Sunday, June 29, 2014

Pogi Problems

Lord, wish ko sana maging gwapo ako kahit one day lang. Hirap po kasi kapag araw-araw.

Hindi ko talaga maitatangi. Sabi kasi ng nanay ko, pogi daw ako. Sa nanay ko na mismo nanggaling yun. Sino ba dito ang hindi naniniwala sa mga sinasabi ng nanay nila? I mean, may nanay bang gustong saktan ang damdamin ng kanilang anak.

Si Idol Empoy, ang tunay na Pogi. Pix taken from his Facebook fan page.
At sa tuwing may chiks na magtatanong ng direksyon sa akin, lagi na lang sinasabi na “Psst, pogi alam mo ba kung paanong pumunta ng Ayala Avenue?” Wala lang sa akin ang ganitong eksena. Di ko na binibigyan ng malisya ang mga ganitong klaseng paghanga sa akin. Normal na nangyayari sa araw-araw na buhay ko ito.

Pero sobra na. Pati ba naman sa simbahan, di ako tinantanan. Yung mga girls, sinasadyahang tabihan ako para kapag “Ama Namin” ay mahawakan ang kamay ko. Wow, ninja moves. Sige, take advantage niyo pa ako. Magpaparaya ako sa kagustuhan nyo.  

Di pa natapos ang kalbaryo ko sa buhay. Kapag naglalakad naman ako sa barangay namin, kahit bulong lang ay nababasa ko pa rin sa mata ng mga bata ang ibig nilang sabihin: “Ate yung crush mong pogi, dadaan na”. Please naman girls tantanan nyo na ako. Bigyan nyo naman akong ng privacy. Bibili lang ako ng mantika sa tindahan, magpapa-autograph pa kayo.

Noong summer ng third year high school, sobrang na-depressed talaga ako.  Nalaman ko na sinagot lang pala ako ng girl para manalo sa pustahan ng papogi-an ng boyfriend. Sabi niya sa akin noong nanliligaw pa lang siya: “Sa pogi mo nyan, wala ka pang girlfriend?” Alam kong binobola niya lang ako. Eto yung kalimitang linya ng mga babae kapag gusto nilang ligawan ko sila. Wag ako, please iba na lang. Natrauma na ako sa mga ganyang diskarte nyo.

Gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Kaya simula ng magkaroon ako ng mga ganitong problema, tsaka nauso ang salitang Pogi Problems. 

Thursday, June 26, 2014

Maamo

Nakaugalian ko ng tingnan muna ang sasakyan ng aming amo bago pumasok sa opisina. Dalawang bagay lang kasi ang pwedeng mangyari. Una, kapag andiyan ang sasakyan niya siguradong may nagbabadyang di magandang kaganapan. Pangalawa, kapag wala naman siguradong may nagbabadyang di magandang kaganapan. Teka, parang inulit ko lang ah. Kasi kahit andiyan siya o wala, hindi talaga kaaya-aya ang nangyayari.

Sa katunayan, 9 out10 na empleyado dito may poot sa damdamin tungo sa kanya. Mga bitter lang, mga sawi sa pag-ibig. Kahit kalahi mismo niya ay nababahuan sa pag-uugali niya. Kaya yung isa sa sampu na yan, sarap sampal-sampalin ng alpombra ang mukha sa sobrang sipsip.

Mismo sa araw na nagkaroon ako ng trabaho, eto na lagi ang tanong ko. Bakit nakakatakot ang mga amo? Lalong pinagtibay ng pelikulang Horrible Bosses ang mga paratang ko sa kanila pero sa nakakatawang paraan. Pero bakit ganoon ang imahe ng mga amo: malupit, salbahe, matanda - kung minsan panot, suplado, kuripot, may mata sa likod, late pumapasok, aga naman umuuwi, bastos, laging nagpapatimpla ng kape at malaki ang tyan. Uulitin ko, bakit sila nakakatakot hindi naman sila kapre o kaya aswang? Pero promise, di lahat sila, maliban doon sa dati kong amo. Medyo suplada ang peg pero hot. Laging naka skirt. Kung ganyan ba naman lahat ng amo eh, magpapa-alipin na ako.

