Tuesday, February 18, 2014

Gitnang Silangan

So pagkatapos ng isang taon sa Saudi, ano ang aking napala?

Sagot ko noon sa teacher ko nang tinanong ako tungkol sa pangingibang bansa, ang mayabang kong sagot ay hindi. Sabi ko “Never, over my dead body”. Charot lang. Nasambit ko na mas pipiliin kong magtrabaho sa bansa natin at makasama ang aking pamilya. Kahit payak lang basta buo.

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko at muntik pa akong mabulunan. Minsan talaga, may pagkakataon na magdedesisyon ka sa buhay mo kung ano ang mas mabigat: yung isang kilong cotton o isang kilong pako. Siyempre ang daling sagutin di ba? Ang ibig kong sabihin ay maiiwan ka ng walang option. No choice.  Eto ang eksena: Buntis ang asawa mo at na-CS. May hinuhulugan kang bahay. Marami kang utang. At apat na lang ang natira mong buhok sa bangs, nalagas pa yung isa.

Pero bakit Saudi? Eh, sa gusto kong sumakay ng camel. Eh, gusto kong mawasak ang pwet ko. Hahahaha.

Pero bakit hindi? Malaki ang offer. Walang tax. Libre ang accommodation. Maraming bawal. Bawal ang sugal, inum, at babae. Walang nightlife equals malaking ipon. Eh yun naman talaga ang purpose di ba, ang makaipon at makapundar. Ang mabuo ang tagpi-tagping mga pangarap.

Sa pagkape-kape ko mag-isa tuwing umaga, minsan naiisip ko na blessing na rin kung maituring ang paglaklakbay ko dito sa kaharian ng buhangin. Akalain mong kelangan ko pang mag-Saudi para makapunta ng Italy at Austria. Dito rin ako unang nanalo sa mga pa-raffle raffle na yan. Sa Pinas, kahit sa ending di ako manalo-nalo. Kahit sa jack-en-poy malas din.

So ano nga ba napala ko kapalit ng lungkot sa ibang bansa? Well, naturn-over lang naman sa akin yung minimithi kong bahay at lupa. Nabawasan ang milyones kong kautangan. Si baby nag-first birthday sa Jollibee. Naranasan ang pagcheck-in sa 5-Star hotel. Nakatikim ng putahe ng at nakapunta sa iba’t ibang bansa. Nagkaroon ng gintong Ipad. Nakabili ng sariling helicopter at nagpagawa ng helipad. Ok, ok, yung huling dalawa ay kukuwento ko na lang sa pagong.

Kaya sige kahit malungkot at mahirap, isang taon pa ulit dito sa Gitnang Silangan. Malay mo, makauwi ako ng camel this year.

No comments: