Shout-out sa lahat ng mga malalakas ang loob na iwanan ang
kanilang sariling anak para alagaan ang anak ng iba. Pagpupugay sa mga mga mangagawa
nating nakabilad sa disyerto. Saludo ako sa tapang ng ating guro, nars, doktor,
karpintero, inhinyero, taga-masahe, barbero at nagpapataya ng ending na mas pinili ang mangibang bansa. Iisa ang dahilan: Yun ang trip nila, pakialam natin. Walang
biro, ang totoong rason nyan ay ang guminhawa ang buhay sariling pamilya.
Sabi nila may Pinoy sa bawat sulok ng mundo kahit sa
Iceland, kaya kung nasaan ka man ngayon kabayan “Mabuhay ka! Speaking of which,
hindi ganoon kadali ang salitang yan kasi mahirap ang mabuhay na malayo sa
kinagisnan mong kultura at uri ng pamumuhay. Maliban siguro sa klima, sa pagkain
muna tayo maninibago. Heto ang ilan lang sa mga survival tips.
1. Marunong ka bang magluto? Aba, kung hindi ay mamatay ka talaga sa gutom. Kung aasa ka sa lang sa fast food, mauubos lang ang
pera mo. Survival tips nga di ba! Huwag mong sabihing kahit ang pagprito lang, sunog
pa. Oo masarap din ang pancit canton, pero nakakaumay din kapag araw-araw na lang. I admit, dito lang din ako natutong magluto. Sa araw-araw ko na pag-eensayo
kasing galing ko na ngayon si Chef Boy Logro. Pwede rin matuto sa Youtube. Mandatory yan na kapag umalis ka sa poder ng magulang mo ay dapat ang pagluluto ang una mong minamaster hindi ang kalandian.
2. Dapat marunong ka ring maglaba. Self-explanatory
na to. Kasi kung hindi pa, mangagamoy Bombay ka tulad ng mga kasama ko dito na
walang palit palit ng damit. Daming alam, maligo lang hindi. Boom Baho! Hindi
ito ang ibig kong sabihin na survival kasi hindi ka talaga magsu-survive kapag naamoy mo ang kili-kili nila. Boom Baho talaga!
3. Recycle. Hindi basura ang tinutukoy ko dito. Ang
ibig kong sabihin yung ulam mo sa gabi, pwede mong baonin/ulamin sa next meal. Ang pinaligo mong tubig, pwede mong panglaba, at ang tubig na pinangsipilyo mo ay derecho mo nang lagukin. Hehehe, wag gayahin mga bata. Sina Tito, Vic and Joey lang nakakagawa nyan. Ang
ginagawa ng mga beterano dito, nagluluto sila ng madami sa gabe at kapag may
sobra binabaon nila. At kapag Boom Panes na, iinitin lang ulit. Loko lang yung
huli.
4. Mix n’ match. Yung blue mong long sleeve pwede
mong i-pares sa black slacks. Yung black slacks i-partner mo sa white polo.
White polo pares mo sa khaki pants. Tapos yung necktie ay ipagpalit-palit mo na
lang depende sa lucky color mo sa Horoscope.
5. Huwag masyadong gumimik ng madalas. Sabihin na
natin na madalas na yung once a month, medyo pinipilit ka pa nyan. Ang konsepto
ko ng nightlife dito ay manood ng mga anime series tulad ng One Piece at Naruto
na may Doritos at Pepsi sa tabi (o may free advertisement pa). Sa Pinas, ang
gimik ay pagkatapos ng shift. Alas otso ng umaga sa pinakamalapit na sisigan na
may kasamang malamig na Red Horse.
7. Kung malapit lang ang pupuntahan, lakarin na.
Dito, ang flagdown sa taxi, 120 pesos na sa pera natin. Safety advice: maging
alerto kapag naglalakad. Tingin sa kaliwa, sa kanan at kahit sa likod baka sinundan ka. Di bale na lang mapagkamalang paranoid
kesa madukutan.
8. At pinakamatindi
sa lahat - Mag-ipon. Kahit barya iponin pa rin. Una, baka may matipohan kang
cellphone. Pangalawa, baka may matipohan kang DSLR. Pangatlo, baka may
matipuhan kang Rolex, e di may pambili ka. Mag-ipon ka para pag-uwi mo may
lechon, may banda na sasalubong sa yo. Tapos may inuman magdamagan at hanggang
sa susunod na linggo pa. Unlimited Red Horse. Ang ibig kong sabihin mag-ipon
ka para sa tuwing may gusto kang bilhin para sa pamilya mo, mabibili mo. Mag-ipon
ka para oras ng kagipitan ay may madudukot ka. Gentle reminder lang, wala ang
yaya, asawa o nanay mo para bantayan ka diyan.
At kung may alam kang sariling mong survival tips na wala sa listahan, share mo sa amin. Ikalat natin sa mga kababayan natin baka makatulong.
Siyangapala, huwag kaligtaang magpadala tuwing sahod. Maraming sikmura ang
nag-aabang.
No comments:
Post a Comment