Jollibee ang code naming mga pinoy dito sa kanya. Laki kasi ng tyan nya. Sigurado akong kapag nakatayo siyang derecho, di niya kita yung paa nya.  At pupusta ko pustiso ng lola ko, hirap na hirap tong magtali ng sintas ng sapatos niya. Di naman siya nakakatakot, sadyang malaking tao lang talaga siya. Sa tuwing pinapatawag nya ako sa office, limang beses muna ako magdadasal bago pumasok. Yung feeling na parang nakapako ang paa mo sa lupa. Di ka man lang makabuwelo. Sa isip ko, riot na naman tong utos niya. Tapos kapag binati mo ng “Good Morning, Sir,” ang sagot nya lagi, “What is good in the morning?” sabay sasayaw ng Ops Kiri Ops. Kapag nagsalita naman, walang emotion. Kung baga sa sentence, di mo alam kung exclamation point, comma, o period ang ilalagay mo sa dulo. Monotone.  Tapos imagine-nin mo yung mukha ni Jollibee na hindi ngumingiti. Di mo kasi alam kung galit, o nagjojoke lang ba siya o natatae na. Pokerface. Yung simula parati ng pangungusap niya ay “Bakit”. Sabi nila di naman sya graduate ng abogasya pero bakit kapag kausap mo siya, parang nasa upuan ka ng nasasakdal.

Kung ako ay magiging amo, ituturing kong kaibigan ang lahat ng empleyado. Hindi ko sila pangungunahan sa halip bibigyan ko sila ng layang magsalita, pumili at magdesisyon.  Kapag ako ang nasa taas, di ko hahamakin ang mga tao sa baba. Sa halip, aakayin ko sila paakyat ng hagdan. Kung magiging boss ako, ako lagi ang nasa unahan. Hindi ako uutos ng wala sa lugar. Tatayo ako sa aking inuupuan at magtitimpla ng kape. Kung ako ang maging amo mo, may libreng lunch araw-araw. Ipagpapatupad ko ang araw ng Miyerkules na Skirt Day sa lahat ng mga babaeng empleyado.

Sumilip ako sa blinds ng glass wall ng department namin at shit andoon yung sasakyan na. Mukhang alam ko na mangyayari sa araw na to.


Monday, June 09, 2014

Survival

Shout-out sa lahat ng mga malalakas ang loob na iwanan ang kanilang sariling anak para alagaan ang anak ng iba. Pagpupugay sa mga mga mangagawa nating nakabilad sa disyerto. Saludo ako sa tapang ng ating guro, nars, doktor, karpintero, inhinyero, taga-masahe, barbero at nagpapataya ng ending na mas pinili ang mangibang bansa. Iisa ang dahilan: Yun ang trip nila, pakialam natin. Walang biro, ang totoong rason nyan ay ang guminhawa ang buhay sariling pamilya.

Sabi nila may Pinoy sa bawat sulok ng mundo kahit sa Iceland, kaya kung nasaan ka man ngayon kabayan “Mabuhay ka! Speaking of which, hindi ganoon kadali ang salitang yan kasi mahirap ang mabuhay na malayo sa kinagisnan mong kultura at uri ng pamumuhay. Maliban siguro sa klima, sa pagkain muna tayo maninibago. Heto ang ilan lang sa mga survival tips.

1. Marunong ka bang magluto? Aba, kung hindi ay mamatay ka talaga sa gutom. Kung aasa ka sa lang sa fast food, mauubos lang ang pera mo. Survival tips nga di ba! Huwag mong sabihing kahit ang pagprito lang, sunog pa. Oo masarap din ang pancit canton, pero nakakaumay din kapag araw-araw na lang. I admit, dito lang din ako natutong magluto. Sa araw-araw ko na pag-eensayo kasing galing ko na ngayon si Chef Boy Logro. Pwede rin matuto sa Youtube. Mandatory yan na kapag umalis ka sa poder ng magulang mo ay dapat ang pagluluto ang una mong minamaster hindi ang kalandian. 

