Sunday, October 12, 2014

Royal True Orange

Sabi nila, you can be whatever you want. Pwede kang maging doktor, pwedeng kang maging teacher, nars, ehinyero, arkitekto, karpentero o manikurista. Walang pipigil sa iyo kung gusto mong maging makisig na sekyu, ispirista, janitor, sepulturero o tanyag na tambay. O kaya maging pintor, masigasig na taga bukas ng lata, tirador ng kaning lamig at higit sa lahat pwede kang magbalat ng patatas.

Ang mangarap ay isa sa mga regalo ni Boss sa atin. Libre lang ito kaya lubusin mo na. Find out who you are and do it on purpose. Noong ene-chos ako ng guro ko na magaling daw akong magsulat, sineryoso ko naman. Kinabukasan, nagpasa ako ng aking sinulat pero bago natanggap bilang contributor sa literary page ay sandamakmak naman na kritiko ang nataggap ko mula kay Mam. Sa sobrang galing ko, hindi na ako tinatanggap sa hospital. Loko lang. Sabi niya "Kung magbigay ako ng sample sa klase, sample lang iyon at wag mong gayahin". Gabay mo lang ito para lumikha ka ng sariling mong katha. Doon nagbukas lahat ng gateway sa utak ko. Parang mga dam sa Maynila sa tuwing may malakas na ulan. Na-inspire ako doon kaya sinabi ko sa sarili na gusto kong magbalat talaga ng patatas.

Naalala nyo ba, bago kayo magtapos ng highschool ay may mga bumibisita na mga institusyon at mga University Schools sa school nyo? Small talk para tulungan kayo madesisyon ng kurso sa kolehiyo. Bale eto yung finale sa mga tanong sa atin simula Grade 1 na “What do you want to be when you grow up?” Di ko na sineryosong pinakinggan kasi buo na ang loob ko: Gusto kong magbalat ng patatas.

Bale ang unang plano talaga sa napagdesisyonang brainstorming ng pamilya ay Nursing. Kaso epic fail kasi di covered ng scholarship program. Pero parang ginto na kumikinang nang makita ko ang Mass Communications doon sa listahan. Nagpunta agad sa future ang utak ko. Kasabay ko daw nagtatrabaho sina Quinito Henson at Ronnie Nathanielsz sa Phillipine Daily Inquirer. Di na ako nagtatlong isip. Nag-major agad ako ng Journalism.

Kung pinilit ka nilang mag-Nursing pero ang gusto mo talaga ay maging artista, okey lang yun. Tapusin mo ang pag-aaral at mag-audition ka. Wag mong pilitin ang sarili mo sa hindi mo kaya. Ikaw yan eh, di yan sila. Kung pi-nush ka ng ate mo maging guro pero ang hilig mo talaga ay magkulot ng buhok, aba push pa naten yan teh. Go lang ng go ateng. Kung Medical School naman ang nabagsakan mo noong pero gusto mo talaga ay photography, no problem. Mag-aral ng mabuti at kapag may trabaho na mag-ipon pambili ng SLR at prime lens. Sabay apply photographer ng FHM - *ngiting-aso*.

The best part of you is that you are not someone else. You are original. You are you. Ang mga salitang ito ay laging baon ko sa kolehiyo. Hanggang ngayon patuloy ito na naging anting-anting ko.

Ang ibig kong sabihin ay huwag mong hayaan na hindi gawin ang bagay na gusto mo na alam mong maging masaya ka. Ako nga sikat na nagbabalat ng patatas ngayon pero naglaan pa rin ako ng panahon para magsulat. Kasi ito ang gusto ko.

Tuesday, October 07, 2014

Sayang

Nakita mo yung pangarap mong sapatos na naka-50% discount sa isang mall. Pinag-ipunan mo ng isang linggo. Walang kain-kain. Walang gimik-gimik. Pagbalik mo, sold out na. Shetness to the maximum level, nakakadurog ng puso. Sayang.

Meron kayong high school reunion pagkatapos ng labinlimang taon. Di ka pumunta kasi sabi mo “Gastos lang yan!” Di ka sumipot kasi nga baka di ka naman mag-eenjoy. Kinabukasan nakita mo sa Facebook, nandoon pala yung crush mo. Napangiti ka na lang. Sayang naman.

May nagsabing magaling kang magsulat. Naging taga-hanga mo siya at gusto nyang suportahan ang mga gusto mong gawin sa buhay. Nagrequest siya na kunin yung libro na sinulat nya at basahin kaso tinamad ka. Nalaman mo marami pala siyang pinapaaral sa US. Sayang nasa US ka na sana.

Nagplano kayo na abangan ang meteor shower na once in 100 years lang lumalabas. Nagset-up na kayo ng camp. May nagdala na rin ng pagkain. Kaso biglang sumakit ang tyan mo at chumurvaks muna. Pagbalik mo, nagliligpit na mga kasama mo. Namiss mo yung palabas. Naikwento na nila yung pangyayari sa pagong. Sayang na sayang talaga.

Nag-apply ka sa isang malaki at kilalang kumpanya. Pagkatapos ng interview, tatawagan ka daw. Akala mo hindi ka natanggap kaya naghanap ka ng ibang kumpanya at doon nakapasa ka. Sa unang araw ng trabaho mo ay tinawagan ka ng nag-interview sayo at bibigay daw  sayo ang mataas na posisyon. Napatambling ka na lang sabay sayaw ng Chopeta sa sobrang panglulumo. Deym, sayang Manager ka na sana.

Pero ok lang yan. Kung tatanawin mo pabalik ang mga bagay-bagay na ito, malalaman mo kung bakit ito nangyari at ikaw lang may alam ng sagot. Life started billions years ago. Look, where we are at now! Naks, English yun ah. Ang ibig kong sabihin ay kung hindi man para sa iyo ang isang bagay, tanggapin mo at mag-move on. Ang kalaban mo ay oras. Di yan titigil para umiyak sa yo. Eto ang isipin mo: May laging nakalaan sa’ yo.

Teka…Tumigil muna ako at nag-isip. Kaya pala...Alam ko na kung bakit di kami nagkatuluyan ng high school crush ko. Kasi may nakalaan na para sa akin.

Tuesday, July 01, 2014

Pumapapel

Yung kaklase mong naka-graduate ng walang dalang notebook at papel since 1st year. Eto ang isa sa mga shining, shimmering, splendid moments niya.

“Okey, class we will have a quiz today. Get your ¼ sheet of paper and number it 1 to 10.”
“Tol, may papel ka ba diyan? Pahiram naman muna, balik ko bukas.”
“Ay tol, sorry ha last piece na to.”
“Grabe, ang damot mo naman.”

Ganito lagi ang eksena araw-araw kapag may surprise exam sa klase. Ikaw pa ang kontrabida. Ikaw pa ngayon ang may masamang ugali. Kung hindi papel ang wala, minsan ballpen. At ang matindi pa, pati notebook di nag-eexist sa kanya.

Sana makarelate ang mga bata ngayon, pero noong kapanahunan ko, which is 10 years ago, kinokopya namin yung sinusulat ng guro sa pisara. Yung mga nakasulat doon ay parang pilak, may halaga tuwing exam. Yung ilan kasi sa mga ito, di nakalimbag sa mga aklat na pinamamahagi ng paaralan. So ang stategy niya, hihiramin niya ang kwaderno mo at papa-xerox simula page 1 hanggang last page kung saan nakasulat ang pangalan ng crush mo. Copy-Paste. Hassle-free. Buhay hayahay.

Masusubukan ang Sharingan mo dito.
Bestfriend sila nitong kaklase mong may papel at notebook nga, pang-championship level naman kung mangopya. May sharingan ang mata. Kayang basahin kahit bakal na yung nakatakip sa papel mo. Sila yung nalimutang ihanay sa listahan ng mga super heroes. Bilis kasi ng reflexes at pang-amoy kapag nakitang padating na si titser. At ang mala-Game of Thrones na ending eh, mas mataas pa yung grades niya sayo. Kapag natiyempuhan kong mag-isa to sa bahay nila, kukulotan ko to at pagbubunutin ang kilay niya.

Kung wala kang ganyang kaklase, bumalik ka ulit sa skwelahan tapos kwentuhan tayo kasama ang pagong ko.

Sunday, June 29, 2014

Pogi Problems

Lord, wish ko sana maging gwapo ako kahit one day lang. Hirap po kasi kapag araw-araw.

Hindi ko talaga maitatangi. Sabi kasi ng nanay ko, pogi daw ako. Sa nanay ko na mismo nanggaling yun. Sino ba dito ang hindi naniniwala sa mga sinasabi ng nanay nila? I mean, may nanay bang gustong saktan ang damdamin ng kanilang anak.

Si Idol Empoy, ang tunay na Pogi. Pix taken from his Facebook fan page.
At sa tuwing may chiks na magtatanong ng direksyon sa akin, lagi na lang sinasabi na “Psst, pogi alam mo ba kung paanong pumunta ng Ayala Avenue?” Wala lang sa akin ang ganitong eksena. Di ko na binibigyan ng malisya ang mga ganitong klaseng paghanga sa akin. Normal na nangyayari sa araw-araw na buhay ko ito.

Pero sobra na. Pati ba naman sa simbahan, di ako tinantanan. Yung mga girls, sinasadyahang tabihan ako para kapag “Ama Namin” ay mahawakan ang kamay ko. Wow, ninja moves. Sige, take advantage niyo pa ako. Magpaparaya ako sa kagustuhan nyo.  

Di pa natapos ang kalbaryo ko sa buhay. Kapag naglalakad naman ako sa barangay namin, kahit bulong lang ay nababasa ko pa rin sa mata ng mga bata ang ibig nilang sabihin: “Ate yung crush mong pogi, dadaan na”. Please naman girls tantanan nyo na ako. Bigyan nyo naman akong ng privacy. Bibili lang ako ng mantika sa tindahan, magpapa-autograph pa kayo.

Noong summer ng third year high school, sobrang na-depressed talaga ako.  Nalaman ko na sinagot lang pala ako ng girl para manalo sa pustahan ng papogi-an ng boyfriend. Sabi niya sa akin noong nanliligaw pa lang siya: “Sa pogi mo nyan, wala ka pang girlfriend?” Alam kong binobola niya lang ako. Eto yung kalimitang linya ng mga babae kapag gusto nilang ligawan ko sila. Wag ako, please iba na lang. Natrauma na ako sa mga ganyang diskarte nyo.

Gusto ko lang naman ng simpleng buhay. Kaya simula ng magkaroon ako ng mga ganitong problema, tsaka nauso ang salitang Pogi Problems. 

Thursday, June 26, 2014

Maamo

Nakaugalian ko ng tingnan muna ang sasakyan ng aming amo bago pumasok sa opisina. Dalawang bagay lang kasi ang pwedeng mangyari. Una, kapag andiyan ang sasakyan niya siguradong may nagbabadyang di magandang kaganapan. Pangalawa, kapag wala naman siguradong may nagbabadyang di magandang kaganapan. Teka, parang inulit ko lang ah. Kasi kahit andiyan siya o wala, hindi talaga kaaya-aya ang nangyayari.

Sa katunayan, 9 out10 na empleyado dito may poot sa damdamin tungo sa kanya. Mga bitter lang, mga sawi sa pag-ibig. Kahit kalahi mismo niya ay nababahuan sa pag-uugali niya. Kaya yung isa sa sampu na yan, sarap sampal-sampalin ng alpombra ang mukha sa sobrang sipsip.

Mismo sa araw na nagkaroon ako ng trabaho, eto na lagi ang tanong ko. Bakit nakakatakot ang mga amo? Lalong pinagtibay ng pelikulang Horrible Bosses ang mga paratang ko sa kanila pero sa nakakatawang paraan. Pero bakit ganoon ang imahe ng mga amo: malupit, salbahe, matanda - kung minsan panot, suplado, kuripot, may mata sa likod, late pumapasok, aga naman umuuwi, bastos, laging nagpapatimpla ng kape at malaki ang tyan. Uulitin ko, bakit sila nakakatakot hindi naman sila kapre o kaya aswang? Pero promise, di lahat sila, maliban doon sa dati kong amo. Medyo suplada ang peg pero hot. Laging naka skirt. Kung ganyan ba naman lahat ng amo eh, magpapa-alipin na ako.

Jollibee ang code naming mga pinoy dito sa kanya. Laki kasi ng tyan nya. Sigurado akong kapag nakatayo siyang derecho, di niya kita yung paa nya.  At pupusta ko pustiso ng lola ko, hirap na hirap tong magtali ng sintas ng sapatos niya. Di naman siya nakakatakot, sadyang malaking tao lang talaga siya. Sa tuwing pinapatawag nya ako sa office, limang beses muna ako magdadasal bago pumasok. Yung feeling na parang nakapako ang paa mo sa lupa. Di ka man lang makabuwelo. Sa isip ko, riot na naman tong utos niya. Tapos kapag binati mo ng “Good Morning, Sir,” ang sagot nya lagi, “What is good in the morning?” sabay sasayaw ng Ops Kiri Ops. Kapag nagsalita naman, walang emotion. Kung baga sa sentence, di mo alam kung exclamation point, comma, o period ang ilalagay mo sa dulo. Monotone.  Tapos imagine-nin mo yung mukha ni Jollibee na hindi ngumingiti. Di mo kasi alam kung galit, o nagjojoke lang ba siya o natatae na. Pokerface. Yung simula parati ng pangungusap niya ay “Bakit”. Sabi nila di naman sya graduate ng abogasya pero bakit kapag kausap mo siya, parang nasa upuan ka ng nasasakdal.

Kung ako ay magiging amo, ituturing kong kaibigan ang lahat ng empleyado. Hindi ko sila pangungunahan sa halip bibigyan ko sila ng layang magsalita, pumili at magdesisyon.  Kapag ako ang nasa taas, di ko hahamakin ang mga tao sa baba. Sa halip, aakayin ko sila paakyat ng hagdan. Kung magiging boss ako, ako lagi ang nasa unahan. Hindi ako uutos ng wala sa lugar. Tatayo ako sa aking inuupuan at magtitimpla ng kape. Kung ako ang maging amo mo, may libreng lunch araw-araw. Ipagpapatupad ko ang araw ng Miyerkules na Skirt Day sa lahat ng mga babaeng empleyado.

Sumilip ako sa blinds ng glass wall ng department namin at shit andoon yung sasakyan na. Mukhang alam ko na mangyayari sa araw na to.


Monday, June 09, 2014

Survival

Shout-out sa lahat ng mga malalakas ang loob na iwanan ang kanilang sariling anak para alagaan ang anak ng iba. Pagpupugay sa mga mga mangagawa nating nakabilad sa disyerto. Saludo ako sa tapang ng ating guro, nars, doktor, karpintero, inhinyero, taga-masahe, barbero at nagpapataya ng ending na mas pinili ang mangibang bansa. Iisa ang dahilan: Yun ang trip nila, pakialam natin. Walang biro, ang totoong rason nyan ay ang guminhawa ang buhay sariling pamilya.

Sabi nila may Pinoy sa bawat sulok ng mundo kahit sa Iceland, kaya kung nasaan ka man ngayon kabayan “Mabuhay ka! Speaking of which, hindi ganoon kadali ang salitang yan kasi mahirap ang mabuhay na malayo sa kinagisnan mong kultura at uri ng pamumuhay. Maliban siguro sa klima, sa pagkain muna tayo maninibago. Heto ang ilan lang sa mga survival tips.

1. Marunong ka bang magluto? Aba, kung hindi ay mamatay ka talaga sa gutom. Kung aasa ka sa lang sa fast food, mauubos lang ang pera mo. Survival tips nga di ba! Huwag mong sabihing kahit ang pagprito lang, sunog pa. Oo masarap din ang pancit canton, pero nakakaumay din kapag araw-araw na lang. I admit, dito lang din ako natutong magluto. Sa araw-araw ko na pag-eensayo kasing galing ko na ngayon si Chef Boy Logro. Pwede rin matuto sa Youtube. Mandatory yan na kapag umalis ka sa poder ng magulang mo ay dapat ang pagluluto ang una mong minamaster hindi ang kalandian. 

2. Dapat marunong ka ring maglaba. Self-explanatory na to. Kasi kung hindi pa, mangagamoy Bombay ka tulad ng mga kasama ko dito na walang palit palit ng damit. Daming alam, maligo lang hindi. Boom Baho! Hindi ito ang ibig kong sabihin na survival kasi hindi ka talaga magsu-survive kapag naamoy mo ang kili-kili nila. Boom Baho talaga!

3. Recycle. Hindi basura ang tinutukoy ko dito. Ang ibig kong sabihin yung ulam mo sa gabi, pwede mong baonin/ulamin sa next meal. Ang pinaligo mong tubig, pwede mong panglaba, at ang tubig na pinangsipilyo mo ay derecho mo nang lagukin. Hehehe, wag gayahin mga bata. Sina Tito, Vic and Joey lang nakakagawa nyan. Ang ginagawa ng mga beterano dito, nagluluto sila ng madami sa gabe at kapag may sobra binabaon nila. At kapag Boom Panes na, iinitin lang ulit. Loko lang yung huli.

4. Mix n’ match. Yung blue mong long sleeve pwede mong i-pares sa black slacks. Yung black slacks i-partner mo sa white polo. White polo pares mo sa khaki pants. Tapos yung necktie ay ipagpalit-palit mo na lang depende sa lucky color mo sa Horoscope. 

5. Huwag masyadong gumimik ng madalas. Sabihin na natin na madalas na yung once a month, medyo pinipilit ka pa nyan. Ang konsepto ko ng nightlife dito ay manood ng mga anime series tulad ng One Piece at Naruto na may Doritos at Pepsi sa tabi (o may free advertisement pa). Sa Pinas, ang gimik ay pagkatapos ng shift. Alas otso ng umaga sa pinakamalapit na sisigan na may kasamang malamig na Red Horse.

6. Kapag nagro-grocery, gumawa ng listahan ng mga mahahalagang bagay na bibilhin tulad ng panghilod, arinola, dustpan at olive oil. Charot! Siyempre, unahin mo yung bigas, sabon, kape, asukal, tinapay, mga gulay-gulay at meat tulad ng manok at baka. Bili ka na rin ng Boy Bawang kapag may sobra.

7. Kung malapit lang ang pupuntahan, lakarin na. Dito, ang flagdown sa taxi, 120 pesos na sa pera natin. Safety advice: maging alerto kapag naglalakad. Tingin sa kaliwa, sa kanan at kahit sa likod baka  sinundan ka. Di bale na lang mapagkamalang paranoid kesa madukutan.

8. At pinakamatindi sa lahat - Mag-ipon. Kahit barya iponin pa rin. Una, baka may matipohan kang cellphone. Pangalawa, baka may matipohan kang DSLR. Pangatlo, baka may matipuhan kang Rolex, e di may pambili ka. Mag-ipon ka para pag-uwi mo may lechon, may banda na sasalubong sa yo. Tapos may inuman magdamagan at hanggang sa susunod na linggo pa. Unlimited Red Horse. Ang ibig kong sabihin mag-ipon ka para sa tuwing may gusto kang bilhin para sa pamilya mo, mabibili mo. Mag-ipon ka para oras ng kagipitan ay may madudukot ka. Gentle reminder lang, wala ang yaya, asawa o nanay mo para bantayan ka diyan.

At kung may alam kang sariling mong survival tips na wala sa listahan, share mo sa amin. Ikalat natin sa mga kababayan natin baka makatulong. Siyangapala, huwag kaligtaang magpadala tuwing sahod. Maraming sikmura ang nag-aabang.

Thursday, April 03, 2014

Wake Me Up When Summer Ends

We live near the sea.  From our small house, it would take exactly 1,250 steps to the seashore. Sometimes, its 1,100 when I wear father’s big slippers. I am sure of it because we count our steps together very loudly every time I and my childhood friends would go swimming on weekends.

My eight-year old memories comes flashing then each time I think of the sea. I really didn’t care if I got sunburned. I didn’t mind about my hair getting brittle nor my eyes getting sore of too much diving (goggles weren’t in that time).  As long as I was with them, the laughter in the seashore never ended.

I recalled, we had this who-is-the-longest-to-hold-breath-under-the-water game and Ata would always win.  There was one time; Pedok beat him when he did not dip his head after Katong shouted the go signal. When I emerged from the water to catch my breath, I caught him laughing and then from there, only he would go dive immediately. Then after me, one by one they all rose up from the water - Ata being the last assumed he was the winner but felt cheated when Pedok emerged a minute later which made him the winner. I told them how he cheated and we laughed out loud. The next moment, we saw Pedok running butt-naked along the stretch of the shore heading the direction of the dike. I would never forget how dark his ass was.

And how we loved the rain. When it poured the first time that summer, all the kids in our barrio, except our rich neighbor who thought rain was very annoying, would go out of their houses and gathered in the streets. Pedok would always grab the attention. Instead of wearing shorts, he wore his favorite dotted underwear he inherited from his father. So we made fun of him. Ata who was looking for revenge had a plan. We connived and without his volition, we lowered his favorite undies. And again his infamous black ass was out and we all laughed, louder than the rain falling on rooftop. To complete the shower time under the rain, we brought soap and shampoo, Pedok with lugod (Ilonggo for hilod) for his, you know, black ass-et.

Several summers had passed. Things are different now. In the sea, I can only watch the the kids of younger generation splashing water at each other without knowing how that brownish water used to be so cool.  Maybe, until they read this. What was left for me to do is to blame the quarrying and the piggery built by a certain businessman-turned-mayor who allegedly brainwashed my fellow residents with his “With this project, all of you will have a job.” I understand these folks that for practicality-sake, they were left of no choice.

Before the water turned dirty, we could see Pedok’s yellow teeth even below the water. His teeth were as yellow as the corals. I doubt if these kids see the way we saw Pedok under the water before.

The sea became polluted. Not only was that, houses nearby built making the seashore looks crowded and small. The sad part is that the people in the barangay did nothing about it. I felt like I’m the only one concerned with the sea.

It has been more than five year since my last glimpse of the place where we used to swim and laugh. That’s even if I’m 1,250 steps away from the sea. When I’m asked to watch the sunset or go swimming, I would just say no. I’m afraid that I would just be annoyed with the garbage that has polluted the sea - that would just complete my bad day.

What had happened to our meeting place when it rains? Nobody now comes out of their houses. Not even my young nieces. I guess because the rain that used to taste like fresh water now tasted like expired mineral water. Acid rain.

Where is Ata now? Can he still hold his breath in the water? I miss Pedok and his ass-et. The laughter that filled the long stretch of the shore before has remained an echo in my memory. The corals are gone. And now I gave a damn if I get sunburned or my hair brittle.

I had a lot of funny and unforgettable summer memories when I was a kid. Not anymore.

Please wake me up when summer ends. 

Thursday, February 27, 2014

Master Chef

Dito lang din akong natutong magluto sa lugar kung saan ang mga gulay ay tumutubo sa bato at ang mga sangkap ay hinuhukay pa sa buhangin. Pero kahit salat at ang lasa ay kakaiba, lumitaw ang bagong katapat ni Chef Boy Negro este Logro pala. Maliban pala sa pagkukulot ng buhok, may talent din pala ako sa pagluluto. Ngayon ko lang nadiscover. Charot!

Name it and I will cook it. Adobo, nilaga, tinola, kaldereta at mechado, sisiw lahat ng yan. Yung adobo ko lasang sunog na asukal. Yung nilaga, lasang plywood. Mapapa “Yum, yum, yum” ka sa sarap talaga. Nakupo, lalo na kapag natikman mo ang specialty ko: ang sinabawang tubig. Ito ang pinakatago-tagong recipe na minana ko pa sa lolo ng lola ko. Madali lang itong gawin pero kelangan ng buong konsentrasyon at sabi nga nila para sumarap ang luto, lagyan ng konting “love”. Magpakulo ka lang tubig. Lagyan ng 3 tablespoon ng asin. Takpan maagi at magbasa muna ng horoscope. Tapos budburan ng magic sarap. Presto may sinabawang tubig ka na.

Walang biro, mahirap talaga maghanap ng mga sangkap sa lulutuin dito. Kung meron man, una mahal. Pangalawa, malayo ang bilihan. One time, niyaya ako ng mga kasama ko sa wet market kung saan meron ding pwesto ang mga Pinoy. Parang bata na binigyan ng kendi, natuwa ako kasi nakakita ako ng mga gulay na sikat sa Bahay Kubo.  Kung i-convert sa pera natin ganito ang maging kalakaran.

3 pirasong sitaw – 20 pesos
4 na pirasong kamatis – 30 pesos
¼ kilo ng sibuyas – 50 pesos
¼ kilo ng bawang – 50 pesos
1 maliit na upo – 20 pesos
1 tali ng pechay/spinach – 10 pesos
4 na pirasong patatas – 30 pesos

Napapamura ka talaga sa mahal eh, tangena nyan. Ano to ginto? Tsaka ang talong nila dito, nasobrahan  sa gym, may mga muscles. Yung talong nila parang bicep ni Arnold (haba ng last name eh), maikli at pabilog. Di katulad sa atin na pahaba parang etits ng kabayo. Hehehe. Mas nakakatawa yung broccoli nila, parang mga abs ni The Hulk.

Gusto mong magtinola kaso mahirap naman maghanap ng green papaya. Ang meron dito double-dead ripe papaya, yung malapit ng mabulok. One time, trip ko sanang magluto ng sinigang, deym pahirapan ding  maghanap ng kangkong, gabe, at talong. Nakaimbento tuloy ako ng bagong putahe, ang sinigang na ube. Kaso di ako  lang alam kung kelan ko hahanda: sa  meryenda ba o sa hapunan?

Tibay din ng sikmura ko kasi kahit paulit-ulit lang ang ulam, di pa rin ako nagsasawa. Okey okey nagsinungaling ako. Nakakasawa na ang parating manok, konti na lang tutubuan na ako ng pakpak. Bawal kasi ang baboy dito. Di lang kukurutin ang kaliwang nipples mo, pugot ulo ka dito. Gusto ko na talaga ng baboy. Lechon, adobo, sinigang, inihaw na liempo, porkchop, sisig, at dinuguan. Shetness, nakakamiss ang baboy. Sige, cholesterol pa!

Mahirap talaga mapalayo sa nakasanayang mong luto at lasa. Kaya lahat dito self-study. Meron namang Youtube para maging assistant chef mo. Wag kayong maingay ha, pag-uwi ay i-surprise ko si Misis ng cooking skills ko. Parati na lang kasi syang nagluluto maliban sa midnight snack nya. Ako kasi ang pinapapak nya.

Tuesday, February 25, 2014

Si Tatang

Lumaki ako na may galang sa mga matatanda o sa nakakatanda. Matik, tuwing ala-sais ng hapon, nagmamano kami sa aming mga lolo at lola. Gumagamit kami ng po at opo kapag nakikipag-usap sa kanila. Isinasapuso ang mga payo at gintong tagubilin nila.

Dito sa tinutuluyan kong brand new apartment with free sim card ay may kasama kaming matanda. Sinabi kong matanda kasi meron na syang puting buhok at ang favorite singer nya ay si Victor Kahoy. Ilonggo sya pero wala sya itsura nya ang pagiging malambing. Judgemental lang ang peg. Isa daw syang accountant at hawak nya sa leeg ang kanyang amo. Yung pangalawang sinabi ko, hindi totoo yun. Matagal na sya dito, almost 15 years na. Naks, tibay ni Tatang. Isa kang tunay na bayani. Ako nga, kaka-isang taon pa lang para ayoko ng bumalik.

Ito palang si Tatang ay sobrang fanatic kay Vice Ganda. Isang araw, japorms syang lumabas ng kwarto nya. Nakatuck-in hanggang dibdib at nakapomada kaya tinanong ko sya, “O Kuya, saan punta?” “Tapon basura”, sagot nya. Siyempre, hindi nangyari iyon. Dahil nga sa kakanuod nya ng It’s Showtime, eto ang totoong naganap. “Aga mo kuya ah, papasok ka na ba?” Sagot nya, “Ah hindi, pupunta ng lamay. Kita mong papunta na ako ng office, tapos tatanungin mo pa ako. Siyempre, papasok na”. Nagulat ako. Parang di naman sya ganoon sumagot sa iba naming kasama. Kumulo ang dugo ko, pwede ka na ngang magtimpla ng kape sa sobrang init. Pero dahil nga may galang ako sa matanda, sige pass muna.

