Nakaugalian ko ng tingnan muna ang sasakyan ng aming amo
bago pumasok sa opisina. Dalawang bagay lang kasi ang pwedeng mangyari. Una,
kapag andiyan ang sasakyan niya siguradong may nagbabadyang di magandang
kaganapan. Pangalawa, kapag wala naman siguradong may nagbabadyang di magandang
kaganapan. Teka, parang inulit ko lang ah. Kasi kahit andiyan siya o wala,
hindi talaga kaaya-aya ang nangyayari.
Sa katunayan, 9 out10 na empleyado dito may poot sa damdamin
tungo sa kanya. Mga bitter lang, mga sawi sa pag-ibig. Kahit kalahi mismo niya ay nababahuan sa pag-uugali niya. Kaya yung isa sa sampu na
yan, sarap sampal-sampalin ng alpombra ang mukha sa sobrang sipsip.
Mismo sa araw na nagkaroon ako ng trabaho, eto na lagi ang
tanong ko. Bakit nakakatakot ang mga amo? Lalong pinagtibay ng pelikulang Horrible Bosses ang mga paratang ko sa kanila pero sa nakakatawang paraan. Pero bakit ganoon ang imahe ng mga amo: malupit, salbahe, matanda - kung
minsan panot, suplado, kuripot, may mata sa likod, late pumapasok, aga naman
umuuwi, bastos, laging nagpapatimpla ng kape at malaki ang tyan. Uulitin ko,
bakit sila nakakatakot hindi naman sila kapre o kaya aswang? Pero promise, di lahat sila, maliban doon sa dati kong amo.
Medyo suplada ang peg pero hot. Laging naka skirt. Kung ganyan ba naman lahat
ng amo eh, magpapa-alipin na ako.
Jollibee ang code naming mga pinoy dito sa kanya. Laki kasi
ng tyan nya. Sigurado akong kapag nakatayo siyang derecho, di niya kita yung
paa nya. At pupusta ko pustiso ng lola
ko, hirap na hirap tong magtali ng sintas ng sapatos niya. Di naman siya
nakakatakot, sadyang malaking tao lang talaga siya. Sa tuwing pinapatawag nya
ako sa office, limang beses muna ako magdadasal bago pumasok. Yung feeling na
parang nakapako ang paa mo sa lupa. Di ka man lang makabuwelo. Sa isip ko, riot
na naman tong utos niya. Tapos kapag binati mo ng “Good Morning, Sir,” ang
sagot nya lagi, “What is good in the morning?” sabay sasayaw ng Ops Kiri Ops. Kapag
nagsalita naman, walang emotion. Kung baga sa sentence, di mo alam kung exclamation point, comma, o period ang ilalagay mo sa dulo. Monotone. Tapos imagine-nin mo yung mukha ni Jollibee
na hindi ngumingiti. Di mo kasi alam kung galit, o nagjojoke lang ba siya o natatae na.
Pokerface. Yung simula parati ng pangungusap niya ay “Bakit”. Sabi nila di
naman sya graduate ng abogasya pero bakit kapag kausap mo siya, parang nasa
upuan ka ng nasasakdal.
Kung ako ay magiging amo, ituturing kong kaibigan ang lahat
ng empleyado. Hindi ko sila pangungunahan sa halip bibigyan ko sila ng layang
magsalita, pumili at magdesisyon. Kapag
ako ang nasa taas, di ko hahamakin ang mga tao sa baba. Sa halip, aakayin ko
sila paakyat ng hagdan. Kung magiging boss ako, ako lagi ang nasa unahan. Hindi
ako uutos ng wala sa lugar. Tatayo ako sa aking inuupuan at magtitimpla ng
kape. Kung ako ang maging amo mo, may libreng lunch araw-araw. Ipagpapatupad ko
ang araw ng Miyerkules na Skirt Day sa lahat ng mga babaeng empleyado.
Sumilip ako sa blinds ng glass wall ng department namin at shit andoon yung sasakyan na. Mukhang alam ko na mangyayari sa araw na to.
Sumilip ako sa blinds ng glass wall ng department namin at shit andoon yung sasakyan na. Mukhang alam ko na mangyayari sa araw na to.
No comments:
Post a Comment