahat bago i-click dapat mag-isip dahil kung ano man ang nilagay mo sa Internet ay habambuhay nang nasa Internet. Ang utak ay nasa ulo hindi sa daliri, hindi rin sa mouse. Kaya bago magpost, like o comment, isipin muna ng mangilang beses.

Tuesday, September 27, 2011

MUWAH


Tuwang-tuwa ako noong Grade 5. Nag-field trip kami sa bundok doon sa amin para mag tree- planting. Noong college naman nagpunta kami sa mga slum areas para pag-aralan ang kahirapan sa Pilipinas.

Ngayon, tuwang-tuwa ang mga bata kasi ang field trip nila ay sa MOA. Mall of Asia kung tawagin. Minsan napagkamalang  Asian Mall, Asia of Mall o MUWAH sa mga bisayang konduktor ng dyip o bus.

Ano ba ang MOA? Paano ba pumunta doon? At anong educational things ang makikita at matutunan mo kung doon kayo mag-field trip?

Habang sinusulat ko ito, ang MOA ay ang pinakamalaking mall sa Pilipinas at isa sa mga runner-up sa mga pinakamalaking mall sa buong mundo. Ito ay pag-aari ng pinakamayamang tao sa Pilipinas, si Boss Henry Sy.

Paano ba pumunta doon? Taga-saan ka ba? Di bale na. Kung taga-saan ka man, madali lang pumunta doon. Parang tinanong ka lang na “Kilala mo ba si Rizal? Ipupusta ko ang pustiso ng lola ko, sigurado akong alam ng lahat ng driver paano pumunta doon basta huwag mo lang kalimutang sumakay.
salamat sa http://www.philippinelisting.com sa pix
Ano ba ang makikita mo doon? Siyempre, ang dambuhalang skeleton ng mundo. Ito daw ang itsura ng mundo natin kapag napuno na ng mga mall ating kapaligiran. Liban doon, makikita mo rin ang mga tumutubong condo, mga nagsusulpotang mga bar at kainan, bahagi ng dagat na tinatabunan ng lupa at ang mga friendly badjao natin sa mga bus stop na kapag hindi mo binigyan ng pera ay sasabihan ka pang barat.

Sa MOA rin dinadaos ang halos lahat ng mga events o gathering, sosyal man o simpleng monthsary ng mag-shota. Kapag may booking na ang Araneta Coliseum, dito sa halip ang venue ng mga concert ng mga ka-age kong si Justin Bieber at kung sino-sino pang mga international artist. At hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parating sold-out sa kabila ng talamak na kahirapan sa Pinas. Pero hindi ko na sasabihin na sa likod nito ay masarap tumambay at manood ng sunset.   

Noong Sabado lang nasa MOA ako. Pero ‘di ako nag-field trip doon.  Bumili lang ako ng moth balls. Salamat sa MOA. Paano na lang kung wala ka?                                                                       

Monday, September 05, 2011

Taboo


Pagkatapos kong magdeposit kanina sa inidoro, may nakita akong mahiwagang bagay sa balde.

Araw-araw mo itong nakikita.  Sigurado ako, lalo na kapag ume-ebak ka. Ginagamit mo rin ito kapag naliligo, nagmumumog, nagdidilig ng halaman o maghuhugas ng gulay, sinaing, kamay o yung dapat hugasan araw-araw...ang pinggan.

Ang Tabo. Bawww!


Ang tabo ay simbolo ng isang tunay na Pinoy. Nasa Pinas ka kung may tabo ang bahay niyo. Kahit sugurin pa natin ang mga bahay ngayon kasama sina Jose at Wally tulad ng ginagawa nila sa Eat Bulaga, pustahan tayo lahat sila may tabo. Aminin mo, tabo ginagamit mo sa paliligo.

Pinagtibay pa ng mga trainers namin sa trabaho ang aking napuna. Noong pinadala sila sa US para sa isang linggong training, wala daw tabo sa hotel na tinuluyan nila. At ang best part, naubusan daw ng tissue ang banyo. Alam niyo kung ano ang ginamit, baso. Mas sosyal. At oo, kahit may shower daw, hinahanap pa rin nila ang tabo. Iba pa rin daw ang ligayang hatid ng tabo sa paliligo. Kung baga, kontrolado mo ang tubig sa iyong kamay; ang dami ng tubig sa tabo, ang bilis at pwersa ng pagdampi ng tubig sa ulo hanggang sa paa mo at daloy nito para tangayin ang sabon sa katawan mo. Ahhh...Refreshing.

Hindi katulad ng shower ang tabo ay portable. Ito ang bespren ng dalaga sa batalan o sa tabing-ilog. Tulad ng mga dalaga na nakikita mo sa painting ni Amorsolo o sa mga movies ni FPJ. Noong unang panahon kasi hindi uso ang banyo kaya ang ilog o batis ang banyo nila, environment-friendly pa. Ibig sabihin malaya ka sa paggamit ng tubig, unlimited rice kung baga sa Mang Inasal. Kaya malaya din ang mga manyakis. At dito nauso ang boso.

Kung pink ang favourite color mo, wag mag-alala dahil ang tabo comes in different colors. Available in your nearest drugstore...este department store pala. Bili na.

At sa wakas ...Success. Ang pagkatapos umebs siguro ang isa sa pinakamagandang pakiramdam sa buong buhay natin.. Pero teka...sandali. FTW, may tabo nga pero wala naman tubig ang balde. Lagot na.

Wednesday, August 31, 2011

Dream Guy Mo


Hindi ako si John Lloyd. Kamukha ko lang. Pero ako ang dream guy mo.

Pangarap ko ang bilhan ka ng kariton. Dito ilalagay natin ang lahat ng bote, diaryo at kung ano pa na ating naipon maghapon. Iikotin natin lahat ng mga basurahan sa Ayala at Ortigas para sosyal. Tapos ibebenta natin sa junkshop. Ganyan kasosi  ang job description ko at ang pagmamahal sa iyo. Masuwerte ka sa akin kasi buhay-kalye ay matatamasa mo. Pero hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi ako ang dream guy mo.

Pangarap ko ang bigyan ka ng maraming bobong anak. Gustong kong lumaki silang baluga. Hindi natin sila paaaralin at kahit lapis at papel, hindi natin sila bibilhan. Sa halip, pagbebentahin natin sila ng mga chichiria o yosi sa La Salle o Ateneo. For more income, yung iba magmamalimos. At sisiguraduhin ko na may branch tayo sa lahat ng area ng mga top notch schools. Ganyan kataas ang pamantayan ko sa edukasyon at ang pagmamahal ko sa iyo. Pero hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi ako ang dream guy mo.

Pangarap ko rin na magtayo ng bahay na walang bubong at walang kuryente. Ang tubig natin ay ang pinakamalasa sa lahat: ang tubig-ulan. 'Wag ka ng mag-alala sa aircon, ako na bahala doon. Mahangin naman sa ilalim ng overpass eh. Tsaka may instant garden at backyard na rin tayo. Ganyan ako ka-elegante at ang pagmamahal ko sa iyo. Ako kasi ang dream guy mo.

Katuparan din ng panaginip ko ang bilhan ang buong family ng hi-tech gadget tulad ng internet plasma TV at Ipad . Para makaipon, manghohold-up ako ng bangko at magsusugal magdamag. Huwag kang mag-alala, tinuruan ako ng salisi gang kung paano ang swabeng pang-snatch ng bag at celpon. Magbebenta din ako ng droga at wag mo ako smolin, sina mayor at kongressman ang client ko. Ganyan kaluho ang buhay na tinatanaw ko. Pero hindi ka pwedeng magreklamo. Kasi ako ang dream guy mo.

Gusto rin kitang i-treat sa mamahaling restaurant. As a matter of fact, dadalhin ko kayo sa Jollibee o Mcdo at doon magkakalkal tayo ng mga tira-tira sa basurahan. Kapag may natira pa, iinitin na lang natin ulit para germ-free. Naisip ko rin na siguro mas masaya kapag salo-salo tayo at nagdildil ng asin at least twice a week man lang. At kapag wala na talaga itutulog na lang natin. Ganyan ka tiba-tiba ang buhay na pangarap ko. Isipin mo yun kahirapan araw-araw. Pero dahil dream guy mo ako, hindi ka pwedeng magreklamo.

Ambisyon ko rin na buntisin ka kaagad. Kukunin kita sa pamilya mo na inalagaan ka katulad ng sa itlog na hindi mabasag. Pagkatapos, pina-aral ka nila sa catholic school. Pinapangako ko sa kanila na tayo’y walang kinabukasan. In fact, igigive-up ko ang pagiging magbabakal para sa iyo. At sa wakas naisakatuparan na rin ang pangarap kong may katabi matulog sa estero at sa ilalim ng tulay. Promise ko sa iyo, habang buhay kang iiyak at walang humpay na pagdurusa.  Siyempre, ako ang dream guy mo eh.

Sapagkat ang totoo niyan, ako ay naging mabuting anak. Nag-aral ng mabuti. Naging skolar. Nagkaroon ng magandang trabaho. Pinapangako ko na lahat ng nabanggit sa taas ay hindi mo mararanasan. Ibibigay ko ang lahat ng hiling mo hangga’t kaya ko. Sapagkat sa tuwing ikaw ay nasa tabi ko ay parang isang kapiraso ng langit sa lupa. At ako ang tunay na dream guy mo.

Monday, August 29, 2011

Tad Hannah


Naniniwala ka ba sa tadhana? Naniniwala ka ba sa soul mate? Kung oo, malamang single ka pa rin hanggang ngayon.
       
Pero tama ka. May mga tao pala sa mundo na ang trabaho ay siguraduhin na masusunod  kung ano ang nakalatag sa plano ni Chairman.  In short, kung ano ang itinakda. Pero paano mo makikilala ang taong itinakda sa iyo? Susundin mo ba ang nararamdaman mo sa kasakukuyan? O hayaan mo na lang ang mga tao ni Chairman na sundin ang plano?
credit to google.com for the pic
Siguro nagmahal ka na rin ng totoo. At ang una mong wish ay sana panghabambuhay na ito. Maliban na lang kung si Dolphy o si Robin ka na may maraming chikas. Ang ibig kong sabihin ay yung seryosong relasyon. Sa puntong ito, ang puso mo ay galak na galak. Ang isip mo ay lumilipad sa tuwa. Parang katulad sa mga nababasa mo sa pocketbook. Nagkakaroon ng buhay at kulay ang dati’y mga guhit lang sa isipan mo. Nabubuo ang isang pangarap.  Pero masasabi mo ba na ang taong ito ay hindi pala nakatakda sa iyo kahit ang nararamdaman mo naman ay tama?

May taong hahadlang sa isang 20 years na relasyon ng isang mag-asawa. Ibig sabihin hindi sila ang itinakda. May taong nagkahiwalay pero after 10 years, muling nagkita at nagkatuluyan. Pero hindi pa rin sigurado na sila nga ang bida sa libro ni Chairman.

Binigyan tayo ni Chairman ng freewill o kalayaan sa pagpasya. Marahil isa sa pinakamahalagang regalo mula sa kanya. Lahat daw ng ginagawa mo sa buhay ay bunga ng iyong pagpili. Walang maling desisyon sa buhay. Naging mali lang daw ito kapag pinagsisihan mo.

Sa madaling salita, kapag nasa gitna ka ng crossroad, hindi makokontrol ni Chairman kung saan ka dadaan. Makokontrol lang niya ang mga pangyayari pagkatapos mong pumili.

Ang daming tao sa mundo kaya hindi mawawala ang posibilidad na tanungin natin si Chairman kung tama ba ang nakasulat sa kanyang mahiwagang libro. May tao talaga na handanng isuko ang lahat lalo na kapag ang nararamdam nila ay tama.

Ako naniniwala na ang buhay ko ay nakasulat na. Ako na lang bahala kung gagalingan ko lalo ang paganap o hindi.

Marahil na rin ay nagtatanong ka kung sino si Chairman? Mas maiintidihan mo ako kung napanood o papanoorin mo pa klang ang Adjustment Bureau.

Tuesday, August 02, 2011

Anong Pangalan Mo?

Noong unang panahon, sa batch  nila Ngaksu at Ngata, ang pangalan ng mga tao ay hinahango sa kanilang hitsura, kakayahan, at katangian. Halimbawa kung may hiwa ka sa labi, ang tawag sa iyo ay Ikong Bingot. Kung magaling ka namang sumayaw ang tawag sa iyo ay Aning Batungbakal. At kung nagsasalita kang mag-isa ang tawag sa iyo ay Ngaksu o Ngata.

Sa di kalaunan, dumating ang mga banyaga at nag-improved ang sistema ng pagpangalan sa mga tao. Kinukuha nila ang pangalan sa estado ng buhay at minsan kung saan galing ang mga ninuno mo. Halimbawa, kung may-ari ang isang tao ng isang pagawaan ang maaring itawag sa kanya ay Don Pepot.

Noong November 21, 1849, si Gobernador Heneral Narciso Claveria, ay nag-utos ng isang sistema ng pag-buo ng apelyido sa lahat ng mamamayan. Ang lahat daw ng mga nakatira sa punong-lungsod ay magkakaroon ng apelyidong “A”. Mga second-rate-trying-hard-copycat na mga lungsod o bayan ay bibigyan ng last name na nagsisimula sa B hanggang sa kung ano man ang last letter noon sa alpabeto. Naisip ko lang kung Zaragoza o Zerrudo ang apelyido mo, marahil nanirahan noon ang lolo mo sa pinakamahirap na lugar. So ang mga Aquino at Ayala naman pala ay mayayaman na talaga simula noong unang panahon. Makes sense.

Utak ng mga apelyido natin, Si Boss Claveria
Ang pinakadahilan daw ng sistemang ala-Claveria ay para mapadali ang pagkolekta ng buwis ng bayan at para mapadali rin daw ang kurapsiyon. Pero depende rin daw sa trip ni Claveria noon ay apelyido mo. Kung halimbawa atat na atat ang ermats mong pangalanan kang Tina at Moran ang napili na apelyido ni Claveria, ang labas eh Tina Moran. Parang hindi ako mabubuhay sa pangalan na yan.  

Wala pa rin daw yan si trip na mga tropa nating Tsino at Hapon. Kwento ng guro ko noong Grade 5, ang mga Tsino daw kung magbigay ng pangalan sa anak nila ay depende sa tunog ng mga ceramics, bakal at kung anong bagay na itatapon nila. Halimbawa, isang malaking kawali ang itapon at ang tunong ay Gong Wak Ching, yun ang pangalan mo. Parang nagbibiro lang sila noh pero seryoso daw sila sabi ng guro ko as in walang tumatawa sa kanila. Kaya wag kang magtaka kung may kakilala kang Gong, Sy, Ming, Ching, Chang, at Siopao o Siomai na mga apelyido. Tropa natin yan sila.

Nang dumating si Uncle Sam sa Pinas, eh naging sosyal daw ang mga pangalan natin. Nandiyan si Joe, Peter, Roger at Francisco na mga international version nina Juan, Pedro, Rogelio at Isko. Para sa kumpletong  tawa, basahin niyo na lang ang libro ni Pareng Bob Ong: A B N K K B N P L A ko.

Lately ko lang nakikila ko Suckdeep Patel, ang matinding customer na gumulo sa buhay ng apat na callboys (agent) sa isang travel account sa tapat ng RCBC. Kung bakit, eh basahin mo ang Kwentong Galit. Matatanggap ka kaya sa trabaho kapag ang pangalan mo ay Suckdeep? Siguro mababasted ka rin kung ito ang pangalan mo. Parang habangbuhay kang kinulong sa pangalan na yan.

Pero sa maniwala ka man o hindi, meron pala talagang apelyidong makupal. Si Mr. Cupal, isang sekyu malapit sa Postal Office sa Maynila. Hindi naman siya mayabang. Sabi niya “Apelyido lang naman ito at hindi ito naglalarawan ng aking pagkatao”. Tama nga naman siya. Ikaw mismo ang humuhubog sa pagkatao mo at hindi ang pangalan o ang apelyido mo.

Sabi nga ng idol Lourd De Veyra, okey lang kung apelyido mo ay Cupal, kesa naman sa Ampatuan. Mas sakim kung Arroyo. At sa akin, buti na lang hindi ko ka-apelyido si Angel Locsin. O si Georgina Wilson.

Ikaw dre, anong pangalan mo?

Monday, August 01, 2011

Ang Ref Namin


Noong Grade 3 ako, bumili ang Nanay ng ref. Bago magsara ang pinto, sinisilip ko ang loob para malaman kung bakit namamatay ang ilaw. Siguro ikaw din noon at kung may ref din kayo. Tinanong ko ang Nanay kung bakit. Hindi siya nakasagot.

Noon ko nalaman na may mga bagay din pala na hindi basta basta masasagot ng mga nakakatanda.

Matanda na ako at marami pa ring tanong ang hindi masagot kahit ng teacher ko. Sabi nila, dalawang tanong daw ang dapat mong sagutin pagkatapos kang isilang. Ang tanong kung “Bakit nandito ka?” at “Ano ang silbi mo dito”?.  

Tulad na lang ng Pag-ibig. Marami ang nagtangka na ilarawan ito. Marami ang sumubok na bigyang kahulugan ito. Halos lahat na rin siguro ay nakaramdam nito, liban na lang kung robot ka. Pero isa ang malinaw. Marami pa rin talaga ang nalilito, nabubuwang, nagdurusa, mas marami ang masaya pero marami rin ang namamatay. Sa dahilang bigo pa rin tayong sagutin ang tunay na kahulugan nito.

Tulad din ng Kapangyarihan. Bakit may kurap? Bakit may nang-aabuso ng kanyang pwesto? Bakit gusto pa rin ni Gloria maging kongresman pagkatapos niyang sabihin hindi na siya uupo sa anomang pwesto sa gobyerno? Kahit saan talaga ay may pulitika at ang dumi nito. Kung kumapit sa damit mo ang pulitika tiyak na mamamantiyahan ang pagkatao mo. Bakit hindi naging bisor si Joewary? Bakit naging manager si _____?

Tulad na lang Sugat. Paano ito naghihilom? Bakit kailangan niyang mag-iwan ng marka? Bakit kapag nasaktan ang puso, kahit walang dugo ay masakit pa rin? Kapag nasugatan tayo, bakit tayo umiiyak? Bakit may umiiyak sa sobrang tuwa kahit wala namang sugat?

Tulad ni GOD. Naniniwala ka ba meron? Kung hindi, bakit naman? Kung meron nga, nakita mo na ba siya? Bakit ka naniniwala? Siguradong akong alam niya ang kahulugan ng Pag-ibig. Sigurado akong may Kapangyarihan siya. Sa ganang akin, sapat na paghilom ng isang sugat para patunayan na merong Diyos.

Marami pa akong tanong. Ikaw din marahil ay may mas maraming tanong. Ang buhay ay mahiwaga at abnormal ka kung hindi ka nagtatanong.  

Sa ngayon, Siya pa lang nakaalam kung bakit andito ako at ano ang silbi ko. Pero ang sabi ng nanay ko namamatay daw ang ilaw ng ref kapag sinasara at umiilaw naman kapag binubuksan ay dahil merong araw at gabi na ginawa ang Diyos. Malalim man ay parang alam ko na.

Wednesday, July 06, 2011

Joewa ng Lahat


Siya ang Joewa ng lahat sa dahilang...

Ang kanyang mukha ay mukha ng kasiyahan. Ang kanyang ngiti ay walang kasing-liwanag. Sa boses niya maririnig ang mga kanta ng ibon. Makikita mo sa kanyang mata ang busilak ng kabaitan. Sa malikot niyang galaw ay napapabilis nito ang ikot ng iyong mundo. Ang bawat kataga na lumalabas sa kanyang bibig ay mistulang mahalimuyak na hardin na nang-aakit. At mahahalina ka sa kanyang kaharian kapag nasimulang magkaugnay ang inyong mga puso.

Oo kung naging diwata siya kaso isa lang siyang hamak ng mortal. Siya si Joewary Calimlim. Pero  kahit siya si Joewary diwata siya kung ituring ng kanyang mga kaibigan. At kung naging ganap siyang diwata, sigurado akong Joewa siya ng lahat.
Si Joewa (naka-black) at 1/4 sa mga nasakop niyang kaibigan
Hindi ko alam kung lubos ko siyang kilala. Pero parang matagal ko na siyang nakasama. Panatag ang kalooban ko. Sa ganoong paraan ko nakita ang kahalagahan ng isang pagkakaibigan.

Nalaman ko na malawak pala ang nasakop niya sa pagiging isang tunay na kaibigan. Kung naging mananakop siya, siguro si Napoleon Bonaparte ang ka-level niya. Pwede kayong maging mag-kaibigan sa isang iglap lang. Ganyan katindi ang PR niya.

Kung kaibigan mo si Joewa, alam mo ang tunay na depinisyon ng pulitika sa industriya ng mga callboy at callgirl. Noong una ay pikit-mata kong tiningnan ang mga pangyayari sa apat na sulok ng mga computer at telepono. Ang buong-akala ko bahagi ito ng isang malaking proseso. Pero marami pang mga naging kaibigan ko ang may parehong kwento. Ang nasa taas. Sila-sila. Walang TAYO.

Ang dating tao na mahalaga sa kanya ay kanyang nabitawan dahil sa paghila ng kamay ng pulitika. Ang dating trabahong gamay na niya ay nawala na parang incentive kapag may pay-out ka. Nawala kasama ng taong parati niyang kinukuwento sa akin. Kapag may avail o kaya kapag may laklakan.

Pati si Joewa nawala sa eksena kung kelan dapat ay moment niya na‘to.

Subalit ganoon pa man, ang mahalaga ay kung ano ang ginawa mo para sa mga kaibigan hindi kung ano ang kasarian mo o kung ano ka man.

At dahil sa taglay mong kagandahan, ikaw na ang Joewa ng lahat.

PS. Walang hiya ka Joewa nasa Ortigas ka lang pala. Diyan ka na naman maghasik ng lagim.

Tuesday, July 05, 2011

Boy Berde

Ang paborito niyang kulay ay ITIM. Hindi dahil kasing-itim o kamukha niya si Obama. O kasing-itim ng budhi niya si Osama. Eto ay dahil hindi daw dumihin at madaling labhan ang damit kapag itim. Ayon sa pananaliksik ni Boy Lapot kasama ang SOCO, napag-alaman namin na sa buong linggo ng kanyang pagpasok sa trabaho ay halos itim ang kanyang damit. ALL BLACK EVERYTHING. Pati sapatos niya at bagong biling Adidas jacket.

Pero bakit BOY BERDE at hindi BOY ITIM? Malamang yan ang una mong tanong.

Isang  mahiwagang misteryo ang bumabalot kay Boy Berde.


Kung halimbawang nakatabi mo siya at ang labanan ay hindi magsalita sa buong araw, tiyak ako na siya ang mananalo. Kasi siya ang tipo na magsasalita lang kung ikaw ang maunang magsalita. Sa madaling salita, pinapakiramdaman ka niya kung nagsasalita ka ba talaga. Sa isip niya nabubuo ang mga  haka-haka na baka mas pangit ka pang tumawa kay Pokwang, o baka boring kang kausap o kaya shy type ka rin tulad niya.

At kung halimbawang nagkakilala na kayo ni Boy Berde at ang kwentuhan ay kaberdehan, siya ulit ang panalo. Kung berde ang lolo mo, mas berde ang lolo niya. At ito pala ang sekretong paraan para makausap mo siya. Pero selected people lang pala ang kinakausap niya sa mga sensitibo at makabuluhang bagay na tulad ng kaberdehan. Kung isa ka sa selected people na ito ay dapat i-consider mo na itong tagumpay. Kung baga achievement ito sa lahat ng achievement.

Dahil sa mga katangiang ito ay naging lapitin siya ng mga chiks, bading at kahit maging ang mga tukso. Hindi naman nya kamukha si John Lloyd. Siguro ang ibig sabihin nila si Manong John Loyd, yung sekyu sa office. Hindi naman siya nagji-gym tulad ni Boy Lapot. Wala rin naman siyang six-pac. Hindi rin naman siya maputi pero may height siya at mabalbon. Kung sa porma, expect the all black get-up. Pero sabi nila ang pagiging misteryoso niya daw ang talagang nakakahumaling. Di kaya engkanto si Boy Berde? Masyadong misteryoso. Anong meron siya na wala ang ibang guys? Makadikit nga sa kanya para mapansin agad.

Pero batay sa resulta ng imbestigasyon ng SOCO at in fairness sa kanya, hindi siya berde sa totoong buhay.  Sa kwentuhan lang. Wala sa araw-araw niyang gawain ang sukatin kung gaano kalaki ang hinaharap ng isang babae. Titingnan lang niya ito. Kung ang regular na taong-berde ay tititig sa hinaharap ng mga babae for five seconds, siya mga 2.13 seconds lang. Wala sa mga balak niya ang hawakan ang mabibilog na behind ng babae. Titingnan niya lang at pwede niyo ring pag-usapan habang lunchbreak o sa avail time.

Nag-ugat daw ang lahat ng ito dahil sa makasalanang eskinita. Sa eskinitang ito, makikita ang lahat ng aking tinutumbok sa huling talata. Hindi lang talaga ngayon mapatunayan ng histoy books kung si Boy Berde o si Green Ranger ba talaga ang nakatuklas ng eskinitang ito. Pero ayon sa chismis sa mga barberya, si Boy Berde daw talaga. Siya daw ang nagyaya kay Green Ranger after shift nila na tumambay doon. Eksakto alas syete ng umaga after shift ay pupwesto sila sa eskinita at aabangan ang lahat ng “positive at quality na mga bebot”. May mga HRM na taga RCBC, mga teller sa BDO, may call center hottie na taga-Convergys (given na ang Aegis) at minsan mga taga SYKES at RCBC, may mga naka-skirt na Korean at iba’t-ibang lahi, may bebot na dumadaan pa-Starbucks, may mga nursing student na sobrang busilak sa white uniform, at di mawawala ang “bouncing baby-boy sighting” kung tawagin ni Boy Lapot. Ganyan ka makasalanan ang eskinitang yan. Kung baga hitik na hitik ka sa ulam, mapapa-extra rice ka pa.

At sa sobrang makakalikasan ni Boy Lapot, naging tambayan niya rin ito.

Mabalik tayo kay Boy Berde. Sa sobrang berde nito ay nawalan na siya ng sosyal lifestyle. Hindi naman siya anti-socialite. Meron naming siyang Facebook account. Hindi lang talaga maipaliwanag sa pinakasimpleng paliwanag kung bakit ang hirap niyang yayain mag-swimming, kumain sa labas, uminom, at kahit mag-kape o bumili ng kape sa vendo machine. Alam kong may dahilan at alam kong may rason at kwento ang bawat tao. Ang sa akin lang naman, eh binigyan tayo ng Maykapal ng isang buhay at magagandang bagay sa mundo para ating i-enjoy at para na rin may ikukwento tayo sa Kanya halimbawang mag-jamming kayo one time di ba?

Halimbawa:

Siya: Oh Boy Berde, nakapunta ka na ba sa Baguio? Pinalamig ko sadya ang lugar na iyon dahil alam kong mainit sa Maynila.
Boy Berde: Hindi Boss eh. Gastos lang iyon.
Siya: Kaya nga binigyan kita ng magandang trabaho, di ba? Para maka-unwind ka minsan. By the way, sumama ka ba sa outing ng mga katrabaho mo?
Boy Berde: Negative Boss. Magastos. Hindi naman po ako mag-eenjoy doon.
Siya: Kaya nga gumawa ako ng mga kaibigan mo. Kasi sila ang magpapasaya sa iyo.

Subalit sa kabila ng lahat ay naunawaan ko si Boy Berde at masaya ako sa napili niyang daan. Kasi naging siya din ako sa isang punto ng buhay ko. Alam kong darating din araw na may makapagpaliwanag rin sa kanya ng lahat ng ito sa pinakapayak na paraan. Kung hindi man si Boy Lapot o si Green Ranger, baka si Girl Berde. Antayin ko ang araw na iyon at tiyakin kong masaksihan ko ang sandaling iyon.

Gayunpaman, ang sa tingin ko ay may Boy Berde bahagi ang bawat isa sa atin. May sarili tayong desisyon at pagpili kaya nabuo ang ating pagkatao at pagkakaiba. Mabuti na lang at pinili niyang maging Berde at hindi maging ITIM.

Kung sino si Green Ranger? Kung saan ang eksaktong lokasyon ng Makasalang Eskinita? At ano ang “bouncing-baby-boy sighting”? Tanungin niyo si Boy Berde. Peace tayo Boy Berde. Good vibes tayo dre.

Wednesday, June 15, 2011

3 Idiots


Isa sa the best na eksena sa movie.

Si Virus (teacher na malupit, bookish at may bigote pero may sexy na anak) ay nagbibigay ng kanyang pang 32 beses na speech sa mga bagong Engineering student. Sa ending ng speech, pinakita niya ang isang ballpen.

“Bigay sa akin ito ng lolo ko. Ito ay isang espesyal na ballpen na ginawa ng mga matatalinong mechanical engineer natin. Sadya itong ginawa para sa mga astronaut upang sila ay makapagsulat ng walang hassle sa space sa paraang hindi natutulo, kumakalat o matapon man ang ink. Ilang years, ang ginugol nila para ito ay malikha. Kaya ang sabi ng lolo ko, ipapasa ko lang daw ito kapag nahanap ko na ang taong karapat-dapat na gumamit dito.”

Pero Hindi ang lengwahe na ginamit ni Virus. Indian movie kasi ito. Pero  wala kayong makikitang 5-6 sa movie. O kaya may maamoy na di kanais-nais. Oo, tama may subtitle ito. Baka isipin mo na...Hindi nga ako Bombay, sigurado ako.

“Ngayon, gusto mo ba na mapasaiyo ito?” tanong ni Virus. Lahat nagtaasan ng kamay. Maliban kay Rancho, isa sa tatlong idiots. “Okey, hands down”, dugtong ni propesor. Lahat nagbaba ng kamay. Maliban kay Rancho.

“Sir, tanong ko lang”, bungad ni Rancho. “Kung nababahala ang mga engineer doon sa astronaut pen na matapon ang ink o kumalat, sa tingin niyo, bakit hindi na lang kaya sila gumamit ng lapis? Nakatipid pa sila ng ilang milyones at iwas kurapsiyon”, ang genius na banat ni Rancho na para bang may umilaw na bombilya sa ulohan niya.

Speechless si Sir Virus. Hindi siya naisalba ng kanyang mga libro.
Ang Tatlong Itlog ng India. (picture downloaded from google.com)
Kaya kung curios ka kung sino si Sir Virus? Bakit tinaguriang Indian Henyo si Rancho? Kung idiot si Rancho, sino pa ang dalawang idiot? At sino itong seksing anak ni Sir Virus?

P. S. Ang 3 Idiots pala ay ang Top-grossing film of all time ng India. At kahapon ko lang napanood.

Monday, June 06, 2011

Mukha Libro 2


 Dahil nga marami nang naadik sa Facebook, marami na rin akong natuklasang mga adik na post. ‘Pag sinabing adik na post kasama pa rin dito yung taong kahit tulog na ay nakapag-post pa rin at siya din ang nag-like ng post niya. At dahil uso na ngayon ang sequel, aba magpapahuli ba naman si Boy Lapot. May part 2 din tayo.
  1. Napansin ko lang na lahat ng masasarap ng kinakain ay pino-post agad. “__________ (post a name here) is eating rocky road ice cream”. Yung isa, hindi naman nagpahuli: “ay nagluluto ng chicken curry with mushroom”.  Yung mutual friend ng mutual friend ko sa FB na in-accept ko noon dahil dalawa pa lang ang friends ay parang ganito din ang mga post. Kung hindi daw siya nagluluto ng white adobo ay nasa resto daw siya at nagta-try ng mga new cuisine. Sosyal na mga post. Pero wala pa talaga akong nabasang post na “ay kumakain ng tuyo at bagoong with kamatis on the side”. Mga ganoong post. O kaya “Petro Buvenino is cooking sinigang na buntot ng dragon.” Di kaya “is at the _________ (name of resto) ordering inihaw na pinto”. Wala eh.
  2.  Mayroon ding isang adik na halos lahat ng galaw niya ay pino-post niya. “Ay paalis ng bahay. Medyo madilim ang kalangitan kaya magdadala ako ng payong.” Maya-maya konti post na naman: “ay nasa dyip. Ang baho ng katabi ko. Walang choice kundi tulungang singhotin ang halimuyak na hatid ng kanyang kili-kili”. Nang ma-stuck sa trapik: “Ang trapik naman sa Buendia. Late for work.” Nang dumating sa ofis, “buwisit puro escaltation, este escalation pala.” Walang hiya, ginawang talambuhay ang FB. Kulang na lang i-post mo kung ilang beses ka umutot sa isang araw. May suggestion akong post mo: “Ang goal ko today ay umutot ng five times ng walang sound”. O di ba achievement yun.
  3.  Itong susunod ay adik din. Mahilig sa mais at may unlimited stock ng keso. Halos everyday ay may post na mga quotes. Love, inspirational, holy, at cheesy quotes. Basta nag-start at nag-end sa quotational mark quotes na yun. Kung baga tinalo niya pa si Balagtas at Pareng Shakespeare sa paramihan ng daga sa bahay. Cheesy daw kasi eh. “Di ka ba napapagod? Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh.” E di ikaw na.
  4. Merong adik na hindi mo alam kung matigas  ang ulo o kulang lang sa pansin. Kahit walang nag-like or nag-comment, post pa rin ng post. Siguro kung bibilangin natin sa isang kalahating-oras ay nakaka-lima siyang post. Sa isang oras ay may 10 siyang post. O bounderi na siya di ba. Kung friend mo siya malamang pagkatapos ng isang araw ay balak mo na siyang i-block o unfriend. Kasi daw ang purpose niya ay like niyo naman or magcomment naman daw kasi kayo. In short, pansinin niyo naman daw siya.
  5. Etong susunod ay si Boy Comment. Wala siyang mga post, pero tinatadtad niya ng comment ang post ng mga friend niya. Ang purpose niya talaga sa buhay ay makapag-comment. Kung baga pag naka-comment siya ay parang naatim niya na ang rurok ng tagumpay. Comment sa photos, comment sa status, comment sa notes, comment sa comment ng iba. Siya si Boy Comment.
Mawalang-galang muna sa inyo. Bato bato sa langit, ang tamaan ay magkakabukol. Abangan. Baka post mo naman ang ma-feature dito.  

Wednesday, May 11, 2011

Musika ang Buhay



May tao talagang binubuhay ng kanilang alab ng damdamin lamang. Kinakantwayan na nga ay patuloy pa rin. Wala na ngang nakikinig ay tumututog pa rin. Bino-boo na, nagra-rap pa rin. Wala na ngang nagbabasa, sumusulat pa rin.

Nakilala ko Sir Joy na hawak-hawak parati ang gitara sa ofis. Pero hindi talaga siya totoong gitara. Gawa daw iyon sa chopping board na hinugis gitara at nilagyan ng strings. Huli ko na lang nalaman na pampraktis lang pala niya ito. “Pang-strumming, ripping lang yan”, sabi ni Pareng Duane.

Wala akong paki-alam noon. Ang buong akala ko trip trip lang nila ito. Nakikinig lang ako. Pero nabuo na sa isip ko “may talent at magaling ang taong ito”.

Hindi ko alam kung may background siya sa music dahil hindi ko pa naman ito natanong bagama’t nakita ko ang studio niya sa Facebook. Two years niya daw pinundar yun. Lahat yata ng sahod niya dumerecho doon. Balita ko hindi na rin siya naglu-lunch para lang makaipon.

Dahil dito, lalo tumaas ang respeto ko kay Sir Joy. Kaya hayaan mo si Boy Lapot na maging taga-hanga mo. Bago ka pa man sumikat sa buong mundo, dito ka unang kumalat este sumikat pala. Mabuhay ka Sir. Ipagpatuloy lang ang alab ng musika.

At saka hayaan ko na rin ang post na ito na kumakanta sa tugtog ng “May Pag-asa Pa?”

Heto na ang obra maestra ni Sir Joy featuring the two-second appearance ni Boy Lapot. Dalawang araw din niyang pinraktisan ang eksenang yonPindotin ito.

Monday, May 02, 2011

Alamat ng Arinola


(Disclaimer: Inspired by Lolo Barbers. Pero ang susunod na kwentong malapot ay wala sa mahiwagang  libro niya. Mga readers, ang swerte niyo kayo ang first time na makaalam nito. Kung baga sa bentahan, bueno mano.)

image downloaded from google.com.ph
Noong mas una pa sa unang panahon, may magkaibigang taong-kweba na si Ngata at Ngakshu. Mukha lang silang magnanakaw pero hindi sila masasamang tao. Kapag kasi matapos magsawang mag-roller skate pababa ng bundok (yun kasi ang pastime nila) ay trip nilang umakyat sa mga kakwebahan sa Purok Tsenes. Doon ay maglalaro ang kanilang isipan tungkol sa kanilang mga ambisyon, sa skul, sa mga the moves sa babaeng-kweba at sa idol nilang si Boy Lapot.

Sa gabi-gabi nilang pag-akyat, napapansin nila ang isang kweba na pink ang kulay. Kikay na babaeng-kweba daw ang nakatira doon. Sa kakapanood nila ng Imbestigador ay hindi nila tinantanan ang kweba. Kahit malayo ay hindi kumurap ang mata ni Ngata. Inaabangan ang bawat galaw ng mahiwagang babae. Si Ngakshu naman ay nagdala pa ng night-vision telescope (oo high-tech na taong-kweba). Gamit nito ay parang nasa loob na rin daw siya ng kwarto ng girl. Pero sa bawat eksena ay hindi nila namasdan ang mukha ng nasa pink na kweba. Gabi daw kasi at madilim ang parehong dahilan ng dalawa.

Kaya to the rescue si Boy Lapot. Humingi sila ng tamang Da Moves at konting tip galing kay Bravo Dakila.

Kinagabihan ay pumwesto sila sa pinakamalapit na kweba. Nagsuot na itim na bahag ang dalawang mukhang akyat-bahay gang. Ito daw ay para pang-comouflage nila. Umupo sila at nag-abang. Parang malas, wala yata yung mahiwagang babae. Napadesisyonan na dalawa na tuluyan ng akyatin ang pink na kweba. Nagkaroon sila ng ideya. Tsing. May bombilya na lumiwanag sa gilid ng ulo ni Ngakshu.

Pumatong sa balikat ni Ngata si Ngaksu. Sa mga nakaw na dungaw sa bintana ay may naaninag na pigura si Ngakshu sabay sabi “Pare, malusog talaga”. Nagsinungaling siya para manabik ang kaibigan na namumula na ang mukha sa kabubuhat. Nakahubo pero nakatalikod ito at may hawak na tissue ang eksena mula sa posisyon ni Ngaksu. Siya ay parang nakaupo   sa isang “green na something”.  Nagtaka siya kung ano iyon. First time niya itong nakita sa Purok Tsenes.

Pero hindi ito naging hadlang. Impak, sa sobrang enjoy ni Ngakshu na parang nasa VIP row ay hindi na niya inalis ang mata sa babae. Pagtayo ng babae ay nagulat siya sa nakita sa bintana. Nagakasalubong ang kanilang mata. Natigilan ang babae sabay takip sa bulaklak niya at nagwika,

“Iho, anong ginagawa mo di-yan. Ay baka ikaw mahulog”.

Parang kandila na natunaw si Ngaksu. Nadis-appoint siya sa nakita. Kulubot ang balat, ala ng ipin at ugod-ugod na maglakad. Si Lola Barbastra pala iyon.

Pagkatapos isuot ang salawal, ay lumapit ang matanda sa dalawa habang akay-akay ng tungkod. “Mga bata, gabi na at gising pa kayo. Aba ay alam ba i-yan ng magulang ninyo”.

Sa hiya ay nagsipagtakbuhan ang dalawa. Tinanong ni Ngata si Ngaksu kung ano ang nakita niya. “Yung ari ni lola”, sagot ng damuho. Sabay tawanan ang dalawa.

Simula noon, ang tawag sa “green na something” na inuupuan tuwing iihi ang matanda sa gabi ay “Ari ni Lola”. Pero parang hindi pumasa sa MTRCB kaya napagdesisyonan ng madlang people na gawing ARINOLA. Naglabas na rin ng ibang kulay ang mga producers at manufacturers nito para takpan ang kalokohan nila Ngata at Ngaksu. Ngayon meron ng pula, blue, yellow at ang pinaka-latest pink, inspired by Lolo Barbastra.

Monday, April 25, 2011

Mukha Libro

Sa dinami-dami ba namang kasapi ng Facebook, sa palagay ko lahat na yata ng topic ay na-post na nila. May tungkol sa pag-ibig, chismis, sa work, sa frustration, at sa may mabahong kili-kili sa MRT. Lahat na.

Kaya nabuo ang 5 pinakamalapot na kaganapan (lima lang muna) sa Facebook.
image downloaded from google.com.ph
  1. Siya nag-post. Siya din nag-like at siya din ang unang nag-comment. Okey na sana, eh ang damuho ti-nag pa ang sarili. Meron ka naman sigurong mga friends di ba? E di tag mo sila. O baka naman masyado ka lang humanga sa post mo? Siguro maunawaan ko pa kung first time mo mag-post. Kung meron sanang “Dislike” button, ako ang mauna.
  2. Ang hindi ko lang maindintihan ay kung bakit may taong tulog na ay nakapag-post pa rin. Isang klasik na post: “(Post name here) is fast asleep.” Tapos dugtungan pa ng “zzzzzzzzzzzzzz”. Anak ng beki naman oh! Paano nangyari yun? Kusang nag-type ang kamay mo at nagpost nang ganon habang tulog ka. Ang mas matindi diyan eh kung may naglike at nagcomment pa ng: "Ako din. Mahimbing na natutulog". Ano ba? Kayo kayp na nga lang, nagkakalokohan pa. Kausapin niyo nga ang ang pagong ko.
  3. Kumusta naman ang nagpopost ng: “(Post name here) is at the bus station”, “ay kumakain ng talong”, “in Starbucks now”. Okey lang yun. Walang problema ang ipagmayabang mo kung saan ka at anong kinakain mo. Napansin ko lang kasi na puro magagandang pangyayari ang kalimitang napo-post. Pero wala pa yatang nag-post ng ganito: “is in the CR at tumatae. Medyo malapot”. O kaya: "Goal ko today ang umutot ng limag beses sa isang araw". Meron na bang gumawa niyan? Try ko kaya mamaya, maiba lang.
  4. Pero napakawalang-hiya naman kung sino man ito. Noong kasagsagan ng aksidente ni AJ Perez ay may nag-post: “AJ Perez just passed away” tapos may nag-like. Ang sama. 
  5. Ikaw na ang pinakamalapot kung pati ba naman sa pagbili mo ng toyo sa tindahan ay mag-papapicture ka pa ng wacky at pi-nost mo. Tapos ikaw din mag-like at ikaw din ang unag nag-comment. Tapos lagay mo sa status mo: “ay bumili ng toyo sa Tindahan ni Aling Nena”. Ikaw na, the best ka.

Sa susunod na lang yung lima. Maghanap muna ako ng mga magagandang post dito sa FB. Baka iyong post na ang susunod.

Monday, April 18, 2011

Foreign Height

Five inches more. That’s all I need and I will be your Boy-Next-Door guy. Oh good Lord, if you could hear me now, can you make me taller or at least add five more inches to my humble height?

The measuring tape revealed that I am five feet and four inches tall. That’s only two inches taller than Bentong. Or three inches lower than Spud Webb, the smallest NBA slam dunk champion.

Speaking of basketball, if I were around these towering cagers during the dug-out interview which I used to do when I was a sports writer, I would look like Dagul sniffing and inhaling their athlete’s foot. That’s so unfair I would be suffocated that way.
Now Lord, please grant my wish. I will read the Bible again and again, pray all day and night and I will never miss a single mass. Not only that I will donate all my earnings to the church.

Sometimes, when I see these nerds, freaks, losers and stupid-looking tall guys with gorgeous and hot chick around, I can’t help but to hate myself. How come did they get that girl? I just then close my eyes and think that this guy is rich or has hot wheels or they own a family business. Or he got a big *i^k?

I blamed my dad for passing over the genes. I mean, my cousins on dad’s side were like a walking Meralco post. They were basketball players, models and seaman. I think there is a bias on how the DNA works or whatever biological explanation to this unfair life treatment. Yes, God and the law said  that WE ARE ALL EQUAL. I have no problem with that. I just can’t believe it that there is a height limit in modelling and being a flight attendant.  And these make me overacting that I’m taking this argument personally to the point that I have now the lowest esteem of my life.  

No, I’m not insecure. Less gifted but not insecure. I have brains. I am not boring and I am emphatically not stupid-looking guy even in physical aspect. In fact, I could make a girl fall in love by just a conversation alone. In case you might think that I’m not interesting, I would like to remind you that you are reading this article right now.

Now for my revenge, let me present Exhibit A: Raul Dillo, the tallest basketball player to ever play in an amateur or professional league and perhaps, the tallest man in the Philippines, standing at 7 foot 3 inches. This guy as of Boy Lapot’s inside report, happens to be a dull-looking, so lousy, and not even funny. His mighty height is too overwhelming enough to be in a center position in any team in the Philippine Basketball Association.  But Raul was never a star when he played in Metropolitan Basketball Association. The truth is, he never played a single game, spending the game in the bench. Tall he is but sure didn't take advantage of his gift.  Oh wait I remember, he drifted in show business by the way as a Kapre or a huge monster. Perfect for the role.
Raul Dillo
As I looked back in my teenage days, I concluded that I grew a centimeter in every two years or I guess I’m exaggerated. So that’s a turtle compared to the inches in every two months that my other classmates enjoyed. Is that what they call growth gap? In elementary, the first guy on the line is always reserved for me. I felt like if we were in a firing range, I would be dead first.

Because this Cherifer ad made me believe that there is still hope for this anxiety. Fuck it. If these were real, I guess there is no loser like me.

So I turned to the books and internet to find a desperate solution to this self-imposed anguish.  And it was no help. I guess all I need is a miracle or to make friends with a genetic engineer, scientists, chemist or whoever can formulate a capsule to make people taller in an instant. I voluntarily offer myself for free experiment.

There are many life-altering possibilities if I were taller:

I could have the courage dating taller girls. 
I could have pursue my modelling career. 
I could have been a basketball player. 
I could have gotten some hosting jobs.

Perhaps, God thought that I would take all of the things mentioned above in evil way that’s why he didn't bless me with gift of height. In the end, whenever I see Janno Gibbs, Ogie Alcasid, Raymart Santiago and Manny Pacquiao, I felt contented. I have accepted the fact that I will never grow taller anymore. Instead, I maximize what God has given me. Janno has beautiful voice. Ogie is a talented songwriter and married Regine Velasquez. Raymart has Claudine and Manny has eight boxing titles and Jinky Pacquiao.

Me? I have nothing. All I have is good looks and this article.

But honestly, do you think Dagul is funny if he were as tall as Raul?

Saturday, April 09, 2011

Just let it rain


It’s raining today. Then, I think of you.

Roger remembered that tonight will be two years since she left. He could still clearly paint in his mind the beauty she was that night. Liz wore the white shirt he gave on her birthday which coupled his's. When Roger looked at her, he thought that her eyes were brighter than the moon that night.  Her hair is as glowy as of those dancing fireflies around the tree where they first met and carved their names. He brought a small cake because that night was another year of their undying love.

Roger held Liz’s hand and he felt they were very cold. Roger denied the fact. He thought that tonight is the night to tell her. His future plans. He was ready and he memorized all the lines. But this was all interrupted when Liz spoke the first word of that moment.

“Roger”, she said. The word sounded like a whisper. Liz gathered herself and continued. “You and I, we’re over. I knew you have loved me without a doubt and so do I. I just can’t see you anymore”.

Roger didn’t blink an eye. He couldn’t believe what he just heard. His heart never pounded that fast as if he came from a long walk. He wanted to protest but he got stoned. He dropped the small cake and it was scattered to pieces. A silver ring was revealed. His future  plan. He has never said the words he perfected to say.

Liz ran away as fast as she could like a child chased by her mom. Darkness swallowed her as she went farther. Away from Roger.

The place started to go colder. The nimbus clouds seemed to fall. And then, the sky cried.
One year passed and Roger heard that Liz died of leukemia. He never knew that Korean melancholic drama does exist.

Tonight he thought she just left. But she weren’t there on that same place, so he guess she’s really not coming back. Gone for good.

 He can't stop the rain from falling. And though it hurts, Roger just let it rain today. 

Wednesday, April 06, 2011

Biglang Liko


ni Ron Henley ng Stick Figgas

Ang pawis koy tumatagaktak sa bilis. May pumalakpak. Abutin natin ang langit. Ibuka ang pakpak. Langhapin ang halimuyak ng mga bulaklak. Akoy paru-paro. Nakadapo sa’yong damo. Sa liwanag ng ganda mo, andaming nabibighaning gamogamo. Yakapin mo ako habang atin ang gabi kasi ang mundo natin ay laging salisi. ‘Pag ika'y nasa baba ako ay nasa itaas. Tuwing ikaw ay darating ako ay lalabas. ‘Wag ka masyado marahas. Sige lang isigaw mo pa ng malakas. Ilagay mo sa tono. Di kita tinatanong pero sagot mo'y “Oh, oh, oo, oo. 

Hintayin mo ko. Malapit na ko. Sabay na tayo. Papunta na ko. Nasaan ka na ba? Kung ako sayo sumama ka na. Tara! 
Tara! Tara sumama ka sakin. Hawakan ang aking kamay. Tayo ay maglalakbay patungo sa lugar kung saan tayo lang ang may alam. Tutungo sa lugar na tayo lamang ang laman. 

Pintua'y isarado. Buksan ang kandado. Talian na ang aso. Papasukin mo na ako. Meron akong regalo, ‘di mo to malilimutan. Matagal ko na ‘tong pinag-ipunan. Pahiram ng upuan para aking patungan. Ang akin dala-dala ng aking makunan. Para may alaala ka sa pag alis mo. Panoorin kung sakaling ako ay mamimis mo. Tayo na at sabay magkamay. Kahit ang pagkain ay hindi sa plato nakalagay. Masarap ba? Diyan ako sanay! Kaya pala sagot mo sa kin ay panay “Oh, oo, oo. 

Nilambing mo ng maghapon at ‘di nila alam. Mukha mo nangangahulugang hindi lahat ng hinihimas ay umaamo. Aso't pusa nagkalmutan. Nagaway. Nagkauntugan. Bagong taon ba ngayon? Ba't ganon, may nagkakaputukan? Sumibak ng kahoy para panggatong. Para may apoy tayo maghapon. Sakto. May sweldo pa ako. Magwi-withdraw muna ko. Sa bangko 

Kaya hintayin mo ako kasi malapit na ako. 

Kung curios ka, eto yun. Basta derecho lang: click here. 



Monday, April 04, 2011

Sino ang totoong sosyal?


Isang  Probinsyano ang nasa loob ng resto sa Makati. Nakabarong- tagalog, hati ang peluka ng buhok at may dalang bayong. Parang sa mga pelikula ni Andrew E.  

May isang Conyo din sa parehong loob ng resto. Nakaputi na polo shirt, nakashorts, at espadrille. May dalang laptop at Iphone. Yung tipong Luis Manzano ang dating.

Pagkatapos makahanap ng pwesto ay tumawag ng waiter ang Conyo. At pagkatapos tumambay ng 30 minutes ay saka pa lang umorder ang Probinsyano at tumawag din ng waiter.

“Excuse me, can I have a steak and mushroom soup please?”, sabi ng Conyo.

Pagkatapos ilista ng waiter ang order ay tinawag din ng Probinsiyano ang parehong waiter.

“Psst, pssssst, oo ikaw, halika ka dito”, ang sabi niya. At dahil hindi niya alam kung ano ang nasa menu, dugtong niya. “Bigyan mo ako nang katulad ng order niya”, sabay turo kay Conyo. Napatingin ang waiter sa Conyo at umalis.

Dumating ang order pagkatapos ng 25 minutes. Samantala, surf lang sa laptop si Conyo at buraot naman sa kahihintay si Probinsyano habang inaabangan ang susunod na galaw ni Conyo.

Kinuha ni Conyo ang table napkin at nilagay sa kandungan niya. Sa kabilang table, ay kinuha din ni Probinsyano ang table napkin at ginaya ang galaw ni Conyo.

Inabot ng kanang kamay ng Conyo ang bread knife at tinidor sa kaliwa. Hiniwa ang steak at dahan-dahang nginuya. Masusing nagmasid si Probinsyano kung paano ginawa ito at saka ginaya.

Sa lahat ng ito ay civil lang si Conyo habang at home na at home si Probinsiyano. Kulang na lang ay itaas niya ang dalawang-paa sa upuan at parang bahay na niya ang resto.

At sa pangdesert, habang nag-post ng status sa Facebook, ay umorder ng cheesecake si Conyo na sinabayan din ni Probinsyano.

Sa huli, ay kumuha ng "kung-ano" si Conyo sa isang maliit na dispenser sa taas ng table at bahagyang tumalikod habang tinatakpan ang bandang bungaga.   

Dahil doon, hindi makita ni Probinsiyano kung ano na ang nangyari at hindi alam kung anong kinuha at ginagawa ni Conyo. Pero dahil sosyal siya, para hindi mahalata na walang alam sa dining manners at dapat cool pa rin ay kinuha  rin niya yung "kung-ano", tumalikod at tinakpan ang mukha.

Pagharap ni Conyo ay binalot niya sa tissue ang something at tinapon sa malapit na basurahan.

Pagharap naman Probinsiyano ay bumulaga sa kanya ang dugo na galing sa bunganga. Ang something ay sumabit sa kanyang ipin.  Dahilan na mapunta sa kanya ang attensiyon ng lahat. Sa halip na ibalot ng tissue ang something, binalot niya ang kanyang mukha sa hiya.

Kawawang Probinsyano hindi pala alam kung paano gamitin ang toothpick. Hindi rin niya alam kung para saan ito.

Sosyal nga si Conyo pero sosyal din si Probinsiyano. Ngayon, sino ang totoong sosyal?

Tuesday, March 29, 2011

Kwentong Galit

Eksena: Apat na travel specialist sa 5th floor ng isang call center sa tapat ng RCBC. Katatapos lang ng mga call nila. Indiyano daw kausap. Irate callers daw. Naglabas ng sama ng loob.


Location: Smoking area sa tapat ng Mcdo.

Boy Irate 1 nag-intro. Hindi maka-move on. Aligaga pa rin.

Boy Irate 1: Pusang gala pre! Uminit ulo ko doon sa kausap ko. Pusang gala naman o! Name correction ang issue. Alam mo anong airline? Walang hiya, Barracuda Airlines. Check ko, sila nag-book. Policy ng ticket changes not permitted. Saan ka pa? Pre, kasalanan daw natin. Iniiba daw natin yung name nila after ma-book. Sino ba naman matutuwa sa name na Suckdeep Vasim? Ang tama daw na name ay may H sa gitna para hindi malaswa. Dapat daw Suckhdeep Vasim. Linsyak na yan. Pakshet, isang oras pa ang hold-time sa airline. Eh ayaw niya maghung-up hanggat hindi ko natatawagan ang airline. Sa sobrang tagal, ayun nadisconnect din. Document ko na lang na tinawagan ko siya at voicemail lang.

Natapos din ang speech niya. Sumagap ng hangin at hinithit ang yosi.