Pero parang pelikula, nagkaroon ng part 2. Sanay kasi akong magtanong para ‘to break the ice’ ika nga. Magbabakasyon kasi sya at parang binati ko lang na, “Saan ka magpapasko kuya?” “Sa Europe. Alam mong uuwi ako di ba, e di sa Pinas”. Sa isip ko, baka sa probinsya at hindi sa Maynila. Napa-cartwheel ako sa sagot nya. Maldita kang damatands ka!

Akalain mo may ganoon palang matanda. Kagalang-galang di ba! Kay Vice bagay pero sa kanya parang overacting na Chikito na sinapian ni Bella Flores. Uulitin ko, parang Market Market, may galang ako sa mga matatanda. Sige pass muna ulit.

Tsaka sobrang din syang madada. Totoo nga sabi nila na ang mga taga-Negros, tikalon (Ilonggo word, research nyo na lang). Gusto nya sya lagi ang bida sa kwentuhan. Gusto ko sana ikwento sa kanila ang Alamat ng Langgam pero nasapawan ako ng kwento nya tungkol sa history. Yung araw ng pakikidigma ni Lapu-lapu kay Magellan. Ganyan sya ka antigo. Andoon nga sya sa picture noong pinako si Hesus sa krus. Kaya kapag may chikahan session na sa bahay, mata ko na lang gumagalaw.

Labag man sa aking kalooban, kinikimkim ko ang lahat ng galit. Kaya minsan, habang naglalakad, pinatid ko nga sya. Noong tulog, nilagyan ko ng earplugs yung ilong nya at gamit ang uling minarkahan ko ng X yung mukha. Tapos binudburan ko ng maraming asin yung nilutong nyang sinangag. One time, pumasok ako sa kwarto nya at nilagyan ko ng hollow blocks yung office bag nya. Yung sinampay nya, inutotan ko. At kapag sumagot ulit sya ng pabalang, pagsasampalin ko sya ng betlog ko. Yun lang takot akong gawin lahat ng ito kaya ikukwento ko na lang sa pagong.

Mabait naman sya kung sa mabait. Kung bibigyan nga sya ng award, hindi lang Most Behave, “Best in Honest” pa sya sa school. Nagsi-share din naman sya ng food at minsan nanglibre ng pizza.  At...at… at yun lang. Wala na akong maisip eh.

Ngayon, for world peace, di na ako unang nagsasalita kapag nagkikita o nagkakasalubong kami. Di na rin akong nagre-rebut sa mga bara nya sa akin. Promise ko, di ako magiging katulad nya pagtanda. Ano na lang sasabihin ng mga apo ko, "Wala kayo sa lolo ko, sobrang fan ni Vice Ganda yun" o kaya "Wala kayo sa lolo ko, sobrang madada yun". Nakaka-turn off. Hahaha. 

Monday, February 24, 2014

Bald is Sexy!

Di naman talaga ako panot, mataas lang ang hairline ko. Pero habang tumatanda tayo di maiwasan na maapektuhan ang growth o metabolism ng ating mga chromosomes, atoms, molecules, at barbecules. Sa huling bilang ko kahapon, 45 yung hair follicles sa bangs ko. Ngayon, 36 and 1/8 na lang. Deym, napapanot na ako!

Mayayabang tong mga nag-advise sa akin. Ang words of wisdom nila eh okey lang daw yun, kasi napapalitan at tutubo daw ang mga new hair sa spot na yun. Putek, anong petsa na, bakanteng lote pa rin sila. Napakanta tuloy ako ng April Boy: “Di ko kayang tanggapin, na mawawala ka na sa akin”. Charot lang. Iilang piraso na nga lang yung buhok ko, unti-unti pa silang nagsipag-alsa balutan. Ang dating makapal na kagubatan ko ay naging runway ng airport na ngayon.

Dahil dito, matindi at katako-takot na paliwanag ngayon ang gagawin ng tatay ko. Nakalbo na rin sya. Obvious ba na sa kanya ako nagmana? Tinanong ko naman sya kung kanino sya nagmana, sabi nya sa lolo ko, yung tatay nya. Anak ng, sa lahi pala talaga namin ito. Pwede naman akong magmana kay nanay na noong dalaga pa ay hanggang tuhod ang buhok. Siguro kapatid ni Nanay si Rapunzel. Pero bilib din ako kay tatay. Never daw sya nagkaroon ng bad hair day. Naks, ikaw na!

Kaya nag-research ako, baka sakaling may solusyon. Nagtanong din ako sa mga tambay sa kanto. Nakipagbatuhan ng mga kwento sa mga antigong barbero sa nayon. Nakipagkerendengan sa mga chismosang beke sa parlor. Hinalugad ko pati yung mga enkanto sa gubat at nakipagsapalaran sa mga manghuhula sa Baclaran pero isa lang sinasabi nila. Wala ng pag-asa. Kahit ibenta ko pa daw yung kaliwang betlog ko. Ang maganda ko daw gawin ay tanggapin na lang ang mapait na katotohanan.

Ang payo naman sa forum online na imbes daw na malungkot ako, gawin ko daw syang asset. So ano to, parang Bembol Rocco lang ang peg? O kaya si Larry Silva aka Pipoy na sidekick minsan ni Vic Sotto sa mga pelikula? Mas nakakatawa daw yung joke kapag kalbo yung nagdeliver. Nabasa ko rin na minsan, bald is sexy daw. Kaya pala malakas ang datingan nila Derek Ramsey, Eminem at tito Boy Abunda. Sa psychology naman, ayon ito sa kainuman ko dati na si Sigmund Freud, nape-perceive daw ng mga babae na mukhang betlog yung ulo ng lalaki kapag kalbo kaya daw nakadagdag ng sex appeal. Ahh kaya pala. Makapagkalbo na nga mamaya. 

Sinong nagsabing napapanot na ako, di ko papuntahin sa bertday ko. Di ako nakakalbo oi, sadyang malakas lang talaga ang sex appeal ko. Booom!

Sunday, February 23, 2014

Wannabe

Kahit saang sulok ng mundo ay mga Bombay. Siguro dahil sa overpopulated na sila doon sa India, kaya kung saan-saan na lang sila nagkakalat. Pero kahit saan pa man yan, basta bawat Bombay ay may mas magaling na Pinoy.

Klaruhin ko lang. Wala akong galit at wala akong hinanakit sa kanila pero putahe ng ina, kahit saan ako magpunta, andoon din sila. Sa dati kong pinagtrabahuan, Bombay na ang naghaharian doon. Ang chismax daw ay binenta sa kanila yung company. Nagpunta ako sa Italy para kumain lang ng authentic spaghetti nila. Sosyal climber na sana ang peg ko kaso sila na naman nakasabay ko sa pagkain. Tapos dito sa opisina, ang mga malalakas ay mga Bombay. Oo, isang malaking check: mga malalakas ang putok. Nagbakasyon lang ako saglit para naman makalanghap ng fresh air eh tapos amoy inidoro pa rin ang nakatabi ko sa eroplano. Kahit ba naman sa pag-ebak ko ay sila pa rin ang makasabay ko CR. Okey sige kwentong barbero lang yung huli. OA na yun masyado. Ano to, anino ko sila?

Okey I admit na bading talaga si Piolo este I admit na mas marami ang Bombay sa buong mundo kesa sa Pilipino pero di ibig sabihin noon na mas magaling sila. Ang teorya ko na pinasa ko pa kay Einstein, nauna lang sila sa partikular na lugar na yun kaya nauna silang na-hire o napromote. Katulad na lamang dito sa opisina, ayon sa aking nakalap na impormasyon, ay naunang dumating ang mga Bombay kesa sa mga Pinoy. Pero sabihin ko sayo, face to face, na wala silang binatbat sa skills natin. Kung ano ang kaya nilang gawin e kaya nating tapatan o mas lalo pang higitan. 

Itago natin sa pangalang Naseer si Wannabe 1. Matalino daw sya sa klase. Yun ang sabi sa akin ng bobo nyang kaklase. Loko lang. Senior chuva ek ek ang nakalagay sa resume nya at marami na syang napagtrabahuang malalaking kumpanya. Lahat yun di ko kilala. Pero sabi nya sikat. Nang dumating na ang trabaho sa desk nya, nganga si kupal. Walang-hiya, buong araw nya akong tinadtad ng tanong. Tanungin mo ako kung ano pinagkakaabalahan nya ngayon. Ang tadtadrin pa rin ako ng mga tanong. Ulol, ayusin mo buhay mo! Wag ako, iba na lang. 

Itong si Wannabe 2 ay napilitan akong sabihing masipag. Masipag tumunganga. Hirap kaya tumunganga buong araw. Numbers daw ang expertise nya kaya pala magaling magbilang ng mga dumadaang sasakyan sa labas ng opisina. Kung mag-English pa ay parang katatapos lang kabisaduhin ang alpabeto. Tamad na nga, may amoy pa. Pastime siguro nito ang kumain ng ipis. 

IT itong si Wannabe 3. Pero sa maniwala man kayo o sa hindi, kaibigan ko to. Plastic na kung plastic. Ang kelangan dito, may kadikit kang IT para maka-access ka ng Facebook at makadownload ka ng Maria Osawa (ngiting-aso). Yun lang, saksakan lang  sya ng tamad. Nagpatulong ako i-refill yung ink ng printer kasi may customer sa harap ko at kelangan i-print yung itinerary nya, ang sagot nya: “You need it now?” Sinagot ko ng “Hindi, kelangan ko bukas kung wala na ang customer”. Syempre hindi ko ginawa yun, propesyonal tayong mga pinoy. Sabi ko lang sa kanya Gotohell.

Si Wannabe 4 ay parang may lakad parati. Lahat ng request nya, urgent. Ang urgent sa kanya ay parang tayong Pinoy na nag-aantay ng Pasko kahit Setyembre pa lang, gusto Christmas agad. Pebrero ngayon tapos yung request nya ay sa Agosto pa, urgent ba yun?  Sarap idik-dik sa nagpupumiglas kong muscles ang mukha nito.

Marami pa silang mga Wannabe dito. Huwag na natin silang ubusin.

Kaming mga Pinoy, world class ang mga skills, ika-nga ng gobyerno natin. Trabaho lang ng trabaho. Lahat ng mga Bombay dito ay wala sinabi sa mga lolo namin. Kaso nakakalungkot lang na yung iba sa tagal na dito ay parang naging mga Wannabe na rin. Di ko naman sila masisi sa dahilang gusto lang siguro nilang mag-adapt o kaya gusto lang nilang tapatan ang ugali ng mga palkups na to.

Kaya kung saan may Bombay, may Pilipino din. Kahit sa Maldives, merong Pilipino. Gulat nga ako kasi kahit sa North Pole, meron ding Pilipino. Meron na rin daw padalang Pilipino papuntang space. Pwede na nga nating sakupin ang buong mundo.

Wednesday, February 19, 2014

Pinakamabango

Real Talk: Kahit di ako maligo ng tatlong araw, ako pa rin ang pinakamabango dito sa opisina.

Indiano, Arabo at mga Ehipto lang naman ang mga katrabaho ko. Tanungin mo kung paano ako humihinga araw-araw. Pasintabi muna sa lahat ng kumakain at ang mga susunod na linya ay nakakasulasok at kasukkam-suklam. Ilagay mo sa lata ang ganitong pinagsama-samang amoy: imburnal ng piggery, medyas na ginamit ng isang linggo, pawising kili-kili na may makapal na buhok, at ebak hindi na-flush ng dalawang araw. Tapos takpan mo. Shake well before you open. Boom! Yan ang totoong putok. Sumasabog. Ganyan ang atmosphere dito. Tapos tanungin mo ulit ako kung paano ako humihinga sa bawat segundo.

Unahin natin imbestigahan ang kili-kili ng mga Arabo. In fairness sa kanila, iilan lang ang may putok base sa mga nakasalamuha ko. Swerte, kasi dalawa lang ang katutubo dito sa opisina. Masasabi ko na hindi sila araw-araw naliligo pero wala silang putok. Siguro mga tatlo lang sa nakilala ko ang may di kanais-nais na amoy. Pero meron ding mga katutubo na sobrang bango na kapag nakipagkamay ka sa kanila e maiiwan yung halimuyak sa kamay mo mismo. Sabi ko, nabibilang sa pamilyang maharlika siguro to. Ang hindi ko lang maintindihan sa kanila eh kung bakit sobrang init na nga, balot na balot pa rin sila - from head to toe. Ayaw ko rin naman silang tanungin, baka gahasain nila ako.

Sunod natin ang mga taga-Ehipto. 5/6 yung may di kaaya-ayang amoy dito. Ang taas pa naman ng tingin ko sa kanila dahil sobrang amazed at fan ako ng Pyramids. Tsaka sabi daw nila na sa petals daw ng rosas naliligo si Cleopatra. Pero anyare? King ina, tuwing pupunta ako ng HR, para akong tumambay sa tapat ng kanal. Yung accountant naman mukhang naka-gel parati pero yung amoy parang gel na tae. Yung natira ay kukuwento ko na lang talkative kong pagong. Baka gahasain ako ng mga Pharaoh.

Kelangan pa ba nating ipa-SOCO ang amoy ng mga Indiano? Pero linawin lang natin na hindi lahat sa kanila ay may paghanga sa nakakasulasok na amoy. Meron din naman naliligo sa kanila tulad na lang ng GM namin. Ewan ko ba kung bakit parang achievement nila sa buhay ang magkaroon ng putok. May nagsabi sa akin na mas mabaho, mas barako at nakakalibog daw. Ulol, mag-usap kayo ng lolo kong na- paybsiks. Kelan pa nakakalibog ang tae? Sino ang naaakit sa taong mukhang naligo sa mantika? Ituro mo at tusuk-tusukin ko ng karayom. Hindi ko talaga mapapatawad itong nasa ticketing department namin. Di na nga naliligo, di pa nagpapalit ng damit. Para lalong lumala ang sitwasyon, doon pa sya nakaupo sa tapat ng aircon. Charan, instant air freshener with sinigang sa sampaloc scent. Talagang isisiwalat ko ang baho nya kasi hindi na makatarungan ang pahirap na dulot nya sa malaki kong ilong. Nakakastress kaya. Naapektuhan tuloy ang metabolism ng buhok ko. Ilang piraso na nga lang natira sa bangs ko mukhang magkaka-hairfall pa ako.

Kaya shoutouts sa mga ninuno natin kasi tinuruan tayong mga Pinoy na maligo araw-araw. Meron din may putok sa atin pero pinakamabaho na siguro yung amoy expired na utot. Yung kapag humambalos yung masamang hangin sa harap mo ay parang may ID yung utot. Nag-iiwan ng kurot sa ilong mo.

Kaya real talk: Kahit isang linggo akong hindi maligo, ako pa rin ang pinakamabango dito. 

Tuesday, February 18, 2014

Gitnang Silangan

So pagkatapos ng isang taon sa Saudi, ano ang aking napala?

Sagot ko noon sa teacher ko nang tinanong ako tungkol sa pangingibang bansa, ang mayabang kong sagot ay hindi. Sabi ko “Never, over my dead body”. Charot lang. Nasambit ko na mas pipiliin kong magtrabaho sa bansa natin at makasama ang aking pamilya. Kahit payak lang basta buo.

Pero kinain ko lahat ng sinabi ko at muntik pa akong mabulunan. Minsan talaga, may pagkakataon na magdedesisyon ka sa buhay mo kung ano ang mas mabigat: yung isang kilong cotton o isang kilong pako. Siyempre ang daling sagutin di ba? Ang ibig kong sabihin ay maiiwan ka ng walang option. No choice.  Eto ang eksena: Buntis ang asawa mo at na-CS. May hinuhulugan kang bahay. Marami kang utang. At apat na lang ang natira mong buhok sa bangs, nalagas pa yung isa.

Pero bakit Saudi? Eh, sa gusto kong sumakay ng camel. Eh, gusto kong mawasak ang pwet ko. Hahahaha.

Pero bakit hindi? Malaki ang offer. Walang tax. Libre ang accommodation. Maraming bawal. Bawal ang sugal, inum, at babae. Walang nightlife equals malaking ipon. Eh yun naman talaga ang purpose di ba, ang makaipon at makapundar. Ang mabuo ang tagpi-tagping mga pangarap.

Sa pagkape-kape ko mag-isa tuwing umaga, minsan naiisip ko na blessing na rin kung maituring ang paglaklakbay ko dito sa kaharian ng buhangin. Akalain mong kelangan ko pang mag-Saudi para makapunta ng Italy at Austria. Dito rin ako unang nanalo sa mga pa-raffle raffle na yan. Sa Pinas, kahit sa ending di ako manalo-nalo. Kahit sa jack-en-poy malas din.

So ano nga ba napala ko kapalit ng lungkot sa ibang bansa? Well, naturn-over lang naman sa akin yung minimithi kong bahay at lupa. Nabawasan ang milyones kong kautangan. Si baby nag-first birthday sa Jollibee. Naranasan ang pagcheck-in sa 5-Star hotel. Nakatikim ng putahe ng at nakapunta sa iba’t ibang bansa. Nagkaroon ng gintong Ipad. Nakabili ng sariling helicopter at nagpagawa ng helipad. Ok, ok, yung huling dalawa ay kukuwento ko na lang sa pagong.

Kaya sige kahit malungkot at mahirap, isang taon pa ulit dito sa Gitnang Silangan. Malay mo, makauwi ako ng camel this year.