2. Dapat marunong ka ring maglaba. Self-explanatory na to. Kasi kung hindi pa, mangagamoy Bombay ka tulad ng mga kasama ko dito na walang palit palit ng damit. Daming alam, maligo lang hindi. Boom Baho! Hindi ito ang ibig kong sabihin na survival kasi hindi ka talaga magsu-survive kapag naamoy mo ang kili-kili nila. Boom Baho talaga!

3. Recycle. Hindi basura ang tinutukoy ko dito. Ang ibig kong sabihin yung ulam mo sa gabi, pwede mong baonin/ulamin sa next meal. Ang pinaligo mong tubig, pwede mong panglaba, at ang tubig na pinangsipilyo mo ay derecho mo nang lagukin. Hehehe, wag gayahin mga bata. Sina Tito, Vic and Joey lang nakakagawa nyan. Ang ginagawa ng mga beterano dito, nagluluto sila ng madami sa gabe at kapag may sobra binabaon nila. At kapag Boom Panes na, iinitin lang ulit. Loko lang yung huli.

4. Mix n’ match. Yung blue mong long sleeve pwede mong i-pares sa black slacks. Yung black slacks i-partner mo sa white polo. White polo pares mo sa khaki pants. Tapos yung necktie ay ipagpalit-palit mo na lang depende sa lucky color mo sa Horoscope. 

5. Huwag masyadong gumimik ng madalas. Sabihin na natin na madalas na yung once a month, medyo pinipilit ka pa nyan. Ang konsepto ko ng nightlife dito ay manood ng mga anime series tulad ng One Piece at Naruto na may Doritos at Pepsi sa tabi (o may free advertisement pa). Sa Pinas, ang gimik ay pagkatapos ng shift. Alas otso ng umaga sa pinakamalapit na sisigan na may kasamang malamig na Red Horse.

6. Kapag nagro-grocery, gumawa ng listahan ng mga mahahalagang bagay na bibilhin tulad ng panghilod, arinola, dustpan at olive oil. Charot! Siyempre, unahin mo yung bigas, sabon, kape, asukal, tinapay, mga gulay-gulay at meat tulad ng manok at baka. Bili ka na rin ng Boy Bawang kapag may sobra.

7. Kung malapit lang ang pupuntahan, lakarin na. Dito, ang flagdown sa taxi, 120 pesos na sa pera natin. Safety advice: maging alerto kapag naglalakad. Tingin sa kaliwa, sa kanan at kahit sa likod baka  sinundan ka. Di bale na lang mapagkamalang paranoid kesa madukutan.

8. At pinakamatindi sa lahat - Mag-ipon. Kahit barya iponin pa rin. Una, baka may matipohan kang cellphone. Pangalawa, baka may matipohan kang DSLR. Pangatlo, baka may matipuhan kang Rolex, e di may pambili ka. Mag-ipon ka para pag-uwi mo may lechon, may banda na sasalubong sa yo. Tapos may inuman magdamagan at hanggang sa susunod na linggo pa. Unlimited Red Horse. Ang ibig kong sabihin mag-ipon ka para sa tuwing may gusto kang bilhin para sa pamilya mo, mabibili mo. Mag-ipon ka para oras ng kagipitan ay may madudukot ka. Gentle reminder lang, wala ang yaya, asawa o nanay mo para bantayan ka diyan.

At kung may alam kang sariling mong survival tips na wala sa listahan, share mo sa amin. Ikalat natin sa mga kababayan natin baka makatulong. Siyangapala, huwag kaligtaang magpadala tuwing sahod. Maraming sikmura ang nag-aabang.