Boy Irate 2: Ah si Suckdeep? Aligaga ka rin pala eh. Napunta sa akin yung call mo. Natawa ako sa name pre, pero hindi ako natuwa sa case mo. Ginawa ko, contact ko support desk sa Vegas. Tea leaf pare. Tagal din ng process na yun. Ang ending pusang gala, Suckdeep talaga pre. Walang H. Sabi ko, correct ko na lang ang TSA info (yung sa flight security info para makapasa sa TSA security) pero no guarantees. Ang loko, lalong nagalit. Sinabi ko, sir ito po yung nilagay niyo. Anak ng tapa, sabi niya tawagan ko daw ang airline baka may magawa. E di hold ko siya, isang oras hold time. Disconnect siya. Document ako.

Huminga din si Boy Irate 2 pagkatapos ng isang mahabang talumpati na puro mura at hinanakit ng biglang dumating si Boy Irate 3 na medyo natimbrehan ang pinga-uusapan.

Boy Irate 3: E aligaga pala kayo eh. Nakuha ko ulit si Suckdeep na yan. Makulit pa sa konduktor ng bus eh. Nagpapacancel pre at nagpapa-refund. Pusang gala naman oh. Changes not permitted, non-ref pa ang ticket. Anong laban mo doon? Pinahanap sa akin ang rules sa website. Ang kaso wala nakalagay doon na non-ref. Changes not permitted lang. Para makalusot lang, explain ko na dahil changes not permitted kaya hindi pwede galawin ang ticket. Pre matigas ang mukha, hi-nold ako at sabi tatawagan daw yung abogado niya. Akala ko saglit lang pero bumalik after 5 minutes at hi-nold ulit ako. Di na bumalik after 5 minutes, ghost spiel na ako.

At parang natuwa si Boy Irate 3 dahil nakalusot nang biglang dumating si Boy Irate 4 na nag-aalburoto sa galit.  

Boy Irate 4: Mga damuho kayo. Dead-end na yung case sa akin. Walang hiyang Suckdeep na yan. Sa dami na pwede pangalan bakit Suckdeep pa ang pusang galang napili. P@#!&*%$ i^!% naman oh. QA day ko pa naman pre. Bait-baitan ako. “How are you doing?” pa nga lang nasabi ko “get me a manager” agad banat niya. Ayon escalate. Ang hold time? One hour. At ang pinakamatindi si _____ pa ang nakuha ko. Linshak, sira AHT ko. Pagminamalas ka ng naman o!

Boy Irate 1, 2, at 3 sabay-sabay na nagsalita. “Tapos ka na sa vent-out mo? Tara na”, tanong nila.

Sabay ding umakyat ang mga irate na travel specialist na parang walang nangyari. Back to work.

Sa isip nila, sana hindi na tumawag ang Suckdeep na yan at ano kaya nangyari sa escalation call?

Next agent, you know what to do.


Monday, March 21, 2011

Anti-PDA o Bading


Dear Boy Lapot,


Kamusta ka na? Ako nga pala si Lita ng QC. Nakakatuwa naman po ang blog mo. Natatagpuan ko na lang po ang sarili kong tumatawang mag-isa habang binabasa ko ang blog ninyo.

Sumulat po ako para humingi ng payo. Matagal na po kami ng boyfriend ko. Siguro mga one-month na. Parati po kaming magkasama, after ng trabaho niya at tuwing weekends. Wala naman pong problema sa ugali niya kasi mabait at caring naman po siya. Ang hindi ko lang po maunawaan ay tuwing hahawakan ko po ang kamay niya eh parang umiiwas po siya. Tuwing hahalikan ko po siya ay lagi siyang umiilag. Parang ayaw niya po na nilalambing ko siya. Ano po ang gagawin ko?


Always, 

Lita
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Dear Lita,
 
Salamat sa suporta. Ang iyong pagtawa mag-isa ay limitahan baka mapagkamalan kang sira-ulo. Ayokong ako ang maging dahilan. Pero maraming salamat sa pagbabasa.

Una, Lita ng QC, aligaga ka rin ano. Ang mga ginagawa mo ay dapat na sinisimulan ng lalaki. Dapat lalaki ang nag-eefort na gumagawa niyan. Okey lang maging malambing ka. Para sa akin kasi dapat ang lalaki ang nanunuyo kahit in nature ay hindi talaga sila showy. 

Pangalawa, hindi kaya bading yang boyfriend mo? Kasi ikaw na nga yung hahalik siya pa ang ayaw. Kung baga, palay na nga ang lumalapit sa manok. Pambihira naman ang damuhong niyan.

HHWWPSSP
Pangatlo, hindi kaya anti-PDA( Public display of affection) lang talaga siguro ang boyfriend mo. O baka siya yung president laban sa HHWWPSSP.  OO, hindi typo error yan. HHWWPSSP = Holding hands while walking Pa-sway sway pa. Yung mga katulad sa mga pelikula nina Jolens at Marvin Augustin.

Panghuli, ang one month-relationship ay hindi matagal. Aligaga ka rin eh. Kaya, kausapin mo siya. Bago pa lang kayo sa magulong mundo ng pag-ibig. Alamin mo bakit ayaw niyang mag-holding hands. Baka naman may galis ang kamay niya. Alamin mo kung bakit ayaw niya ibalik ang halik mo o umiiwas siya baka hindi lang siya nagsipilyo. May rason yan eh. At kung positive na anti PDA siya ay unawain mo na lang. Baka may iba siyang paraan. Tulad na lang ng pagbigay sa iyo ng love letter, pagpapadala ng roses at pagbabalot ng chocolates. Pero kung confirmed na miyembro siya ng pederasyon ay girl alam mo na ang gagawin. Echosera ka!

May mas lalapot pa ba,

Boy Lapot

Wednesday, March 16, 2011

Si Chloe


Ang hugis ng kanyang mukha ay katulad nang kay Heart Evanghelista.

Gawa sa bituin ang kanyang mata. Kumikinang. Kumikislap.  Ang tangos ng kanyang ilong ay parang inukit ng iskultor. Ang kanyang ngiti ay parang panlunas sa stress na hatid ng mga irate callers. Maihahantulad sa pulang mansanas ang kulay ng kanyang labi na sa tuwing siya ay magsalita ay parang mahahalina kang kumagat (sa mansanas). Ang kinis at puti ng kanyang balat ay kasim-puti ng ulap at parang sa gatas siya naliligo. At di na kailangang ipagmayabang ang kanyang katawan dahil suki ito sa titig at panuri ng lahat.

Siya si CHLOE.  Napapatigil ang sino mang kanyang madaanan.
 
Isang araw sa isang sosyal na restaurant sa Makati.

Nagpaalam si Chloe sa kasama para mag-restroom pagkatapos mag-order. Siguro para magre-touch. Manager ng isang call center account ang masuwerteng damuho pala ang ka-date niya.

Samantala, sa restroom.

Papasok pa lang si Chloe ay dumapo na agad ang mapanuring tingin ng mga babae. Ang titig nila ay parang X-ray machine. Tumatagos. Ulo hanggang paa. Mababakas sa kanilang mata ang inggit na may paghanga. Napansin nila ang kaseksihan nito dahil sa pink mini-skirt niya.

Pero dinedma sila ni Chloe. Hindi nagsalita. Taas-noo, dumerecho ang magandang babae sa bakanteng cubicle sa dulo. Bago simulan ang ritwal ay sinigurado niya muna na wala nang tao sa labas. Bahagya niyang binuksan ang pinto para sumilip. At wala na ngang tao dahil tahimik na. Napahinga siya ng malalim.

Sinimulan ang ritwal.  

Sa isang saglit sa gitna ng kanyang ritwal, may pumasok na tatlong babae. Lasing at ang isa sa kanila ay nasusuka. Dahil sa bilis ng mga pangyayari, dumerecho siya sa pinakadulong cubicle para doon sana ibuhos ang sama ng tama ng alak.

Pero sa halip na iluwa ay parang bumalik ang lahat na dapat isuka dahil sa kanyang nakita.. Ang dalawang umaalalay sa kanya ay tumambling sa nasaksihan.

Si Chloe nakatayong umiihi. Nanginginig pa, pagkatapos.
Hindi po yan si Chloe
Si Chloe ay si Carlo pala. Kawawa, hindi niya pala na-lock ang pinto pagkatapos niyang sumilip para i-secure ang lugar.