Sunday, June 29, 2014

Pogi Problems

Lord, wish ko sana maging gwapo ako kahit one day lang. Hirap po kasi kapag araw-araw.

Hindi ko talaga maitatangi. Sabi kasi ng nanay ko, pogi daw ako. Sa nanay ko na mismo nanggaling yun. Sino ba dito ang hindi naniniwala sa mga sinasabi ng nanay nila? I mean, may nanay bang gustong saktan ang damdamin ng kanilang anak.

Si Idol Empoy, ang tunay na Pogi. Pix taken from his Facebook fan page.
At sa tuwing may chiks na magtatanong ng direksyon sa akin, lagi na lang sinasabi na “Psst, pogi alam mo ba kung paanong pumunta ng Ayala Avenue?” Wala lang sa akin ang ganitong eksena. Di ko na binibigyan ng malisya ang mga ganitong klaseng paghanga sa akin. Normal na nangyayari sa araw-araw na buhay ko ito.

Pero sobra na. Pati ba naman sa simbahan, di ako tinantanan. Yung mga girls, sinasadyahang tabihan ako para kapag “Ama Namin” ay mahawakan ang kamay ko. Wow, ninja moves. Sige, take advantage niyo pa ako. Magpaparaya ako sa kagustuhan nyo.  

Di pa natapos ang kalbaryo ko sa buhay. Kapag naglalakad naman ako sa barangay namin, kahit bulong lang ay nababasa ko pa rin sa mata ng mga bata ang ibig nilang sabihin: “Ate yung crush mong pogi, dadaan na”. Please naman girls tantanan nyo na ako. Bigyan nyo naman akong ng privacy. Bibili lang ako ng mantika sa tindahan, magpapa-autograph pa kayo.

Noong summer ng third year high school, sobrang na-depressed talaga ako.  Nalaman ko na sinagot lang pala ako ng girl para manalo sa pustahan ng papogi-an ng boyfriend. Sabi niya sa akin noong nanliligaw pa lang siya: “Sa pogi mo nyan, wala ka pang girlfriend?” Alam kong binobola niya lang ako. Eto yung kalimitang linya ng mga babae kapag gusto nilang ligawan ko sila. Wag ako, please iba na lang. Natrauma na ako sa mga ganyang diskarte nyo.

Gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Kaya simula ng magkaroon ako ng mga ganitong problema, tsaka nauso ang salitang Pogi Problems. 

No comments: