Tuesday, February 25, 2014

Si Tatang

Lumaki ako na may galang sa mga matatanda o sa nakakatanda. Matik, tuwing ala-sais ng hapon, nagmamano kami sa aming mga lolo at lola. Gumagamit kami ng po at opo kapag nakikipag-usap sa kanila. Isinasapuso ang mga payo at gintong tagubilin nila.

Dito sa tinutuluyan kong brand new apartment with free sim card ay may kasama kaming matanda. Sinabi kong matanda kasi meron na syang puting buhok at ang favorite singer nya ay si Victor Kahoy. Ilonggo sya pero wala sya itsura nya ang pagiging malambing. Judgemental lang ang peg. Isa daw syang accountant at hawak nya sa leeg ang kanyang amo. Yung pangalawang sinabi ko, hindi totoo yun. Matagal na sya dito, almost 15 years na. Naks, tibay ni Tatang. Isa kang tunay na bayani. Ako nga, kaka-isang taon pa lang para ayoko ng bumalik.

Ito palang si Tatang ay sobrang fanatic kay Vice Ganda. Isang araw, japorms syang lumabas ng kwarto nya. Nakatuck-in hanggang dibdib at nakapomada kaya tinanong ko sya, “O Kuya, saan punta?” “Tapon basura”, sagot nya. Siyempre, hindi nangyari iyon. Dahil nga sa kakanuod nya ng It’s Showtime, eto ang totoong naganap. “Aga mo kuya ah, papasok ka na ba?” Sagot nya, “Ah hindi, pupunta ng lamay. Kita mong papunta na ako ng office, tapos tatanungin mo pa ako. Siyempre, papasok na”. Nagulat ako. Parang di naman sya ganoon sumagot sa iba naming kasama. Kumulo ang dugo ko, pwede ka na ngang magtimpla ng kape sa sobrang init. Pero dahil nga may galang ako sa matanda, sige pass muna.

Pero parang pelikula, nagkaroon ng part 2. Sanay kasi akong magtanong para ‘to break the ice’ ika nga. Magbabakasyon kasi sya at parang binati ko lang na, “Saan ka magpapasko kuya?” “Sa Europe. Alam mong uuwi ako di ba, e di sa Pinas”. Sa isip ko, baka sa probinsya at hindi sa Maynila. Napa-cartwheel ako sa sagot nya. Maldita kang damatands ka!

Akalain mo may ganoon palang matanda. Kagalang-galang di ba! Kay Vice bagay pero sa kanya parang overacting na Chikito na sinapian ni Bella Flores. Uulitin ko, parang Market Market, may galang ako sa mga matatanda. Sige pass muna ulit.

Tsaka sobrang din syang madada. Totoo nga sabi nila na ang mga taga-Negros, tikalon (Ilonggo word, research nyo na lang). Gusto nya sya lagi ang bida sa kwentuhan. Gusto ko sana ikwento sa kanila ang Alamat ng Langgam pero nasapawan ako ng kwento nya tungkol sa history. Yung araw ng pakikidigma ni Lapu-lapu kay Magellan. Ganyan sya ka antigo. Andoon nga sya sa picture noong pinako si Hesus sa krus. Kaya kapag may chikahan session na sa bahay, mata ko na lang gumagalaw.

Labag man sa aking kalooban, kinikimkim ko ang lahat ng galit. Kaya minsan, habang naglalakad, pinatid ko nga sya. Noong tulog, nilagyan ko ng earplugs yung ilong nya at gamit ang uling minarkahan ko ng X yung mukha. Tapos binudburan ko ng maraming asin yung nilutong nyang sinangag. One time, pumasok ako sa kwarto nya at nilagyan ko ng hollow blocks yung office bag nya. Yung sinampay nya, inutotan ko. At kapag sumagot ulit sya ng pabalang, pagsasampalin ko sya ng betlog ko. Yun lang takot akong gawin lahat ng ito kaya ikukwento ko na lang sa pagong.

Mabait naman sya kung sa mabait. Kung bibigyan nga sya ng award, hindi lang Most Behave, “Best in Honest” pa sya sa school. Nagsi-share din naman sya ng food at minsan nanglibre ng pizza.  At...at… at yun lang. Wala na akong maisip eh.

Ngayon, for world peace, di na ako unang nagsasalita kapag nagkikita o nagkakasalubong kami. Di na rin akong nagre-rebut sa mga bara nya sa akin. Promise ko, di ako magiging katulad nya pagtanda. Ano na lang sasabihin ng mga apo ko, "Wala kayo sa lolo ko, sobrang fan ni Vice Ganda yun" o kaya "Wala kayo sa lolo ko, sobrang madada yun". Nakaka-turn off. Hahaha. 

No comments: